Chapter 35
MAE'S POV
Nginangatngat ni Mae ang kuko, pabalik-balik na nag lakad sa loob ng silid nila ni Mark. Kanina pa hindi mapakali at iniisip ang pangyayari na nakatanggap na naman muli siya ng regalo kahapon.
Regalo na katabi ni Ivonne ang nawawala niyang kwentas.
Paano nangyari iyon?
"K-Kilala niya kong sino ako. A-Alam niya ang ginawa ko." Nababaliw na saad ni Mae. Pabaling-baling ang ulo niya sa bawat kanto ng silid. Pakiramdam niya nag mamasid sakanya kahit wala naman talaga. "N-No, hindi p-pwede mangyari ito. S-Sino siya? Sino?" Malilikot na ang mata ni Mae at kahit na rin ang ilalim nang mata naging maitim na rin, hindi naka-tulog ng maayos kakaisip.
Nang hindi na maka-tiis si Mae, kinuha na ang cellphone sa bulsa at tinawagan ang mahalagang tao na alam na makaka-tulong sakanya.
"Hello Louie," sa tuwing kausap ni Mae sa Louie, umaasa na makakahanap siya ng sagot mula dito.
Ilang araw na rin siya hindi pinapatahimik na pinapadalahan na mga regalo."Mae?"
"Nag-padala na naman muli siya ng regalo sa akin kahapon sa Opisina. Alam niya kong saan ako nag tra-trabaho. Alam niya tungkol sa akin." Naiiyak na si Mae sa takot na hanggang ngayon wala pa rin siya idea kong sino ang nanakot sakanya.
Kong sino ang may pakana nito. "Anytime pwede niya akong balikan at ipaalam sa lahat na ako ang may kinalaman sa pag-kamatay ni Ivonne. P-Paano kong sa sunod si D-Dad naman ang padalhan niya ng mga l-litrato o kaya naman si Mark? Hindi ko na alam ang gagawin ko, Louie.
Mababaliw na ako kakaisip kong sino talaga ang may kagagawan nito." Nag panic na si Mae na hindi pa rin makuha ang kasagutan hanggang ngayon.Sobrang kalabog na ang dibdib ni Mae sa takot, ngayon lang siya naka-ramdam ng takot sa tanang buhay niya.
"Just calm down, Mae. We could figure this out,"
"Figure this out?! Ginugulo niya na ako, Louie!" Napag taasan ni Mae nang boses nito. Sinapo ni Mae ang mukha para pakalmahin ang nararamdaman. Hindi dapat ako mag panic! Hindi dapat ako mataranta ng ganito.
"Look! Gusto ko nang mahanap kong sino man na hayop ang nanakot at nanggugulo sa akin! Malakas ang kutob ko na nakita niya kong paano ko napatay si I-Ivonne. May nakita ka bang tao maliban sa amin ni Ivonne sa fire exit?" Kulang na lang dumugo ang ibabang labi ni Mae sa higpit na pag kakakagat doon."Dinouble check ko na rin ang crime scene subalit wala talaga ako na nakita na kwentas sa fire exit kasama ng bangkay ng kapatid mo." Kina-pikit naman ni Mae ang naging sagot nito. "Inalam ko na rin ang files ng mga pulis pero wala silang nakuhang kwentas, gaya nang sinasabi mo. Chineck ko na rin ang cctv na posibleng labasan ng mga fire exit subalit, ikaw lang bukod tanging lumabas sa fire exit. Binura ko na rin ang files na naroon ka sa pag kamatay ang kapatid mo, kaya't wala na makuha ang mga pulis na ebidensiya laban sa'yo." Anito. "Tinignan ko na rin ang ilang blocks na pwedeng labasan na mga fire exit, but unfortunately ang ibang exit, walang cctv kaya't mahirap alamin kong sino talaga ang naroon na kasama niyo.. For sure, ang taong naka-kita sainyo ni Ivonne, pwedeng nag tra-trabaho sa kompaniya niyo kaya naiwasan niya kaagad ang mga cctv."
"Ako na ang bahalaga sa mga empleyado ko na mag-alam, Louie. Basta bigyan mo ako ng copy na posibilidad na mga area na nahagip na mga cctv camera na malapit sa exit." Dugtong ni Mae.
"Okay, aasikasuhin ko ngayon Mae." Hindi na sumagot si Mae at pinatay na ang pag-uusap nilang dalawa ni Louie.
Naging matatalim ang mata ni Mae sa galit sa mga nalaman.Ito ang gusto nang nanakot sa akin ang mag panic ako.
Ang matakot ako sa ginagawa niya.Ito pala ang gusto mo na pag-laruan ako?
BINABASA MO ANG
The Revenge of the Battered Wife [COMPLETED]
RomanceIto po yong Book 2 ng "The Dare" "Silence is not my Weakness But it is the beginning of my Revenge"- Lea Christine Sandoval Montecillo Book 1: The Dare. Still On-Going