Chapter 57

588 14 0
                                    

Chapter 57

LEA KRISTINE'S POV

"Asan na si Mark? Huh?" Pag kapasok kaagad ni Lea sa bahay, una niyang hinalughog ang kasulok-sulokan para hanapin lamang si Mark at bugbugin.

Kanina pa habang nasa byahe, hindi na maitago ang pag katimpi ni Lea na malaman na narito si Mark sa bahay nila at kalaro ang anak nila.

Ang kapal naman ng pag mumukha niya, para tumungtong sa pamamahay ko matapos ang kahayupan na ginawa niya sa amin noon!
Mapapatay ko talaga siya.

"Asan ang Mark na iyan, asan?" Mamula na ang pisngi ni Lea sa galit at naka sunod naman ang katulong sa likuran ko; na kabado na rin.

"Kaalis lang po Mam ni Sir Mark," ang salita ng katulong ang mag pakulo pa lalo ng dugo sa katawan ko. Ughh! Nakakapang-init talaga siya ng laman!
Ang galing mo naman Mark!
Umuwi ka talaga, nang malaman mong uuwi ako!

Gustong ilabas ni Lea ang galit na naramdaman at hinarap si Manang. "Sa susunod, huwag mo na siyang papasukin sa pamamahay ko, Manang. Nag kakaintindihan ba tayo?" Napag taasan na ni Lea ng boses ang katulong na kina-yuko naman nito.
Mabait naman si Lea pero ayaw niya talaga sa lahat ang sinasagad ang pasensiya niya.

"Yes Mam. Pasensiya na po t-talaga." Paumanhin nito at sinuklay ni Lea ang buhok gamit ang kamay.

"What's going on Mommy?" Ang boses ni Steven na nag salita ang mag pawala ng galit ni Lea. Nakita niya ito sa malawak na sala; at mukhang naagaw ang pansin nang marinig nito ang pag tataas niya ng boses.

Lumapit si Lea sa anak at sinuri ang katawan nito para masiguro na hindi nga ito sinaktan ni Mark. "Are you hurt? May ginawa ba si Mark, habang wala ako?" Inosenteng bumaling ng tingin si Steven, mukhang nahihiwagaan kong ano ba talaga ang nangyayari. Mapapatay talaga kita Mark, kapag malaman ko lang talaga na sinaktan mo ang anak ko!

"Hindi niya ako sinaktan Mommy," ang boses nito ang pahinto sa akin sa pag suri. "Nakipag laro lang po siya sa akin kanina at binigyan niya po ako ng ice-cream.. At sinabi niya sa akin, nag paalam daw siya kay Manang at sa'yo Mommy," sinamaan ko nang tingin si Manang na kina-yuko naman ng ulo nito sa takot.
So, hinayaan niya talaga si Mark na pumasok dito sa bahay ko?

Humarap si Lea sa anak at hinawakan ang balikat nito. "Sa susunod kapag lumapit siya sa'yo huwag mong kakausapin at lalapitan okay?"

"Yes Mom,"

"Sige na. Pumunta kana sa silid mo para maligo. Mag hahanda lang si Mommy ng hapunan natin." Tumango naman si Steven at nag mamadali na itong pumanhik paakyat sa silid nito.

Umayos na nang tayo si Lea at dahan-dahan na lumapit ang katulong; at nakikiramdam lamang sa nangyari. "Pasensiya na talaga Mam, kong pinapasok ko si Sir Mark. Nakiusap kasi siya sa akin na gusto niyang makasama si Steven kahit sandali p—-" pinutol ko na ang sasabihin nito.

"Sige na, pumunta kana sa kusina. Tapusin mo na ang ginagawa mo." Yumuko ang katulong at dahan-dahan na ginalaw ang paa paalis.

Nag pakawala na lang ng malalim na buntong-hiningga si Lea at hindi pa rin siya makapaniwala na nalulusutan siya ng ganun-ganun na lang ni Mark.
May araw ka din sa akin Mark!
Natigil lamang si Lea sa pag mumuni-muni nang tumunog ang cellphone niya at sinagot kong sino man ang tumawag.

"Hello, Insoo."

[Napatawag ako sa'yo para sabihin na napagawa ko na pala ang sasakyan mo. Ihahatid ko diyan mamaya." Napa-sapo ng mukha si Lea. Muntik niyang makalimutan na naroon pa pala ang sasakyan niya sa condo ni Insoo.

"Oo nga pala. Muntik ko nang maka-limutan." Wika ko pa. "Ako na lang ang dadaan diyan sainyo Insoo para kunin ang sasakyan ko. Idadaan ko na rin ang ilang hard desk para dito na lang sa bahay mag check ng mga footage.. Hindi ko kasi pwedeng iwan si Steven."

The Revenge of the Battered Wife [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon