Chapter 69

475 12 3
                                    

Chapter 69

Chapter 69

MAE'S POV

"So you we're saying na nakita mo ang babaeng naka-dress no'ng pumunta siya dito sa kompaniya?" nabuhayan ang aking dibdib ng pinamalita ko sa aking mga empleyado na pinapahanap ko kong sino ang naka-kita sa babaeng naka-dress. Pangalawa lamang ang babaeng ito na lumapit sa akin na nakilanlan nito ang babaeng hinahabap ko.

"Yes Mam," pag sasang-ayon nito. Nag trabaho ito sa ibang department na aking nasasakupan pa naman at base pa lang sa kilos at galaw nito mukhang may alam nga talaga ito. "Nakita ko po ang babaeng hinanap niyo nang bandang hapon na po iyon. Naka sabay ko pa nga siya sa elevator at kami lang na dalawa ang sakay ng mga oras na iyon," sagot pa nito na hindi na ako mag padaunggaga sa aking kina tatayuan na malaman pa sakanya ang iba.

"So what else? May napansin ka bang kakaiba? Nakilalanlan mo ang mukha niya, ano?" Nilapit ko pa ang mukha ko sakanya na hindi na makapag hintay na malaman pa sakanya ang iba pang detalye. Hindi na rin ako pinapatulog kakaisip kong sino ba talaga ang babaeng gumagambala sa akin.

"Hmm," anito na iniisip at inaalam pa nito kong ano pa nga ba ang nakita nito. "Matangkad ang babae, naka suot ng pulang dress at kahit na rin ang high heels na pointed pula rin ang kulay. Mahaba ang kanyang buhok at balingkinitan ang katawan." Wika pa nito.

"Ano pang nakita mo? Tell me!" tumaas na ang aking boses sa pag sasalita na hindi na ako makapag hintay pa. Kapag nalaman ko talaga kong sino siya, pag babayaran niya ang ginawa niya sa akin.

"Sinilip ko lang ang babaeng naka-tabi ko sa elevator at daplis lang ng mukha niya ang nakita ko dahil natatakpan ng kanyang buhok ang mukha niya. Sa totoo lang po Mam, ngayon ko pa lang nakita ang mukha nito at hindi ko alam kong sino talaga siya."

"Isipin mo pa ng maigi at alamin ang itsura niya. You hear me?" sindak ko na kina-kurap lamang ng mata nito. "Ito ba ang babaeng nakita mo? Siya ba iyon?" Nilabas ko ang cellphone ko at pinakita ko sakanya ang litrato ni Lea.
Malakas ang kutob ko na si Lea lang naman ang may galit sa akin na takutin ako ng ganito.

Nilapit pa ng babae ang mukha nito sa cellphone para maging klaro na masilayan kong sino man ang nasa litrato,at ilang segundo doon tumitig sabay na bumaling ng tingin sa akin.

"Pasensiya na po Mam Mae, ngunit hindi po siya ang babaeng nakita ko," kinapikit ko na lamang ng mata ko para pakalmahin pa ang sarili ko sa inis na nararamdaman. Wala rin palang silbi ang pinag gagawa ko na alamin kong sino ang babaeng iyon, kong mismo ng tadhana ang nag lalayo sa akin sa katotohanan. "Sorry po talaga Mam, kong hindi po ako gaanong naka-tulong sa'yo, sige po mauna na ako," sunod ko na lang narinig ang yabag ng paa na iniwan ako at sabay na kina-mulat ko naman ng mata na umaapoy na iyon sa galit.

Sa totoo lang talaga kina-iinis ko ngayon na hindi ko pa rin nalalaman ang tunay nitong katauhan.

Mabibigat na ang yabag ng aking paa na pabalik sa aking Opisina na para bang nag hahamon ng gulo at ang kamay ko naman naka-kuyom na sa galit na hindi na ako makapag-pigil ng aking nararamdaman.

Sinalubong ako ng aking secretary at binigay sa akin ang mga kailangan kong mga documento na aking hini-hinggi at isang kapiraso ng special envelop, ang inabot sa akin.

"Mam, may nag padala po sa'yo ng envelop," kinuha ko na sa kamay ang envelop at kasabay na rin ng mga documento na kailangan ko. Tuloy-tuloy ako sa pag lalakad hanggang dinala ang aking paa papasok sa Opisina ko sabay sara ng pintuan na ako na lang ang mag-isa.

Nilapag ko ang ilang documento sa table at tinira ko na lang sa kamay ko ang envelop ko na sa palagay kong padala na naman sa akin ng babaeng naka-pulang dress. Kay bigat ng aking pag hingga at kahit na rin nag mamadali na buksan at alamin kong ano na naman ba ang pinadala niya sa akin. Pag bukas ko nang envelop, tinapon ko na sa lapag ang ang enveolp at tinira ko na lang sa kamay ko ang maliit na special paper na may naka-paloob doon na sulat.

The Revenge of the Battered Wife [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon