Chapter 29
MAE'S POV
"Hello, Louie." Nag lalakad si Mae palabas nang kompaniya na tumawag ang mahalagang tauhan.
"Pinag aralan ko nang mabuti kong sino at saan galing ang regalo na nag padala sa'yo ng package at nakuha ko na ang address,"
"Talaga? Saan?" Nahinto ako sa pag lalakad na marinig ang sinabi ni Louie. "Maraming salamat Louie," pinatay ko na ang tawag namin sa isa't-isa sabay silid ng cellphone ko sa bulsa. Nilakihan ko ang hakbang ng paa ko at ang mukha ko naging porsigedo na puntahan ang lugar at parusahan kong sino man ang taong nag padala sa akin ng regalo.
Hindi na pinansin ni Mae ang mga empleyado na nag babati sakanya bagkus nilampasan niya na lang iyon lahat. Nang maka rating na sa parking area, pinindot niya kaagad ang car keys kaya't bumukas naman ang pintuan para hindi na siya mahirapan pumasok. Sumakay na si Mae sa sasakyan at nilagay na rin doon ang mga mahahalagang gamit na dala niya.
"Malalaman ko din kong sino ka," tiim-bagang asik sabay hawak nang mahigpit sa manibela bago pina-harurot ng mabilis ang pag papatakbo ng itim na sedan na sasakyan niya.
Ilang minuto na pag mamaneho; dinala si Mae sa isang lugar na hindi naman pamilyar sakanya. Ang lugar at ang pangalan na shop na tinuro sakanya ni Louie, ay lugar na napapabalutan ng matataas at kilalang mga shops dito sa Pilipinas. Lumabas na si Mae sa sasakyan; hinayaang tanggayin ng hangin ang suot na damit sa pag ihip nang hangin.
Maraming mga tao ang nag dadaraan ng sandaling iyon at pabalang na sinarhan ang pintuan ng sasakyan bago pumasok sa Shop para kumuha ng impormasyon na aking kailangan.
I will swear to God, na pag babayaran niya ang ginawa niya sa akin!Hahanapin ko kong sino ang nag tatakot sa akin at makukuha niya ang pag galit ng isang Mae.
Nag palinga-linga pa ako sa paligid; makikita mo talaga na may mga tinda doon na mga sari-saring mga sariwang bulaklak ilan pang items na pwedeng pang-regalo.
Una kaagad napansin ni Mae ang babaeng nasa counter at may kinakausap itong babae; hula niya customer iyon. Inayos ni Mae ang pag kakasabit ng mamahalin na sling bag sa balikat at nilapitan iyon.
Aawayin ko ang nasa counter kapag hindi niya sa akin binigay ang impormasyon na kailangan ko.
Papalapit nang papalapit si Mae sa direksyon ng nasa counter; at tapos na rin kausapin ang customer. Awtomatiko nanigas ako sa kina-tatayuan nang bumuggad sa akin ang itsura ng babae.
Walang iba kundi si.
"Lea." Ang expression ng mukha ni Lea; tila ba nagulat din ito na dito sila mag kakaharap na dalawa. Pansin kaagad ni Mae ang hawak nitong bulaklak na puti.
Tinignan ko si Lea mula ulo hanggang paa; nilalait at inoobserbahan ang suot nitong damit.
"Hi, Mae." Ngumiti ito ng matamis; na lalo kong kina-inis.
Nilapit ko ang sarili ko sakanya at sa puntong ito nag tuos kaming dalawa.
"Ikaw ba?" Hindi na ako mag paligoy-ligoy pa. Siya naman ang naiisip kong gagawa ng kalokohan at takutin ako.
"What?"
"Huwag na tayo mag lokohan pa Lea, tinatanong ko, kong ikaw ba ang nag padala sa akin ng package!" Giit ko pa. Narito na rin naman siya sa harapan ko, kaya't siya na lang ang pag-bibintangan ko. Wala naman na ibang may galit sa akin; bukod tangi siya lamang. Hindi ko alam kong paano niya nakuha ang mga litrato na pinadala niya sa akin, pero ito lang ang masasabi ko. Hindi niya ako basta-basta matatakot nang ganun lamang!
Ang lakas nang loob niyang takutin ako!
Ako pa talaga?
Sisiguraduhin kong pag sisihan niya ang ginawa niya sa akin."Ikaw lang naman ang gagawa sa akin ng mga ganitong mga kalokohan dahil hanggang ngayon hindi mo pa rin matanggap na ako ang pinili ng asawa mo!" Asik ko. "Kong sa tingin mo, matatakot mo ako diyan sa pinag-gagawa mo, pwes nag kakamali ka! Nag kakamali ka nang binangga!"
"What package?" Patay-malisya nitong tanong. "As far as I know, wala akong kinalaman diyan sa package sa sinasabi mo. Pumunta lang naman ako dito para bumili ng bulaklak para sa puntod ng anak ko tapos pag bibintangan mo na ako. Gaano ba kahalaga ang package na pinadala sa'yo? Ano bang laman?" Papatulan ko na sana si Lea; subalit mas pinili kong maging mahinahon kahit gustong-gusto ko na ingudngod ang pag-mumukha niya.
Maraming mga mata at tao sa loob ng shop.
Mas importante pa rin ang image ko sa mga tao."Ano, na? Anong laman ng package, at mukhang galit na galit ka ata?" Pang-uulit pa nito. Hayop ka talaga!
Tinaas ni Lea ang hawak na bulaklak sa tapat mismo ng mukha ko; sabay sabi ng ganito. "Ang ganda, mukhang bagay pala sa'yo Mae ang puting bulaklak na ito." Lalo pang sumilay ang ngisi sa labi ni Lea.Imbes na sumagot; tinabig ko palayo ang bulaklak paalis sa tabi ng mukha ko. "I'm always, watching you Lea!" Duro ko pa at nag martsa na ako palabas nang Shop na sobrang sama ng loob.
Mahahanap din kita!
Kong sino ka man, pag sisihan mo ang pananakot mo sa akin!LEA KRISTINE'S POV
Mula sa loob tanaw na tanaw ni Lea ang babaeng kakaalis lamang sa pader na gawa salamin.
Inamoy ni Lea ang kumpol na white roses at inamoy niya iyon habang inaalis ang tingin kay Mae.
"Miss, ipa reserve mo na din ang package at bulaklak na sinabi ko sa'yo, at ibigay mo sa address na ito."
"Yes Mam." Binigay ko ang credit card at mabilis din maman na process nang babae ang request ko.
"Here you go, Mam." Inabot kaagad ng nasa counter ang card at binalikan ko muli ng tanaw si Mae subalit wala na doon ang sasakyan nito, hudyat naka-alis na nga ito.
Sige lang,
Mag enjoy ka lang Mae.
Sulitin mo ang masasayang sandali.
BINABASA MO ANG
The Revenge of the Battered Wife [COMPLETED]
RomanceIto po yong Book 2 ng "The Dare" "Silence is not my Weakness But it is the beginning of my Revenge"- Lea Christine Sandoval Montecillo Book 1: The Dare. Still On-Going