Chapter 72

642 13 1
                                    

Chapter 72

MAE'S POV

Lea?

Siya ang may kagagawan nito?

Ang malakas na palakpak lamang ni Lea ang maririnig mo sa loob ng venue, nanahimik ang lahat ng naroon at bumaling ang tingin nila sa akin. Lahat sila galit na galit at nililitis nila ako sa paraang titig nila, sabay takpan ng mukha ko na nasisilaw sa paulit-ulit na kinukuhanan nila ako ng litrato.

"This is not, happening. Hindi ito totoo, h-hindi." Iyan na lang ang paulit-ulit kong sinasabi, winawaksi sa isipan kong hindi totoo ang mga ito at gusto ko ng magising sa masamang bangungot.

"Mae!" Ang malakas na sigaw ni Dad ang mag balik takot sa aking puso. Naka tayo na ito at ang mukha sobrang dilim na hindi mailabas ang galit at sama ng loob na ako ang may kagagawan sa pag kamatay ng paborito niyang anak na si Ivonne. "Ikaw! Walang-hiya ka! Ikaw ang pumatay sa kapatid mo-ahhh!" Humawak si Dad sa bahagyang dibdib, bahagyang naninikip ang dibdib.

"Hon, Hon." Mabilis naman itong inalalayan ni Mom si Dad na hihimatayin kasama ang ilan pa naming mga kamag anak na kasama lamang nito sa iisang table kong saan sila naupo.
Lahat na nag kagulo at ang mga tao na naroon iba ang titig nila sa akin at kay bigat na ng puso ko na malaman na nila ang totoo.

"H-Hon. Hon." Paulit-ulit na tawag ni Mom dito na mangiyak na paraan na makita si Dad na inaatake sa aking kagagawan.

"D-Dad," tawag ko sa aking ama na hindi ko magawang lapitan o tulungan man lang, takot sa posibilidad na gawin niya sa akin na panigurado kamuhian at itakwil nila ako sa aking mga tinatago na sikreto. Paano na si Dad? Tiyak na itatakwil niya ako na ngayo'y ako ang may kinalaman kong bakit namatay si Ivonne. "D-Dad, I'm so sorry, patawarin niyo ak—-" takot man na ihakbang ang paa ko na palapit sakanya at baka lalo pa itong atakehin.

Nag lakas ang bulong-bulongan ng mga taong naroon sa venu, lahat sila tinitigan ako na nabahiran ng malapot na dugo sa katawan. Ang aking pag hingga naging mabigat sa galit ng binalingan ko nang tingin si Lea naka-tayo sa pwesto nito at painom-inom lamang ng champagne at pinapanuod ang isang magandang palabas at ako ang kontrabida.

Hindi na ako makapag pigil na bumaba na ako sa stage para sugudin lamang ito. Mapapatay ko siya sa ginawa niyang pag sira sa akin!

Hayop siya!
Hindi ko siya mapapatawad.

Naging blangko na ang aking isipan at nasa isipan ko na lamang na saktan at gantihan ito sa pag sira niya ng magandang gabi na ito.

Umiiwas ang mga tao pag baba ko sa stage at mukhang takot sila na lumapit sa akin na para bang isusunod ko din silang patayin.
Lumapit ako kay Lea at tumigil ako sa harapan nitong pangisi-ngisi na lamang.

"Hayop ka talaga! Ikaw? Ikaw ang nag sira sa akin?" Humawak ako sa kabilang balikat ni Lea sabay niyugyog ito na hindi man lang nasindak sa aking ginawa kundi tumitig lamang sa akin na mapag laro at hindi alintana na madaplisan ito ng marka ng dugo na binuhos sa akin kanina. "Bakit mo ginawa ito sa akin, huh? Dahil sa'yo sinira mo ang buhay at reputasyon ko! Napaka walanghiya mo talaga! Mapapatay talaga kita!"

"Wala akong sinisira Mae," tugon naman nito na aking kinatigil. Lahat ng mga tao na naroon pinapanuod lamang kaming dalawa ni Lea. "Sa katunayan pinaalam ko lang naman sa lahat ng mga taong nandito kong ano talagang klaseng tao ka talaga. Bakit, hindi mo ba nagustuhan ang handog ko sa'yong regalo?" Ngumisi pa ito ng nakaka loko na kina-pula naman ng mukha ko sa galit.

"Tangina talaga! Sino pa ang mga kasamahan mo huh? Sino! Alam kong may kasamahan kang utak para sirain lamang ako!" Tumingin-tingin pa ako sa kaliwa't-kanan ko at hinahanap ang iba pa nitong kasamahan.

The Revenge of the Battered Wife [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon