Chapter 14

5K 127 6
                                    

Chapter 14

MAE'S POV

Kanina pa aligaga at hindi mapakali si Mae pabalik-balik sa malawak na sala. Samantala naman ang isa niyang kamay, abalang tinatawagan ang importanteng tao.

"Pick up the phone, Mark. Pick it up!" kulang na lang tawagin ni Mae ang Santa at Diyos para sagutin lamang ni Mark ang mga tawag niya. Gusto niya itong maka-usap, samantala naman hindi ito sumasagot sa text at kahit na rin sa tawag ko."Pick it up Mark! Aghhh Shit!" matinis na mura ni Mae nang marinig ang beep sa kabilang linya, at pag putol ng tawag. Umuusok na ang mata at ilong ni Mae sa galit , ngayon lamang siya nahihirapan na contact ang kinakasama simula nang ma assign ito sa trabaho sa Cebu.

Hindi pa rin nakuntento si Mae at tinatawagan niya muli ang numero ni Mark!

Iniiwasan mo ba ako Mark?

Kong hindi mo sasagutin ang mga tawag ko-- hindi ako titigil kakatawag sa'yo hangga't hindi , sagutin ang mga tawag ko sa'yo.

"Mommy, let's go play outside na po," kinalabit ni Mia ang laylayan ng skirt ni Mae.

"Mamaya na Mia, may importanteng tinatawagan si Mommy," sa tono pa lang ng pananalita ni Mae- iritado na rin siya na nag ri-ring lamang ang cellphone ni Mark sa kabilang linya.

"Sige na Mommy, play na tayo outside, ayaw ko dito sa loob eh."



"Please Mia, huwag nang makulit okay? Lumabas ka muna at susunod na lang si Mommy sa'yo sa labas," pilit na mahinahon si Mae sa anak.


"EHH! Gusto ko ngayon na! I want top play with you, now Mommy! I want now!" pag tataas ni Mia sa tono ng Ina. Hindi naman nagustuhan ni Mae ang pag taas nang boses ng anak, kaya't nasabayan niya na rin ng init nang ulo ito.

"Tangina talaga, huwag nang makulit pa Mia!" sa pag taas ng boses ni Mae, lumukot ang mukha ng anak. "Hindi mo ba maintindihan na may mahalaga akong ginagawa? Napaka-tigas naman kasi ng ulo mo at hindi ka nakikinig sa akin! Pwede bang lumabas ka muna, kong bibigyan mo lang ako ng sakit nang ulo!" namuo ang bakas ng luha sa mata ng bata.

Bago paman makapag-salita muli si Mae, tumakbo na ang bata paakyat sa silid nito.

"Tangina nakaka-inis naman oh!" napa-suklay na si Mae sa sariling buhok sa inis. Nahinto lamang ang pag-hihimutok ni Mae nang tumunog ang cellphone, galing lamang iyon sa katiwala niyang tao sa Shop. "Ano iyon? Bakit ka napa-tawag Lily?"



"Mam M-Mae," umiiyak na ito sa kabilang linya, Nag pakaba pa lalo sa dibdib ni Mae nang marinig na pag kabasag ng kong ano sa kabilang linya.

Pinatay ni Mae ang pag-uusap nilang dalawa, at nag mamadaling pumunta sa Flower shop. Hindi paman nakaka-pasok si Mae sa shop, nang makita ang mga taong nag kukumpulan sa labas mismo ng Shop niya--tinitignan kong ano ang nangyayari sa loob. Mula sa labas maririnig mo ang sigaw ni Lily kasabay ang malakas na kalabog at pag kabasag mismo sa loob ng kaniyang negosyo.

Dali-daling pumasok si Mae at naabutan ang mga lalaking malalaki ang kanilang katawan at pinag babasag ang gamit sa loob ng aking Shop. Suot ng mga ito ang itim at mapormang kasuotan at marami din itong tattoo sa kanilang katawan.


Naapakan ng mamahalin na boots ni Mae ang basag na salamin at mg paninda niyang bulaklak. Sira-sira na din ang gamit at kahit na rin ang mamahalin na mgha bulaklak. Naabala ng mg lalaki ang kaniyang negosyo sa pag eeskandalo lamang ng mga ito.

"M-Mam Mae," naiyak na lintarya nu Lily. Sinubukan naman nitong awatin ang tatlong lalalki na, nanggugulo sakanila, subalit sobrang malalaki ang katawan nito. Walang binatbat na awatin ang mga ito. "Mam Mae, sorry po, hindi ko sila napigilan. Bigla na lang sila pumasok dito sa loob at pinag-babasag na po ang mga gami---" iyak na sumbong ni Lily. Sapat na para kay Mae na marinig ang panig ng kaniyang empleyado.

The Revenge of the Battered Wife [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon