Chapter 64
LEA KRISTINE'S POV
[Are you sure na hindi kana talaga guguluhin ng Carlo na iyon?] may pag aalalang boses sa tinig ni Insoo na kausap ko ito sa telepono.
Sinabi ko na lahat kay Insoo ang mga nangyari at kasama na doon ang nakuha ko na rin ang ebidensiya laban kay Mae."I'm sure of it. Takot na iyon na mag sumbong kahit na sino, binantaan ko na siya Insoo," hindi na sakanya manggulo ang Carlo na iyon dahil takot na ito.
[Kahit na Lea, hindi pa rin natin alam ang tumatakbo sa isipan ng lalaking iyon at baka bigla kana lang niya isumbong. Paano kong balikan at saktan ka niya ulit? Lalaki siya Lea at delikado.] napa-iling na lang ng ulo si Lea na marinig ang pag aalala sa tinig ni Insoo. [Hayaan mo, nakuha ko na rin ang address ni Carlo at mag mamanman ako sakanya, para sigurado na hindi siya gagawa ng anumang gulo.]
"Huwag na at isa pa, inutos ko na iyon sa mga tauhan ni Mrs. Martinez. Sila na ang bahalang mag asikaso doon."
[Gusto ko rin maka tulong Lea, hayaan mo na ako.]
"May magagawa pa ba ako?" Humigpit ang pag hahawak ni Lea sa manibela ng sasakyan at kinakausap pa rin ito gamit ang airpods.
"So, what's your plan now? Ilalabas mo na ba iyan na ebidensiya na hawak mo sa mga pulis? Kapag ginawa mo iyon Lea, mas titibay ang kaso na maisasampa natin kay Mae at wala na siyang kawala pa doon."
"No, may naisip akong plano." Gatong ko pa na kina-lawak pa lalo ng aking ngiti. Hindi ko muna ilalabas lahat ng mga naitatago kong mga alas, na hindi pinag iisipan ang lahat. Magandang opportunity na ito para pag handain ang susunod kong mga plano na pabagsakin si Mae. "Sasabihin ko na lang sa'yo sa susunod ang mga plano ko. Sige, tatawagan na lang kita mamaya, nandito na ako sa amin." Inalis na ko na ang airpods sa taenga ko at pinutol ang tawag naming dalawa.
Natapat na ako sa bahay ko at busina ko kaagad sa sasakyan, lumabas si Manang para pag buksan ako ng gate.
Pinarada ko na ang sasakyan ko at lumabas na sa kotse dala ang mga gamit ko. Pasado alas sais na nang hapon ng sandaling iyon at hindi ko maiwasan na tignan si Manang na hindi na ito mapakali na para bang may gustong sasabihin sa akin.
"What? May kailangan ka pa ba, Manang?" Malilikot na ang mata ng matanda at pinag lalaruan nito ang palad.
"W-Wala po Mam." Anito at nilampasan ko na ito para pumasok na sa loob, at narinig ko ang pag sunod nito sa akin sa likuran.
"Si Steven, asan?"
"Nasa dining po Mam," anito at narating na kami sa malawak na sala na dalawa.
"Dining? Nakapag handa kana ba ng hapuna—-" hindi ko na natapos pa ang sasabihin nang marinig ko ang hagikhik na pag tawa ng anak ko mula sa dining at malagong na boses na para bang may kasama ito doon.
Tinignan ko si Manang at nanlamig pa lalo ang buong katawan nito na mapansin ko na may ibang tao sa kanilang bahay. Rinig ko ang kwentuhan at tawanan ng boses at hindi ko mahulaan kong sino ang kakulitan ng anak ko sa dining.
Hinakbang ko na ang paa ko papunta sa dining para tignan kong sino ang bisita na kasama ng anak ko.
Pag dating ko sa dining bumunggad kaagad sa akin ang dalawang bulto ng tao.
"Pasensiya na po talaga Mam Lea, may gusto sana akong sabihin sa'yo. Nandito po si Sir Mar—-" hindi na natapos ni Manang ang anumang sasabihin nang mapako ang matalim kong tingin sa dalawang bulto.
Nakita ko si Mark at si Steven na nag ku-kwentuhan at nag tatawanan sa malawak na dining. Pinadaan ko ng tingin ang lamesa na mayron na naka handa na masasarap at engrande na mga pagkain.
Lalo pa tuloy akong nagalit ng mapako ang tingin ko kay Mark na ngayo'y kay lawak ang ngisi na kinakausap ang anak ko.
BINABASA MO ANG
The Revenge of the Battered Wife [COMPLETED]
RomanceIto po yong Book 2 ng "The Dare" "Silence is not my Weakness But it is the beginning of my Revenge"- Lea Christine Sandoval Montecillo Book 1: The Dare. Still On-Going