Chapter 30

5.2K 118 6
                                    

Chapter 30

MARK SAMUEL'S POV

"Maraming salamat, Mr. Montecillo. Malaking tulong na rin ang pag donate mo ng malaking halagang pera para sa skwelahan na ito. Maidagdag namin ang perang ito para sa mga pangangailangan ng mga mata dito sa skwelahang ito," kasalukuyan naroon si Mark sa Opisina ng Principal kong saan nag-aaral ang kanyang anak. Hindi lamang ito ang unang pag kakataon na mag bigay si Mark ng donation sa skwelahan pero matagal niya na itong ginagawa. Hindi lamang skwelahan ang sinu-suportahan niya kundi rin mga charities at ilan pang mga bahay-ampunan.
Ilang taon na rin simula na mag lago ang kompaniya ni Mark; at isa rin sa naging goal na gawin ang mga bigay nang tulong sa mga nangangailangan.
"Sandali lang, at ipag uutos ko sa tauhan kong ipag handa ka ng maiino—-" tinaas ni Mark ang kaliwang kamay; senyales na pag tatanggi sa offer nito.

Nataranta naman kaagad ang principal sa pag-tayo ni Mark. Para sa principal, isa si Mark sa mga taong nirerespetado dahil ito na rin ang isa sa mga mahahalagang tao ang nag bibigay ng malaking halaga ng pundo para sa paaralan na kanyang pinapamahala.

"Hindi na kailangan. May mahalaga rin akong pupuntahan," tumingin si Mark sa relo at kay ganda nang mustra ng tindig nito. Bukod sa pag punta sa paaralang ito, marami din si Mark na naka-schedule na mahahalagang appointment sa mga investor at dapat kitain.

"Sayang naman, kong ganun. Nag papasalamat pa rin ako at ang paaralang ito; sa donasyon na binigay mo. Maraming salamat muli." Isang tango na lang ang sinukli ni Mark sa principal bago napag pasyahan na mag paalam pa dito.
Sinamahan pa si Mark ng Principal at sinadyang ihatid mula sa pintuan; hanggang doon wala pa rin tigil ang mga ito sa pag bati ag pasasalamat sakanya.

Imbes na dumiretso papanhik si Mark kong saan naka-park ang sasakyan niya sa labas ng skwelahan. Minabuti niya muna na mag lakad-lakad at panuorin ang mga batang nag lalaro sa playground. Ang mga matatamis nitong mga ngiti kasama ang mga kalaro nito; bumalik kaagad ang pag kanabik ni Mark na maramdaman muli na maging bata.
Walang problema; at puro lamang kasiyahan.

Huminto si Mark sa pag lalakad at nilagay ang dalawang kamay sa loob mismo ng bulsa. Sobrang anggas at dating ng prostura na inaaliw ang sarili.
Hindi na matandaan ni Mark kong ilang minuto niya piniling panuorin ang mga bata at pagkatapos napag-desisyonan niya nang umalis na; para pumunta sa kompaniya.

Sa pag lalakad ni Mark, nag paagaw atensyon sakanya ang malakas na inggay sa parteng sulok ng bahagi ng skwelahan.

"Tama na," pakiusap ng batang lalaki na mahina na boses at napapalibutan siya ng dalawang batang lalaki; na mukhang kaklase lamang nito. May katangkaran at malaki ang katawan ng dalawang studyante kumpara sa bata.

"Totoo ba? Wala kang daddy?" Maangas na tanong ng lalaki at sabay hablot ng bag nito.

"Ibigay niyo na sa akin iyan. Ibigay niyo na ang bag k-ko," pakiusap ng bata samantala naman ang dalawang bata; hindi pinakinggan ang pakiusap nito at pinag pasa-pasahan lamang nito ang bag nito. Ang batang lalaki pilit na binabawi ang bag, subalit hindi pa din binibigay.

"Haha! Catch!" Tukso pa ng dalawang bata. Mangiyak-ngiyak na ang batang lalaki para lamang ibigay ang bag na hini-hinggi sa dalawang bata.

"Amin na iyan, ibigay mo na sa akin ang b-bag ko. Gusto ko nang umuwi," maluha-luha na pakiusap ng bata.

Sumugod ang bata para kunin sa maangas na lalaki ang bag nito. Imbes na ibigay tinaas pa ng batang lalaki ang hawak na bag. Tumalon-talon pa ang bata para makuha lamang sa kamay nito ang bag na hini-hinggi. Kahit tumalon pa ang bata at gawin pa ang lahat hindi pa rin maabot ang nito, dahil may katangkaran din ng konti ang maangas na batang lalaki na umaaway sakaniya. "Gusto mong makuha ang bag mo? Kunin mo," walang paligoy-ligoy na tinapon mula sa malayo ang bag ng bata at sumubsob iyon sa parteng mabato at sa lupa kaya't nabahiran ang malinis nitong bag ng dumi.

The Revenge of the Battered Wife [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon