Chapter 54

621 18 0
                                    

Chapter 54

LEA KRISTINE'S POV

Kanina pa naka-harap si Lea sa computer at pinapanuod ang files sa cctv camera.

Pinikit ni Lea ang mata na maka ramdam ng pagod at pananakit ng mata sa walang humpay na chine-check, isa-isa ang laman ng files na binigay sakanila ni Manong Raul pero hanggang ngayon wala pa rin silang mahanap ni Insoo.

Alas kwatro na nang hapon, hindi pa rin natigil si Lea sa pag check ng mga cctv footage. Paulit-ulit niya pang pinapanuod ang bawat nakuhanan ng anggulo or footage ng cctv, at baka may nakaligtaan siyang impormasyon na hindi niya nakita.

"Para saan ba itong mga cctv camera na mga pinapanuod natin?" Ang salita ni Insoo ang mag patigil kay Lea sa ginagawa.
Naka-sandal ito sa upuan at pinili munang mag pahingga sa pag check ng mga footage. Para mapadali ang pag hahanap nila ni Insoo pareho na sila naka tutok sa harapan ng computer at tinitignan ang mga files na binigay sakanila.

Si Insoo lamang ang mahinggan ni Lea nang tulong dahil marami itong alam tungkol sa computer, at alam rin ni Lea na matutulungan siya nito.

"Hahanapin natin si Mae sa footage kong nahagip ba siya ng mga cctv camera. Baka may kinalaman rin siya sa pag kaka aksidente ni Jeric, at iyon ang kailangan natin mahanap." Ito ang gusto niya kay Insoo na handa itong tulungan siya na walang hini-hiling na kapalit.

"Kaya naman pala." Sinang-ayunan na lang ni Insoo. "Kapag naka-hanap nga tayo, at may kinalaman talaga si Mae sa lahat ng ito. Ano na ang magiging plano mo sa kasunod?"

"Ipapakulong ko siya at hindi ako makakapayag na hindi niya pag bayaran lahat nang mga kasalanan niya.. Malaki ang atraso niya sa akin Insoo, hindi ako makakayapag na ganun-ganun na lang iyon." Nginitian niya na lang si Insoo.

"Ang asawa mo hindi mo isasabay? Malaki rin kaya ang atraso niya sa'yo." May nakaka-lokong ngiti ang gumuhit sa labi ni Insoo.

"Don't worry, isusunod ko siya pakatapos ko kay Mae." Iniwan saglit ni Lea ang ginagawa at hinarap sandali si Insoo.

"Sino nga pala ang nag sundo kay Steven sa school?"

"Tinawagan ko na kanina si Manang at binilin ko na siya muna ang mag sundo at mag bantay kay Steven, habang wala pa ako," pasalamant na lang ako dahil nariyan parati si Manang na mag tingin at asikaso kay Steven kapag marami akong ginagawa.
Tumawag na si Lea sa bahay at sinabi niya rin na baka gagabihin na siya ng uwi, at huwag na siyang hintayin ng mga ito.

Dahil tutok na tutok talaga ang atensyon ni Lea sa pag hahanap ng files; dito muna siya sa bahay ni Insoo at iniwan niya saglit ang naiwan niyang trabaho sa kompaniya para unahin muna ito.

"Sandali Lea." Pigil ni Insoo at ang mata nito naka-tutok sa harapan ng computer na patuloy na gumagalaw. "Ibalik mo doon." May tinuro si Insoo na kina-balik naman ni Lea ng tingin.

Pag harap ko sa computer; wala akong nakitang iba kundi lamang ang hallway sa third floor.

"Alin?" Hinawakan ko ang mouse at binalik ang footage ng 10 seconds backward para makita ang tinutukoy nito. "Ano bang nakita mo?"

"May nakita akong dumaan. Baka si Mae iyon," patuloy kong ig backwards ang footage pero wala naman akong nakitang ibang taong dumaan.

"Ha? Sigurado ka ba? Wala naman." Naka- ilang segundo kong binalik ngunit wala naman talaga akong nakitang kahina-hinala kundi sa mga dumaraan lamang na mga tenants doon. Nang hindi ko mahanap ang tinutukoy ni Insoo, ramdam ko ang pag tayo nito at pag lapit sa akin. "Saan ba kasi?" Naka-ilang seconds na akong ig backwards ang footage pero wala talaga.
Normal lamang na mga tao ang nakita kong dumadaan sa hallway.

The Revenge of the Battered Wife [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon