Chapter 44
MAE'S POV
Ilang araw na akong walang sapat na tulog sa sunod-sunod na pangyayari na hindi ko inaasahan na dumating at ngayon nadagdagan na naman ang problema ko dahil sa pag sira ko sa dinner namin kasama si Lea.
Sinapo ko ang mukha ko gamit ang aking palad at maraming pumapasok sa isipan ko.Shit.
Kailangan kong ayusin ito.
Una nawala sa akin si Mark.
Pangalawa, nag kasakit ang anak ko.
At ngayon naman galit sa akin si Daddy.
Sunod-sunod na ang kamalasan na nangyayari sa akin at kailangan ko na itong ayusin sa lalong madaling panahon.
Anong gagawin ko?Tumunog ang cellphone ko sa bulsa, sinagot ko kaagad ng makita ko kong sino iyon. "Hello, Louie?"
[Hello, Mae.] ang tinig ni Louie ang mag pakalma sa akin. [Nagawa ko na ang pinag-uutos mo sa akin. Naka-kuha na ako ng dugo kay Jeric, at maari ng mag sagawa ng blood transfusions kay Mia.] ang salita ni Louie ang mag paalis ng tinik sa aking dibdib.
Magiging maayos na rin ang kalagayan ng anak ko.Naasahan ko talaga si Louie sa mga bagay na kailangan ko nang tulong. Hindi ko siguro alam ang gagawin ngayon kong wala ang tulong niya.
"Maraming salamat talaga, Louie. Maasahan talaga kita." Napa-hawak ako sa dibdib na nabunutan ng isang tinik doon. "Tawagan kita mamaya, mag kita tayo sa Hospital." Hindi ko na hinintay pang mag salita pa si Louie at pinatay ko na ang tawag.
Tinignan ko muli ang cellphone ko at bumagsak ang balikat ko na ngayo'y hindi man lang sumasagot si Daddy sa text o kaya naman tawag ko sakanya. Nasaktan ako sa pag-iwas niya sa akin dahil sa pangyayari na sinira ko ang mahalagang deal nila ni Lea.
Sunod ko naman tinignan ang text messages ko kay Mark at hanggang ngayon, iniiwasan niya pa din ako.
Mamaya na kita balikan, Mark.
Aayusin ko muna ang galit ni Daddy.Nag pakawala ako nang malalim na buntong-hiningga at kinuha ko ang purse ko na naka-patong sa table at wala akong pinalampas na pag kakataon kundi lumabas sa bahay ko at dali-daling sumakay na rin sa sasakyan.
Pina-harurot kong tinakbo at ilang minuto lamang na byahe, dinala na kaagad ako sa Mansyon ng aking mga magulang. Pag pasok ko pa lang sa Mansyon, sumalubong na kaagad sa akin ng pag bati ang guard at katulong at nilampasan ko na sila.
Sa tuwing pumupunta ako sa bahay ng aking mga magulang, nadarama ko kaagad na buhay pa din ang presinsiya ni Ivonne sa pamamahay na ito.
Nahinto ako sa pag lalakad nang mag lakad si Mom at kinakausap nito ang katulong at may bini-bilin. "Manang, sundin mo ang pinag bibilin ko sa'yo, okay? Mamaya dito kami mag hahapunan ng aking asawa at ipag handa mo ang mga ulam na binilin ko say—" Hindi na ni Mom natapos ang sasabihin na mag kasalubong kaming dalawa.
"Mom," Tawag ko. Ewan ko lang kong ako lang ba ang naka ramdam ng ganito ang takot sa kanyang mga mata na tumitig sa akin.
Matang ayaw tumingin sa aki ng diretso."Anong ginagawa mo dito , Mae?" Lumunok muna ito ng laway sa lalamunan. Sinenyasan na ni Mom na maari ng umalis ang katulong at iniwan na kaming dalawa na nag usap na dalawa sa malawak na sala.
"Nandito ako para kausapin si Dad. Nandito ba siya? Tumawag ako sa Office kanina pero wala daw siya doon." Sa bahay lang namin ang posibilidad na naroon si Dad kapag hindi ko ito mahanap sa kompaniya.
"Wala dito ang Daddy mo at mayron siyang ka meeting sa Baguio." Tugon naman nito at tumango na lang ako. Sayang. Gusto ko sana siyang maka-usap para huminggi ng tawad at mag usap ng masinsinan sa aking ginawa.
"Anong gagawin ko nito?" Kabado at malilikot ang mata ko na hindi alam ang gagawin. Alam ko kasi ang posibilidad na pinatagal ko pa ang galit ni Dad, lalo lamang lalalim ang galit nito at ayaw ko naman na mangyari iyon. Gusto ko na ipag malaki ako ni Dad kaya nga doble ang ingat ko na hindi maka gawa ng kapalpakan tapos ginalit ko na naman siya.
BINABASA MO ANG
The Revenge of the Battered Wife [COMPLETED]
RomanceIto po yong Book 2 ng "The Dare" "Silence is not my Weakness But it is the beginning of my Revenge"- Lea Christine Sandoval Montecillo Book 1: The Dare. Still On-Going