Chapter 52

611 13 1
                                    

Chapter 52

LEA KRISTINES'S POV

Matapos ni Lea mag asikaso sa kompaniya, napag desisyonan niyang pumunta muna sa Mall para bumili ng mga gamit.

"Ipamamanman ko pa ba si Mae sa mga tauhan ko, Lea?" Kausap ni Lea si Mrs. Martinez sa kabilang linya samantala naman si Lea abala sa pag titingin-tingin ng mga damit sa women's section.

"Sa ngayon, huwag na muna. Mag sasabi na lang ako sa'yo kong kaylan, Mrs. Martinez." Isa na si Mrs. Martinez sa mga katiwala niyang mga tauhan na mag papagawa ng kanyang mga hakbang. Mabuti nang patago siyang kumilos para hindi malaman ng iba ang kanyang mga plano. "May aasikasuhin pa ako ngayon. Aalamin ko ang lokasyon ngayon ni Lorraine." Iyon ang plano ngayon ni Lea na mag hahanap pa ng matibay na impormasyon na ipang lalaban niya kay Mae.

May mga ebidensiya naman siya ngunit hindi sapat ang mga iyon kaya't mag hahanap ako ng mga matibay na mag papadiin kay Mae na mag pabigat pa lalo ang kaso nito.
Ang plano lang noon ni Lea ang mag higante at pabagsakin si Mark at Mae at hindi ko lubusang akalain na lalabas pala ang kanilang mga baho.
Unti-unti nang nabubunyag ni Lea ang mga lihim na mga sekreto ni Mae at hindi ko lubusang akalain na ganun pala siya ka-demonyo na kaya nitong patayin at ipaligpit ang mga inosenteng mga tao para umayon lamang sa kanyang mga kagustuhan.
Sa tuwing nalalaman ko ang mga lihim na sekreto ni Mae; lalo lamang akong ginaganahan na pabagsakin siya.

Ngayon hahanapin ko lang ang lokasyon ni Lorraine, ang sinabi sakanya ni Melissa na may alam ito sa bago naaksidente si Jeric. Kapag naka-kuha pa ako ng impormasyon sakanya; saka ko na gagawin ang aking plano.

"Gusto mong, ako na ang mag hanap kay Lorraine? Ipapahanap ko siya sa mga tauhan ko." Suhesyon naman nito.

"Maraming salamat Mrs. Martinez." Pinutol na ni Lea ang pag uusap nilang dalawa at sinilid na ang cellphone sa bulsa. Pinag patuloy niya lamang ang pag hahalungkat ng mga damit at nang maka-pili na siya; binayaran niya na iyon.

Pauwi na si Lea at bitbit ang paper-bag laman ng kanyang mga pinamili. Nag lalakad na siya sa Mall at dinadaanan lamang ng tingin ang mga taong namamasyal kasama ang kanilang mahal sa buhay.
Hindi inaasahan na pangyayari, makaka-salubong niya si Mae sa pag lalakad.
Sinu-swerte ka nga naman.

Lalo itong nakakatakot sa suot nitong black fitted outfit; at mag mukhang kontrabida sa mga pelikula. Nag tama ang aming mga mata na dalawa; pinili ko na lang na ngumiti at lampasan ito samantala naman si Mae kay sama akong tinitigan.

Wala naman akong mapapala kong papatulan ko siya ngayon.

May tamang panahon pa para sa bagay na iyon.

Taas-noo akong nag lakad samantala naman si Mae; naging madilim ang mustra ng mukha nito na para bang nag hahamon na naman ng gulo.

Bago pa tuluyan akong maka-lampas sakanya, hinawakan nito ang siko ko kaya't napa-harap ako sakanya.

Bumunggad kaagad sa akin ang mata nitong nanlilisik na sa galit. Ang katawan nitong nanginig na sa pag titimpi; ganun naman siya. Ang hina naman.

"Bakit Mae?" Patay malisya kong tanong na kina-sama pa lalo ng mustra ng mukha nito. "Oh my god! Huwag mong sabihin sa akin na galit ka pa sa pag saboy ko sa'yo ng tubig nang pumunta ka sa Opisina ko?" Pag iinis ko pa lalo; at masasabi kong nasagad ko na siya sa pag kakataon na ito.

"Asan sila?" Mahina nitong asik at ang mata malilikot na.

"Who?"

"Tinatanong kita kong asan sila! Ibigay mo na sila sa akin habang maayos pa akong nakikipag-usap sa'yo, Lea!" Banta nito. Gusto kong matawa sa sinabi nito. Ako pa talaga ang binabantaan niya na samantala dapat ako ang gagawa no'n?

The Revenge of the Battered Wife [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon