Chapter 60

643 18 0
                                    

Chapter 60

LEA KRISTINE'S POV

"Mommy, look oh. Mayron na po akong cute sticker," pinag mamalaki ni Steven ang cute na sticker na dinikit sa tshirt nito ni isang teacher, tanda na pag kapanalo nila kanina sa rubber band race.

Ganun rin natanggap ng ilang mga participants na mga sticker kapag napanalo nila ang mga laro.

"Ang galing-galing naman ng baby ko na iyan." Pinang gigilan pa lalo ni Lea ang buhok nang anak na kina-lawak naman ng ngiti nito. Masayang-masaya na si Lea na makita ang anak na nag enjoy sa event at nakaka halubilo pa nito ang ibang mga kaklase.

"Syempre naman po Mommy, ginagalingan ko po talaga." Proud na tugon ni Steven. "Gusto ko manalo pa Mommy sa ibang games, para makuha ko po ang prize."

"Prize? Bakit ano bang gusto mo anak?"

"Ayon po Mommy." Tinuro ni Steven ang isang stall malapit sa kanilang kinatatayuan na tatlo at naka lagay doon ang iba't-ibang mga prizes na maari mong ma claim pakatapos ng event. Kada sticker na mapanalunan mo, may katumbas rin na prizes gaya ng mga laruan, pagkain at kong ano-ano pang mga gusto ng mga bata. "Gusto ko po makuha ang toy car, na pula." Tinuro nito ang malaking toy car na naka display sa stall, at katumbas iyon na maraming sticker talaga na hindi kagaya nang ibang mga prizes na maliit na katumbas lamang ng 5-9 stickers.

"Huwag kang mag-alala Steven, gagalingan pa natin sa ibang games, para makuha natin ang gusto mo." Sagot naman ni Insoo. Hanggang ngayon paborito pa rin ni Steven ang pag ka addict nito sa sasakyan na laruan.

"Sige, gusto ko iyan Tito Insoo." Sinang-ayunan naman iyon ni Steven.

Naka tayo lamang silang tatlo sa isang tabi, pinapanuod ang ibang mga students at mga magulang na nag lalahok ng ibang games sa field.

Bali dalawang mag kasabay na games ang nilalaro ngayon sa gitna nang field, at pinapalibutan iyon ng mga manunuod at ibang mga teachers at faculty. Sobrang sasaya at enjoy nilang lahat sa araw na iyon. Hindi lamang ang mga bata nag kakasaya n iyon kundi ang mga magulang rin.

Sa isang tabi naman may mga stall at nalagay ang mga ilang activities na puwedeng gawin muna ng mga bata kapag napagod na silang mag laro. Mayron doon na drawing, coloring , face painting at iba pa.

"I would like to congratulate you all, sa rubber band race. Ang galing-galing niyo lahat. Lalong-lalo kana Steven." Puri ni Mrs. Lopez na kina-lawak naman ng ngiti ng kanyang anak na lumapit ito sakanila. "Remind ko lang, na kayo na ang susunod na mag lalaro sa pinaka dulo ng field.. Ang susunod na laro, could be potato sack race. Need ng participation ng father and student," paalala nito sa amin.

"Sige po Mrs. Lopez maraming salamat,"

"Sige, galingan niyo parents and students okay?" Pag cheer pa nito sa amin at nag lakad na paalis.

Hinawakan ni Lea ang kabilang kamay ni Steven, ganun rin si Insoo papunta sa pinaka dulong field para pag handaan na ang susunod nilang laro sa araw na ito.

Pag dating nila doon, nag sisimula na nga ang potato sack race at pinapangunahan iyon ng ilang students at parents. Bali gamit ang brown na sako, ipapasok ang sarili sa loob ng Daddy at students at mag tatalon sila simula sa starter line paikot muli sa monoblock chair. Ganun na ganun rin ang gagawin, kagaya nang ginawa nila kanina sa rubber band race. Need rin ng cooperation ng both daddy at Kids para hindi matumba at hindi mahuli.

Nauna nang mag laro ang two sets ng family at mag compete sila na paunahan na maratihg ang finish line.

"Halika na Steven." Ginaya na ni Insoo ang anak ko sa isang tabi para mag handa na sa kanilang pag lalaro. Binigyan na rin sila ng mga teachers ng brown na sako at hini-hintay na lang nila ang magiging turn nila.

The Revenge of the Battered Wife [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon