Chapter 61

632 14 0
                                    

Chapter 61


Naka-pamulsang nag lalakad si Mark sa parteng likuran ng school. Nahinto lamang siya sa pag lalakad nang mahagip ng kanyang mata ang isang bata na mag-isang naka-upo sa mga bench, malayo iyon sa field kong saan nag kakasaya ngayon ang mga magulang at mga bata sa family day.

Nag pakawala si Mark nang malalim na buntong-hingga at hinakbang ang paa palapit dito. Piniling huminto ni Mark sa harapan ni Steven, ang naka-yukong bata umanggat nang tingin ng mapansin na may humintong pares na itim na sapatos nito sa harapan niya.
Ang malungkot na mata ng bata, napalitan nang lamig at inis ng makita ang taong kina-iinisan nito.

"Why are you here? Kanina ka pa, hinahanap ng Mommy mo, dapat hindi ka umalis."

"It's none of your business." Pag susuplado ni Steven sabay iwas nang tingin sa Ama.

"It's my business now. Hindi kita pwedeng pabayaan nang ganito." Umupo si Mark sa tabi ng anak at hindi siya magawang titigan. Nag mamatigasan pa rin sa bandang huli at alam naman ni Mark sa sarili ang pag kakamali kong bakit galit ito sakanya.

"Hindi pabayaan? Dati naman wala kana man pakialam sa amin ni Mommy, diba? Kaya mas pinili mo si Tita Mae over us," may galit sa tono ng pananalita nito. "Umalis kana. I don't need you." Pag tataboy nito na masungit na paraan sabay cross-arms.

"Steven." Kalmado na tawag ni Mark sa anak at hindi man lang ito nag salita. Pakiramdam ni Mark, back to zero na naman siya sa puso ng kanyang anak.
May hinanakit pa rin sa dibdib ang bata sa aking mga pag kakamali noon at iyon ang hinding-hindi maalis ni Mark.

"Bakit ka ba nandito? Sana hindi kana lang pumunta.. Umalis kana kong sa bandang huli iiwan mo din naman kaming dalawa ni Mommy." His eyes, was shed in anger and resentment.

"I know you hate me, just give me another chance. Hindi naman akong perpektong Ama sa'yo, kaya nandito ako para itama at gawin lahat nang aking makakaya para makabawi sainyo ng Mommy mo." Sinandal ni Mark ang likod sa upuan at sabay nilang pinapanuod ang malaking building sa di kalayuan. "I'm sorry because of me, we lost earlier in the game. You didn't get the toy you wanted because I messed up. I've been doing everything to get you and your Mommy's attention, but I always fail. Wala na ata akong ginawang tama,"

"I'm sorry too," napa baling nang tingin si Mark sa gawi ng anak at hindi inaasahan na hihinggi ito ng tawad. "It's not your fault, but it's mine. I always thought about winning the game and claim that prizes. Hindi ko inisip na dapat mag enjoy ako ngayong araw sa family day, na kasama kayo." pilit na ngumiti si Steven at nag ngitian na lang ito ni Mark.

"You want ice-cream?"

"Opo," lumawak ang ngiti sa bata at tumayo si Mark at nilahad ang kamay para anyayahin na itong bumili sila.

Tinanggap naman ni Steven ang kamay ng ama at sabay silang dalawa nag lakad na mag kasama.

LEA KRISTINE'S POV

Mabilis ang hakbang ko at palingon-lingon sa paligid. Umaasang makikita ko si Steven sa mga batang nag kakasaya at nag kukumpulan sa field kasama ang kanilang mga magulang, pero walang bakas ng anak ko doon.

May halong kaba at takot sa dibdib ko na hindi ko pa rin mahanap si Steven matapos tumakbo nang mag laro ito ng potato sack race.

"Asan kana ba, Steven?" Pinag hihinaan na rin ako ng dibdib, at sinisisi ang aking sarili na hindi ko na lang hinahayaan si Mark na sumali pa sa laro namin kong ganito lang naman ang mangyayari.

This is all my fault.

Dapat hindi ko na lang hinayaan na lumapit siya sa anak ko!

"Huwag kang mag alala Lea, malakas ang kutob kong hindi naman lalabas si Steven sa premises ng school." Pag papalakas nang loob sa akin ni Insoo, na nag tulong sa akin sa pag hahanap kay Steven. Kong wala ito, hindi ko siguro alam ang gagawin ko. "Mabuti pang mag hiwalay na tayo sa pag hahanap Lea para mabilis na lang natin mahanap si Steven. Dito kana mag hanap, doon ako sa kabila." Tumango na lang ako na makuha ang ibig ipahiwatig ni Insoo. Tumakbo na si Insoo paalis at nag kahiwalay na kaming dalawa sa pag hahanap.

The Revenge of the Battered Wife [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon