Chapter 38
Chapter 38
MAE'S POV
Pababa nang hagdan si Mae at diretso kaagad na tumunggo sa kusina para maka-inom ng malamig na tubig. Alas otso na nang umaga ngunit inaantok pa rin siya. Hindi siya maka-tulog ilang araw na dulot nang bumabagabag sakanya. Nangangamba siya na sa tuwing pinipikit niya ang mata, naalala niya ang nakaka-takot na itsura ni Ivonne, na parating nag papakita sakanya sa panaginip.
Maitim na ang ilalim ng mata ni Mae at ang katawan niya tuyo't na walang sapat na tulog. Nawala na ang magandang energy sa katawan niya ngayon napalitan ng pag kabagot at pag katamlay. Maraming naiwan na trabaho si Mae sa kompaniya, wala siyang plano na pumasok ngayon. Susubukan niya sa sarili na ibalik ang sarili na maka tulog ng mahimbing kahit alam niya naman sa sarili na hindi naman siya makaka-tulog kaagad.
Kinuha ni Mae sa bulsa nag gamot at kumuha ng dalawang sleeping pills, at sabay iyon na ininom.
Kinakailangan niya ng gamot para maka-tulong lang sakanya na maka-tulog."Good morning Mam," bati nang katulong sa likuran ko. "Nag handa na po pala ako ng almusal. Si Mia po, nasa silid pa po at natutulog," patuloy na kinakausap ako ng katulong.
Humarap si Mae sa katulong para dumiretso na sa kapag kainan para makakain na, ngunit nagulat ata ito na makita ang itsura ko. "M-Mam? Ayos ka lang po?" Taka man na makita ako. Suot pa rin ang pantulog na damit, hindi ko rin nagawang mag suklay ng buhok o kaya naman mag hilamos.
Sumama na rin sa pangingitim ng ilalim ng mata ko ang nag kalat na mascara. "Mukha atang wala kayong sapat na tulog Mam, may dinaramdam po ba kayong sakit?" Wala akong panahon mag bait-baitan sakanya ngayon."Oh ano naman ngayon?" Pag babara ko at natamimi naman ito. "Pwede bang huwag mo akong pakialaman at tuonan mo na lang ng atensyon ang trabaho mo?!" Kina-yuko naman ng ulo nito sa pag trato ko sakanya.
Alam niya rin ang makakaya kong gawin sakanya kapag, hindi niya inayos ang pag tatanong niya sa akin.
"P-Pasensiya na h-ho Mam," hindi na maka-titig sa mata ko ang katulong. "Tatapusin ko na lang ang pag lalaba ko po. At may nag padala po pala sa'yo ng regalo, nilagay ko po doon sa table," Ano? Regalo?Mag sasalita pa sana ako at nag mamadali nang umalis ang katulong ko para pumunta sa laundry area.
Nabahala at natakot man si Mae na marinig ang regalo. Dali-dali na siya tumunggo sa living area para alamin lamang kong ano iyon.
Nilunok niya pa ang laway na makita ang isang bagay na mag paagaw nang atensyon sa akin na isang bouquet ng bulaklak at nababalutan ito ng makapal na wrapping paper na brown.Kinuha ko ang bouquet at tinanggal na ang wrapping paper na naka-balot dito. Nagulantang ako na sa aking pag alis ng balot, tumambad kaagad sa akin ang chrysanthemum. Bulalak na pang patay. Tangina talaga.
Sino ang mag papadala sa akin na pang patay na bulaklak na ito?
Mapapatay ko talaga siya!Napansin ko ang naka-ipit na notes sa bulaklak at binasa kong ano man ang naka-paloob doon.
[Alam ko ang ginawa mo, kay Ivonne.] namutla ang labi ko sa aking nabasa at kasabay rin ang malakas na kalabog ng aking dibdib sa takot.
Ano?
Ano ito?Luminga-linga pa ako sa paligid, balisa at hindi mapakali na nariyan lamang ang nanatakot sa akin.
Nanunuod sa malayo at pinag lalaruan ako."N-No, No," namasa-masa ang mata ko at anumang oras iiyak sa takot at galit. Bumalik sa alala ko ang nag papadala sa akin ng mga regalo at posibilidad na padala niya ito sa akin para takutin ako muli. "Hindi niyo ako matatakot nang ganito." Hindi na namalayan ni Mae na nalukot na sa kanyang kamay ang notes sa labis na galit.
Dali-daling tumunggo si Mae sa kusina at walang pag- aalinlangan na tinapon sa basurahan ang bulaklak. Sobrang bigat ng kayang pag-hingga at hindi maipaliwanag na nararamdaman.
Ibabaon ko lahat ng ebidensiya na mag tuturo sa akin na ako ang pumatay kay Ivonne.
BINABASA MO ANG
The Revenge of the Battered Wife [COMPLETED]
RomanceIto po yong Book 2 ng "The Dare" "Silence is not my Weakness But it is the beginning of my Revenge"- Lea Christine Sandoval Montecillo Book 1: The Dare. Still On-Going