Chapter 26
LEA KRISTINES'S POV
Mula sa tahimik na lugar kong saan sila madalas nag kita ni Mrs. Martinez; isa-isa kong sinuri at tinignan ang mga kuha nitong mga litrato mula sa pag papa-imbestiga ko sakanya.
May inatasan na mga tauhan si Mrs. Martinez para mag matyag at kumuha ng mga litrato at mga impormasyon na kailangan ko kay Mae.Mga litrato mula sa mga ginagawa nito araw-araw.
Kong sino ang mga kasama at nakaka-usap nito.At huling litrato sa aking kamay ang pag hatid sa huling hantungan sa kapatid nitong si Ivonne.
Makikita mo talaga sa mata ni Mae ang lungkot at pag dadalamhati sa pag hatid sa huling hantungan ng kapatid nito.
Kahit na ako; hindi madadala sa pag aarte nito.
Matagal ko na rin alam, simula pa lang noon hindi na maganda ang samahan ng mag kapatid.
Na may lihim na galit si Mae sa kapatid nito."Sa ngayon, bumalik na si Mae sa kompaniya at inaaral na siya ng kanyang Papa para sumunod sa yapak na tagapag mana ng kompaniya." Tumango ako bilang sagot nito.
"So anong gagawin natin na hakbang ngayon Lea? Hindi ka ba gaganti ngayon kay Mae?" Pasimple na lang ako ngumiti at nilapag sa lamesa ang hawak kong litrato."Hindi muna ngayon." Sinandal ko ang likod sa upuan, pinapanuod ang mga tao sa labas ng coffee shop. "Hayaan na muna natin na mag-enjoy sa mg blessing na natatanggap niya ngayon at saka ako kikilos." Ngumiti ako ng makamandag at kinuha ang tasa ng kape at sinimsim ang laman no'n.
MAE'S POV
8 buwan ang naka-lipas; naging matagumpay na naibaon ko na nga sa hukay ang lihim kong sekreto.
Sekreto na ako mismo ang pumatay sa aking kapatid. Hindi man sinasadya, subalit kailangan kong ibaon lahat sa hukay ang mga nangyari para hindi masira ang mga plano ko.
Sa pag kawala ni Ivonne, naging madali ang lahat para sa akin.
Ngayon naging malapit na sa akin si Dad; ang dating abot kamay ko na lang na makuha ang atensyon at pag mamahal nito sa akin noon. Ngayon napapansin niya na ako at nakikita niya na ang mga bagay na dati hindi nito napapansin.
Pinag buti ko ang ginagawa ko para maging proud din sa akin si Dad. Ginawa ko ang makakaya ko para ipag malaki niya din na may halaga ako sa kompaniya. Tinuon ko ang oras at atensyon ko sa trabaho hanggang dumating na nga ang bagay na pinaka-hihintau ko.
Iyon ang mailagay ako sa posisyon ni Dad na susunod na tagapag mana ng kompaniya.Lahat ng mga tao nakidalo kagaya nang board member, shareholders at mahahalagang tao sa kompaniya.
Nag karoon ng pag titipon-tipon sa kompaniya at abot langit ang saya sa aking dibdib na naayon na lahat ng bagay sa akin.
Bagay na matagal ko ng pinangarap.Nang matapos na ang pag-tipon-tipon, umalis ako saglit. Iniwan ko na si Mom at Dad sa conference room kasama ang mga mamayaman na tao.
Bawat kasulok-sulokan ng kompaniya; ninanamnam ko ang sandali dahil sa wakas naging sa akin na ang kompaniya na ito.
Ngumingiti at bumabati sa akin ang mga tao at empleyado na maka-salubong ko sa hallway. Lalo lamang akong ginagahan na ang sarap-sarap pala sa pakiramdam na ngayon Amo na nila ako.
Sa aking pag lilibot huminto ako sa isang silid. Hinawakan ko ang seradura at tinulak iyon pabukas. Tumambad kaagad sa akin ang familiar na silid; at hindi pa naalis ang mga ilang gamit na naroon.
Pinadadaanan lamang ng mga mata ko ang ilang litrato at mga awards na naka-display sa shelves at huli kong hininto kong saan naka-lagay ang munting litrato ng naka-ngiting babae. Maaliwalas ang ngiti sa labi ng babae.
Kinuha ko ang litrato ni Ivonne, at hinaplos iyon.
"Salamat sis, unti-unting nag kasatuparan ang mga plano ko. Kong hindi ka lang naki-alam hindi sana hahantong sa ganito.. Hayaan mo, aalagaan ko ang kompaniya." Tinapat ko ang litrato ni Ivonne at hinulog iyon sa basurahan. May satisfaction sa dibdib ko na ginawa ko iyon.
Walang makakalabas ng aking mga lihim.
At lalong walang makaka-alam ang dahilan ng pag kamatay mo Ivonne.
BINABASA MO ANG
The Revenge of the Battered Wife [COMPLETED]
RomanceIto po yong Book 2 ng "The Dare" "Silence is not my Weakness But it is the beginning of my Revenge"- Lea Christine Sandoval Montecillo Book 1: The Dare. Still On-Going