Chapter 58
LEA KRISTINE'S POV
"Mark?" Hindi ako makapaniwala nang makita ko si Mark sa loob mismo ng pamamahay ko.
Anong ginagawa niya dito?
Kina-baling ko naman ng tingin na may hawak itong paper-bag at si Manang na pumipigil sakanya sa likuran.
Nanlilisik na ang mata ni Mark sa galit at kay sama ang pinukulan sakanilang dalawa ng tingin ni Insoo, na may nagawa kaming kasalanan.
Pasimpleng tinignan ni Lea sa table naka-patong ang dalawang laptop at ilan pang mga gamit na naka-kalat doon. Kakatapos lang nila ni Insoo mag hanap ng footage na kanilang hinahanap sa cctv camera.
Hindi pwede malaman ni Mark ang ginagawa naming dalawa ni Insoo, baka iyon pa ang maging bunga na mabunyag kami sa aming mga plano.Bago paman mag tanong si Mark kong ano man ang ginagawa naming dalawa ni Insoo, nag martsa na ako palapit sakanya at hinigit ito palabas nang bahay namin. Sa una, nag mamatigas pa si Mark na umalis sa loob pero anong enerhiya na nahatak ko ito palabas.
"Sumama ka sa akin! Bilis!" Matigas kong asik. Mararamdaman mo na nag mamatigasan si Mark, na gusto pa nitong sugudin si Insoo. Aba! Tarantado siya!
Nang makalabas na kaming dalawa ni Mark, binitawan ko na ang kamay nito at hindi pa rin nag babago ang expression sa mukha nito. Sobrang dilim at puno nang galit.
Siya pa talaga ang may ganang magalit, na pumasok siya sa loob ng pamamahay ko na walang permiso?
Umaabuso kana, ha?"Ano ba talaga ang gusto mo, Mark. Hindi ka pa talaga titigil?" Mahina subalit pagalit kong tono na pananalita. "Hanggang kaylan ka manggugulo sa amin ni Steven? Pinag bawalan na kita noon na lumapit sa amin ng anak mo tapos pumunta ka pa talaga sa pamamahay ko? Nanadya ka talaga?" Parang kamatis na kapula ang mukha ko, hindi maitago kong gaano ako naiinis sa sitwasyon na ito.
Para na lang kaming sirang plaka na paulit-ulit ko na lang sinasabi sakanya na hindi ko na siya kailangan sa buhay namin, at para itong linta na kapit pa rin nang kapit!
Nakakapang-init na talaga ng dugo!
Nauubusan na rin ako ng pasensiya sakanya."Bakit parati kayong mag kasama ni Insoo?" Ang salita nito ang paanggat ng isa ko pang kilay. What? "Nong una pinalampas ko na mag kasama kayong dalawa ng lalaking iyan mag damag tapos ngayon naman, maabutan ko kayong mag kayakap na dalawa? Anong ibig sabihin nang ito Lea? May relasyon ba kayong dalawa ng pinsan ko?" Mahina ngunit madiin ang pag kakasalita nito.
Hindi ko talaga alam kong matutuwa ba ako maiinis sa pinag sasabi ng hinayupak na ito.
Ngayon pa siya aasta na may karapatan sa buhay namin?"Eh ano naman sa'yo kong naabutan mo kaming mag kayakap at mag kasama na dalawa?" Banat ko naman na kina-dilim pa lalo ng mukha nito. Sige magalit ka lang! Akala mo, matatakot sa'yo? Hindi na ngayon!
Hindi ako makakapayag na kontrolin mo ang buhay ko Mark, hinding-hindi na.
"Ano naman ang pakialam mo doon, eh matagal na tayong hiwalay na dalawa. Wala kanang kaparatan pa sa akin. Ang rumi ng isip mo!""Kahit anong sabihin mo Lea, asawa mo pa rin ako. May karapatan pa din ako sa'yo!" Pang gigiit pa nito.
"Wow! Sabihin mo nga sa akin, kaylan ka pa naging asawa sa akin? Kaylan ka naging mabuting ama sa anak natin? Sabihin mo!" Pag hahamon ko na kina-tahimik naman ni Mark. "Huwag mong isampal sa akin ang sinasabi mong karapatan dahil noon paman wala ka no'n... Baka gusto mong isa-isahin ko lahat sa'yo nang mga kasalanan mo sa akin. Huwag mo akong susubukan at baka, aabutin tayo ng mag damag sa rami ng kasalanan at pag tataksil mo sa akin." Umigting ang panga ni Mark; gusto pa sanang mag salita pero piniling itikom ang bibig. Kahit mag salita man siya, wala rin naman siyang binatbat sa akin.
Lumapit pa ako kay Mark at dinuro pa ito. "Ito na ang huling beses na makikita kitang pumunta sa pamamahay ko at lumapit sa amin ng anak mo! Tandaan mo ito!"
"Sandali, Lea." Pigil nito at tinabig ko ang kamay nito na nandidiri.
"Ano ba!" Malakas kong sigaw at tinignan siya ng kay sama. "Huwag na huwag mo akong hahawakan at baka hindi ko mapigilan ang sarili ko na mapatay ka!" Banta ko at tinalikuran ko na si Mark.
Sa kalagitanaan ng aking pag lalakad papasok sa bahay, nag paiwan ng huling wika si Mark.
"Iyong sinabi ko sa'yo noon na babawiin ko kayo ng anak ko, totoo iyon Lea. Haharangin ko lahat ng taong aagaw sainyo sa akin kahit si Insoo pa iyon!" Banta nito at hindi ko na siya kina-lingon pa at dire-diretso na akong pumasok sa loob ng bahay at padabog na sinarhan anh pintuan na maka gawa iyon ng nakaka-hindik na inggay.
Naging matalim ang paraan ng tingin ni Lea ng mga oras na iyon.
*****
Alas syete pa lang nang umaga, naka rating na si Steven at si Lea sa school ng anak.Ngayon kasing araw gaganapin ang family day, dito mismo sa loob ng kanilang school.
Maaga pa lang nag sidatingan na ang mga magulang kasama ang kanilang mga anak.
May makukulay na mga palamuti sa mismong field kong saan gaganapin ang mga indoor games at ilang mga activity na gagawin ng mga bata mamaya. Naka-sabit din ang makukulay na mga bandiritas; na ang lakas nang dating na parang pyesta. Ramdam na ramdam mo talaga ang magiging masaya ang family day ngayon.Naroon na rin ang ilang teachers at faculty para makisaya rin sa nasabing event. Ig orient na rin sila ng mga teachers sa kanilang gagawin bago mag simula, at binigyan na rin ang bawat representatives na bata at mga magulang ng kanilang pares na tshirts para sa kanilang mga team.
Kanina pa pinapanuod ni Lea ang anak na hindi na maitago ang saya at excitement na pinapanuod ang ilang mga bata na naroon kasama ang kanilang mga magulang.
Gusto niya maging masaya ngayon si Steven kaya gumawa talaga siya ng paraan na mag attend sila.
Ito ang unang family day na sinalinan ngayon ng aking anak kaya't walang kapantay na saya rin sa akin na makita na masaya siya ngayon.Sino ba naman ang Inang walang hinanggad kundi ang kabutihan at kasayahan ng kanilang mga anak.
"Are you excited, Steven?" Hinawakan ni Lea ang ulo ng anak at bumaling ng tingin sa akin.
"Yes Mommy." Kinatango naman nito. "Asan na po ba si Tito, Insoo?" Kabado na tanong nito. Nababahala rin na baka hindi dumating ito.
Sinilip muna sandali ni Lea ang cellphone at nag paiwan si Insoo na mensahe para sakanya. "Papunta na raw siya dito, hintayin lang natin," ginulo ni Lea ang buhok ng anak na kina-bungisngis pa lalo nang ngiti sa labi nito.Nakita ko ang mamahalin na sapatos na huminto sa harapan ko
"Late na ba ako?" Ang malamig na boses ang nag pakaba sa aking dibdib.
Umanggat ako ng tingin at namilog ang aking mata na makita ang lalaking naka-tayo sa harapan ko.
Mark?
Anong ginagawa niya dito?Ngumiti ng kay tamis si Mark at tinaas ang kaliwang kamay para batiin kami ni Steven.
Walang-hiya!
Anong ginagawa mo dito?
BINABASA MO ANG
The Revenge of the Battered Wife [COMPLETED]
RomanceIto po yong Book 2 ng "The Dare" "Silence is not my Weakness But it is the beginning of my Revenge"- Lea Christine Sandoval Montecillo Book 1: The Dare. Still On-Going