Chapter 19

4.4K 125 11
                                    

Chapter 19

"Hmmp! Ano ba!" Tinulak ko nang malakas si Mark at napa-bitaw na kami sa pag hahalikan na dalawa. Tangina niya.

Bago pa ito makapag react, sinampal ko ito nang ubod ng lakas at nag marsta na ako para iwan ito.

Mabibigat na ang yabag ng paa na ginawa ko at nanlilisik na ang mata ko sa galit dahil sa ginawa niyang pag hahalik sa akin.

Bwisit!

Wala siyang karapatan na halikan ako!

Hindi ko na ito nilingon bagkus padabog kong sinarhan ang pinto ng aking silid.

Naging matatalim ang mga mata ko sa galit at kasabay ang pag punas ko sa aking labi, para maalis lamang ang mantya na pag halik nito sa akin.

Hayop ka Mark.

Hindi ko hahayaan na sirain mo ang mga plano ko!

Kaylangan ko ng kumilos, bago maging huli pa ang lahat.

MARK SAMUEL'S POV

Hindi na maalis ang titig ni Mark sa pintuan na dinaanan ni Lea.

Inis akong napa-hilamos sa aking mukha hanggang mawala siya sa aking paningin.
Tangina!
Ano bang nangyayari sa akin?

Imbes na sundan si Lea, pinili ko na lang pumunta sa bar area para kumuha ng maiinom para pahupain lamang ang galit na aking nadarama.

Nang maka-punta na ako sa bar area. Sinalinan niya ng matapang na whiskey ang baso at walang-ano nilagok iyon.

Napa-pikit na lamang siya nang madama ang pait at tapang na nanunuot sa kaniyang lalamunan at pabagsak iyon na nilapag sa counter.

Tangina talaga!

Sa tuwing pini-pikit ko ang mata ko, naalala ko ang sandali— kong paano ihatid ng lalaking iyon gamit ang sasakyan si Lea sa resthouse.

Nakita ko silang dalawa naka-ngiti sa labas, habang nag-uusap na dalawa.
Aaminin ko sa sarili ko, nag seselos ako!
Tangina!

Oo nag seselos ako!

Ang tarantandong, at walang kwentang kagaya ko nag seselos lamang sa simpleng pag-uusap ng dalawa.

Walang namamagitan sakanilang dalawa, subalit hindi pa rin maalis sa puso ko ang magalit na ngumi-ngiti si Lea sa lalaking iyon, samantala sa akin kinamumuhian at pilit tinutulak palayo!

Tarantado ako!
Niloko at sinaktan ko ang asawa ko, subalit hindi ko pa din talaga kayang maatim na may ibang lalaki ang nag papasaya sakaniya.

May ibang lalaki ang nag papangiti sakaniya.

Mahal ko si Mae at anak ko, pero iba itong nararamdaman ko!

May iba sa pag katao ni Lea, na hindi ko maalis ang isip at atensyon ko sakaniya.
Hindi dapat ako nag kagusto sakaniya, pero hindi ko alam sa aking sarili kong bakit hinihila ako palapit sakaniya.

Ano bang iniisip mo, Mark?
Tangina talaga!

Napa-tigil akong muli na mag ring ang cellphone ko sa bulsa.

Tinitigan ko lamang kong sino ang tumawag sa akin, walang iba lamang kundi si Mae.
Nawala na ang excitement at pag mamahal ko, na makita ang simpleng pag tawag at text nito sa akin.

Parang normal na lamang itong tao para sa akin, na tumatawag at humahanap ng atensyon.

Tinitigan ko lamang ang cellphone kong tumatawag, hanggang kusa nang namatay iyon sa aking kamay.

Nilapag ko ang cellphone ko sa counter at sinalinan muli ng alak ang baso na aking iniinom.

*****

Maaga ako pumunta sa site na pina-patayo ng aking kapatid para asikasuhin ang dapat na mga kakailanganin bago umalis. Malaki na rin ang pinag bago na mga trinabaho ng mga manggagawa na naroon at tinuon ko na lang ang atensyon ko sa mga dapat gawin.

Hindi ko na rin iniisip kong ano man ang nangyari sa amin ni Mark kagabi. Para sa akin, isang natural na pangyayari na lamang iyon.
Wala akong naramdaman, kahit ano paman.

"Hello, Kuya."

[Kumusta naman sa Cebu, maayos naman ang lahat?]

"Oo maayos naman ang lahat. Kong hindi ka sigurado, pumunta ka dito para sa personal mo masaksihan."

[No, thanks.] pag tatanggi nito.

"Oh, bakit? Hanggang ngayon ba nag tatago ka pa rin ba kay Kuya Reynard? Mabuti na lang umuwi kana, at huminggi ng tawad sakaniya bago paman sumabog iyon na galit sa'yo. Nililigtas na kita sakaniya at mag bati na kayo." Natatawa na lang ako sa dalawa. Nag tago na ang kapatid ko sa ibang bansa para lamang mataguan ang galit sakaniya ni Kuya Reynard.

[Isa pa ang tarantado na iyon, hindi talaga ako tinatantanan!] himutok nito. [Mag papalamig muna ako ng ulo bago umuwi ng Pilipinas.. Siya nga pala, malapit na matapos ang isang buwan niyo diyan sa Cebu, baka gusto mo pang mag extend diyan kasama si Mark at gagawan ko ng paraan.] I rolled my eyes.

"Oh come on. Stop it Kuya." Ginagala ko ang tingin ko sa mga trabahador na abala sa kanilang ginagawa. "Hindi na ako mag extend pa ng mga araw kasama ang hayop na iyon dito. Nakiusapka sa akin noon kahit labag sa akin at pinag bigyan naman kita. Babalik na ako sa Maynila, matapos lamang ang isang buwan na usapan natin, kailangan ko na rin tuonan ang anak ko at trabaho ko sa kompaniya."

[Okay. Hindi na kita pipilitiin.] hindi na ako sumagot pa at pinatay na ang pag-uusap naming dalawa.

Chineck ko isa-isa ang ginagawa at iba pang mga materyales na naroon—-gamit lamang ang sheet of paper na hawak ko.

Nahinto ako sa pag lalakad nang may humarang sa harapan ko.
Nang lingunin ko, walang iba kundi si Mark.
Blangko ang expression nito at kay lamig akong tinitigan.

"We need to talk." He paused. "About last night."

"I understand, hindi mo na kailangan mag paliwanag pa sa akin, Mark."  Kunot-noo itong tumitig at nahihiwagaan sa sinabi ko. "Hindi naman ako galit sa'yo at naintindihan ko naman kong bakit padalos-dalos mo akong hinalikan kagabi.. Lalaki ka at may pangangailangan, normal lamang sa'yo na halikan dahil na-mi-miss mo na si, Mae."  Dugtong ko pa. Tahimik lamang ito sa harapan ko at bahid ng gulat kong ano man ang sinasabi ko. "I'll make it up, an exemption.. Napag isip-isip kong, mas mabuti pang huwag na lang natin bahiran nang dungis ang mga trabaho natin dito.  Mag focus na lang tayo sa kanya-kanya natin na mga trabaho dahil, malapit naman matapos ang isang buwan na pag sasama natin dito sa Cebu at pag katapos hindi naman tayo mag kikita pa. How's that?" I extend my hands for shake hands.

Hindi man lang nito tinanggap ang aking pakikipag kamay bagkus tinitigan lamang iyon, walang plano na sang-ayunan kong ano man ang sinabi ko.

"Mukhang ayaw mo naman makipag-kamay sa akin." Lumapit pa ako kay Mark at hinawakan ito sa balikat. "Mabuti pang sagutin mo na ang text at tawag ni Mae; huwag mo ng iwasan." Ngumiti ako ng kay tamis, na kina-lingon naman nito.
Gusto ko na lang matuwa sa expresion na pinakita nito sa akin, na nag tataka kong paano ko nalaman ang bagay na iyon.

Bago paman ito makapag-salita, hinakbang ko na ang paa ko para iwan lamang ito.
At may ngiti sa aking labi!
Ang hina mo naman, Mark para mahulog sa aking patibong.

The Revenge of the Battered Wife [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon