Chapter 70
LEA KRISTINE'S POV
Kanina pa ako hindi mapakali na tinatawagan simula kagabi ang numero ni Insoo, ngunit hindi nito sinasagot ang tawag ko sa kanya kahit na rin ang text. Simula no'ng pumunta ito sa aking Opisina kahapon at ipag tapat ang tunay na nararamdaman sa akin, hindi na ako nag karoon ng pag kakataon na mag kausap kaming dalawa ng masinsinan at ipaliwanag dito ang lahat.
Alam kong nasaktan ko siya.
Hindi ako sanay na ganito kami na dalawa na may hindi pag kakaintindihan na dalawa.
Paano na lang kong hindi niya na ako kausapin?
Paano na lang, kong tuluyan na niya akong iwasan at layuan?
Iniisip ko pa lang na mangyayari iyon, may takot na kaagad sa aking dibdib. Naranasan ko na noon na iwan ng mga taong importante sa akin at ayaw ko na muling ranasin pa ang sakit at bigat sa dibdib kapag ganun.
"Pick up the phone, Insoo. Pick it up," taimtim kong dasal na ngayo'y nag ri-ring naman ang cellphone nito sa kabilang linya at hindi ako nauubusan ng pag-asa na mag kausap kaming dalawa.
Pabalik-balik akong nag lakad sa loob ng aking Opisina at hindi na mapakali. Hindi ata ako mapapanatag na ngayo'y wala pa akong nakukuhang sagot sakanya.
"Kristine, are you okay?" Ang malagong na boses sa likuran ko ang mag patigil sa akin, sabay baba nang hawak kong cellphone. Bumunggad sa akin ang seryosong titig ni Kuya Reynard at kahit na rin ito, hindi naka ligtaan na obserbahan din ako. "Kanina kapa ata hindi mapakali. May problema ba?"
"Kuya," lumapit ako sa kapatid ko sabay halik sa pisngi. "Okay lang ako," matamis akong ngumiti para ipakita na maayos naman talaga ako, pero hindi ito kumbinsado sa sinabi ko.
Naroon pa din ang palihim na titig sa akin.
"Hindi ko alam na pupunta ka dito Kuya, akala ka may meeting ka?" Pag iiba ko nang usapan dahil panigurado mag tatanong pa ito kong ano-ano sa akin.
"Papunta na ako sa meeting ko ngayon, naisipan kong puntahan ka muna dito. Naka usao ko kahapon ni Insoo at sinabi niya sa akin na itutuloy mo na daw ang plano mo kay Mae. Sigurado kana ba dito?" Ang salita ni Kuya ang mag balik lakas loob sa aking dibdib. Matagal ko na ring pinag isipan ang aking hakbang na plano. Sa lahat ng mga ebidensiya na hawak ko ngayon, sapat na iyon para maisumbong si Mae sa pulis na pinag tangkaan nito ang buhay ni Jeric.
Alam kong hindi iyon gaanong pasabog, pero sapat na siguro iyon para matulungan ko na makamit ni Melissa ang hinahanap niyang hustisya para sa kanyang kapatid at panagutan na rin ni Mae ang mga pag kakamali at kasalanan niya dito.
"Oo, kuya. Nabanggit ko na rin kay Insoo ang plano ko at ngayon, papunta na ako sa pulis para Ibigay ang ebidensiya na hawak ko at mag sampa na rin ng kaso laban sakanya." Ito na siguro ang tamang panahon para ibuking sa lahat ng tao ang tinatagong baho ni Mae.
"Are you sure about this? Gusto mo bang samahan kita, Kristine?" Humawak si Kuya sa balikat ko na kina-ngiti ko na lamang.
"Okay lang Kuya, kaya ko na ito," matamis akong ngumiti sa kapatid ko.
MAE'S POV
Hindi na maitago ang excitement at kaba sa dibdib ko ngayon na ang araw na ito ang pinaka hihintay ko sa lahat. Ito ang birthday party ni Dad at gaganapin iyon sa sikat na hotel at hindi na ako makapag hintay na ipakilala at ipag malaki niya ako sa mga kakilala nitong mga sikat na mga business man.
Naka brush up ang mahaba at hazelnut na kulay ng aking buhok at tinernuhan ng dark shades ng make up and red lipstick para bagayan ang sexy long fitted black dress ang aking suot na sadyang pina desinyo pa iyon sa sikat na designer. Nag lagay din ako ng mahabang pares at mamahalin na hikaw at kumikinang na bracelet na may maliit na bato para kumabog sa mata ng mga tao ang aking ayos.
"Hurry up, Mia." Taas-noo kong utos sa anak ko na naka-sunod sa akin. Suot rin ang cute na itim na kasuotan na bumunggad pa lang kami papasok sa nasabing hotel. Sa likuran naman naka-sunod ang Yaya na mag silbing bantay ni Mia.
"Yes po Mommy," sagot ni Mia at humawak ako ng mahigpit sa silver dashling purse sa kabila kong kamay at parang model na nag lakad na sinusunod ako ng tingin ng mga taong maka salubong namin papasok. Everyone wearing a black motif of casual outfit dahil iyon ang motif ng party ni Dad.
Engrande din ang pinag handaan ng event at kahit na rin sa set-up, pinag gastusan talaga. Rinig ko pa, imbitado ang mga mahahalagang tao sa birthday party ni Dad kaya maraming mga pupunta sa gabing ito.
"Good evening Mam Mae," isa sa mga katiwala ni Dad ang sumalubong sa amin papasok pa lang kami sa Hotel. Hindi pa iyon ang main entrance papasok sa naturang venue at nag sipasukan na rin ang ibang mga bisita na nauna ng pumasok sa loob. "Ang ganda-ganda niyo po, Mam." Puri nito na kina-laki naman ng ngiti sa labi ko. Aba, dapat lang. Pinag handaan ko ang araw na ito, para maging stand-out ang kagandahan ko sa ibang mga bisita.
"Nandito na ba si Mam at Dad?"
"Hindi pa po Mam, pero papunta na daw sila dito."
"Good." Kina-tango ko naman at babadyang lalampasan ng pinigilan ako nito.
"Sandali po Mam Mae, may nag papabigay po ng sulat." Nilabas ng staff ang isang special envelop at kaparehong-kapareho iyon no'ng nag bigay sa akin ng notes sa aking Opisina.
Naging matalim ang aking mata at hindi pinahalata sa mga taong kasama ko kong ano bang klase ang nakapaloob sa envelop.
Patay-malisya at pinakita ko pa rin ang matamis na ngiti sa labi ko na tinanggap ang envelop."Manang, mauna na kayo sa loob at susunod na lang ako." Iyon na lang ang naisip kong paraan para mailayo sila sa akin,
"Yes Mam," anito na nakuha ang aking utos. "Halika na miss Mia," inaya na nito ang anak ko na mauna na. Hinintay ko talaga na tuluyan na silang maunang maka pasok at pinag pasyahan na sumunod na rin sakanila.
Pinili kong huminto sa isang tabi na wala masyadong tao, para basahin at tignan kong ano na naman ba ang pinadala nito sa akin na sulat. Siniguro ko talaga na walang ibang taong makakakita sa akin na binabasa ang sulat na iyon.
Nanginig ang kamay kong nag mamadaling nilabas ang papel na naka paloob sa sobre at binasa[Hi Mae, gusto mo talaga ako makita?]
[Nasa loob ako ng venue at naka pulang dress. Mag kita tayong dalawa. Hihintayin kita.] hindi ko namalayan kusa ko nang nilukot ang hawak kong notes sa labis na galit na hindi na makapag-hintay na makilala kong sino man ang babaeng iyon.
Sa isang iglap naging matalim at nakakatakot ang aking mata, na inapak ang paa ko papasok sa naturang venue para hanapin at sugudin siya.
Kay bigat na ng aking pag hingga at hindi na ako makapag pigil sa pag titimpi na hanapin at saktan siya.
Pag bukas ko nang nasabing pintuan na mag kokonekta sa loob ng venue, bumunggad sa akin ang mahina at soft music at mga taong kanina pa nag hihintay sa venue.Nanigas ang aking katawan at napalitan kaagad ng pag tataka na ang aking mata nakapako para hanapin ang naka pulang dress na babae na nang gugulo sa akin, ngunit iba ang natunghayan ko.
Palinga-linga ako sa paligid at naguguluhan ng makita na maraming naka pulang dress. Hindi lamang sila isa ang naroon kundi lalagpas sa sampung katao na mga babae ang naka suot ng red dress. Nag halo ang black and red casual outfit na suot ng mga bisitang naroon na nag dalo sa mahalagang birthday party ni Dad.
What's happening?
Bakit naka pula sila?
Akala ko, black theme ang party na ito?
Paano ko siya mahahanap kong lahat ng mga babaeng narito, naka pulang mga kasuotan?
Gulong-gulo at hindi na ako mapanatag na tinitigan bawat kanto at babaeng nakikita ko sa party, pakiramdam ko isa sakanila ang totoong nanakot sa akin, nag kukubli at nag papanggap na isa sa mga bisita na naroon.
Pinang hinaan ako ng katawan at ang mata ko may daplis ng luha na ramdam ko nag mamatyag lamang siya sa akin ng palihim sa malayo at pinag lalaruan ako.
Taranta na akong kumilos at bigla akong nahinto na may humarang sa aking babae na at mapako ang mata ko sakanya na makilanlan ko kong sino ito.
"Hello Mae," matamis itong ngumiti sa akin at para akong naka-kita ng horror kahit dilat naman ng mata ko nang makita na naka suot din ito ng pulang dress.
"L-Lea?"
BINABASA MO ANG
The Revenge of the Battered Wife [COMPLETED]
RomanceIto po yong Book 2 ng "The Dare" "Silence is not my Weakness But it is the beginning of my Revenge"- Lea Christine Sandoval Montecillo Book 1: The Dare. Still On-Going