Chapter 66
MAE'S POV
"Good morning Mam," kakatapos ko lang sa isang meeting, sinalubong kaagad ako ng bati ng aking sekretarya. "Nasa loob po si Sir, kanina ka po niya hini-hintay Mam," anito at wala man lang na bakas na reaksyon ang aking mukha sa naging sagot nito bagkus malamlam ko itong tinitigan.
"Okay, paki-handa na rin ng mga kailangan kong documento,"
"Yes Mam," nilampasan ko na ang aking secretarya at tuloy-tuloy nang pumasok sa aking Opisina. Naabutan ko kaagad si Dad an perinte itong naka-upo sa single couch, at kasalukuyan itong umiinom ng tsa-a na posibleng hinanda ng aking secretary.
"Good afternoon Dad," pinakita ko ang matamis na bati sa aking Ama. Hindi kasi si Dad ang klase nang tao na basta-basta na lang dumadalaw sa aking Opisina, kong wala itong mahalagang sasabihin sa akin. Simula no'ng mag retired na ito at pinasa niya na sa akin ang mga responsibilidad, bihira na lang itong dumalaw sa kompaniya. Lumapit ako kay Dad at piniling maupo sa bakanteng couch na kaharap lamang nito para masinsinan na makapag-usap na dalawa.
Binaba ni Dad ang hawak na tsa-a at nilagay sa table. Seryoso ang mukha nito at hindi ko rin malaman kong ano ba talaga ang sadya nito. "Pumunta ako dito para ipaalam sa susunod na dalawang linggo ang nalalapit kong birthday. Naisip ko na taon-taon simple lang natin ig-celebrate ang kaarawan ko nang nabubuhay pa ang kapatid mong si Ivonne, pero ngayon gagawin ko na lang ngayon na magarbo at iimbitahan ko ang mga investors at mga importanteng mga kaibigan ko." anito.
"Well, that's great Dad," hindi ko naman na inaasahan na mag pla-plano ito ng magarbong birthday celebration. Hindi kasi si Dad ang klaseng taong mag tatapon na lang mga event sa kaarawan nito at gusto lamang na simpleng ganap na mag kakasama silang pamilya. "So may maitutulong ba ako sa birthday mo, like mag ayos ng venue? Anything na gusto niyo?" Umiling na lang ito na tanda na pag tatanggi.
"Huwag na at ayaw kong problemahin mo pa ang bagay na iyon at abala kana rin dito sa kompaniya. May inatasan na ako ng mga tauhan na mag aayos ng lahat na mga kailangan." Anito. "Sa ilang buwan na pag tra-trabaho at pamamahala sa kompaniya, pinakita mo sa akin na karapat-dapat nga kita na ilagay sa posisyon kong asan na ang narating mo at medyo sumablay ka lang sa mga Sandoval," may pag tataas pa din ng tono sa salita ni Dad, hanggang ngayon hindi pa rin ito maka move on.
"Dad, sumablay naman tayo sa mga Sandoval, pero naka hanap naman ako na mas magaling sa kanila na ipapalit. Ilang mga kasusyoso na kaya ang pinasok ko para mag invest sa aking company at wala naman akong naging sablay pa bukod pa doon." Hindi ko masisikmura na may koneksyon ang Lea na iyon sa business namin. Malalim ang galit ko sakanya at malaki din ang kasalanan niya sa akin.
"Kaya nga kinakausap kita ngayon. Nabanggit rin kita sa mga malalapit kong kaibigan na may hawak rin ng malalaking negosyo dito sa Pilipinas, at hanga sila sa husay mo sa pag papatakbo at manage ng business natin kahit ilang buwan ka lang nag sanay. Gusto ka nilang makita at formal na maka-usap,"
lumaki ang ngiti sa aking labi nang marinig ang balita na iyon kay Dad. May mga koneksyon siya sa mayayaman at kilalang tao at isang karangalan na rin para sa akin na mabanggit niya ako sa mga kaibigan niya, na noon si Ivonne ang parati niyang pinag mamalaki sa mga kakilala niya. "Kasabay rin ng birthday ko, gusto ko rin mag iwan ka sa akin ng birthday message sa kaarawan ko. Maasahan ko ba iyon, Mae?""Oo naman Dad, sisiguraduhin ko sa'yo na magugustuhan mo ang message ko sa'yo,"kulang na lang mapunit na ang aking labi sa lawak ng aking ngiti.
"Sige mauna na ako. Huwag mong kalimutan ang napag-usapan natin," tumikhim na lang si Dad at tumayo na ito.
Pinanuod ko na lang ito mag lakad palabas nang aking Opisina.
Don't worry, I'll make you proud Dad.
BINABASA MO ANG
The Revenge of the Battered Wife [COMPLETED]
RomanceIto po yong Book 2 ng "The Dare" "Silence is not my Weakness But it is the beginning of my Revenge"- Lea Christine Sandoval Montecillo Book 1: The Dare. Still On-Going