Chapter 27

4.3K 109 2
                                    

Chapter 27

MAE'S POV

Napa titig ako sa patay na ibon at mga nag kalat na mga larawan sa sahig.
Mga larawan, na hindi ko na kayang masikmurahan na makita.
No.
Paano?
Hindi pwede!

Gumilid na ang luha sa aking mga mata; takot  na malaman ng lahat ang aking maitim na sekreto.
Hindi na ako nakapag-isip ng matino at lumuhod na ako sa sa tiles para isa-isang damputin ang mga nag kalat na mga larawan.

"N-No, hindi pwede. Hindi pwedeng malaman ito ng lahat." Paulit-ulit kong nasambit at nataranta na akong pinulot ang mga larawan para madispatsa na. Sa aking pag mamadali; kusa nang bumagsak ang katawan ko sa malamig na tiles at nabahiran ng dugo ang aking katawan. "Hindi dapat na malaman ito nang lahat. Hindi t-talaga pwede," nababaliw na paulit-ulit na sinasabi ni Mae ang katagang iyon kasabay ang pag agos ng luha sa pisngi.

Kinuha ko ang litrato at nilagay iyon sa basurahan at pati na rin ang patay na ibon. Sunod ko naman na kinuha ang malinis kong damit at pinunasan ang mantya ng dugo na nag kalat sa sahig.

Ang malakas na katok sa pinto ang mag pabalik ng kaba at takot sa aking dibdib. "Mam? Ayus lang po ba kayo?" Tangina talaga. Mag madali man ako sa pag linis ng dugo sa sahig, makikita pa rin nito ang mga dugo.

Ang puting robe na suot ko namantyahan na rin ng dugo, pati ang pisngi at braso mayron na rin. "Mam?" Patuloy na katok pa rin nito sa pintuan na mag pabigay na taranta sa buong pag katao ko.

"Ayos lang ako. May n-nakita lang akong daga kaya ako napa-sigaw. Umalis kana, hindi ko kailangan ng tulong mo!" Sigaw ko dito. Masisira ang plano ko kapag nalaman niya ang totoo.

"Sigurado po ba kayo Mam? Tulungan ko po kayong maalis ang daga diyan sa sili—-"

"Sabi nang umalis kana sabi eh!" Sigaw ko pabalik.

"Sige ho Mam, pasensiya na ho." Yabag ng paa na lang nito palayo ang narinig ko. Kusa nang nanghina ang tuhod ko gayunpaman kahit naka-luhod na ako sa sahig. Binilisan ko na ang pag pupunas ko gamit ang damit ko sa sahig para maalis ang kumapit na mantya doon.

Nang matapos na akong mag-linis. Dumako na ako sa cr. Pinag mamasdan ko ang sarili ko na umiiyak samantala may bahid ng mga dugo ang mukha ko.

Nanginig na tinawagan ang importanteng tao na alam kong makaka-tulong sa akin. "Hello Louie." Hindi ko mapigilan na mag buhos ng emosyon na maka-usap ito.

"Mae? Umiiyak ka ba?"

"A-Alam niya na. Alam niya na ang totoo." Impit ko pa din na sumbong dito.

"Ano bang nangyayari sa'yo? Just please, calm down okay?"

"May nag padala sa akin ngayon na regalo, ang laman patay na ibon at mga samo't-saring mga litrato. Laman na litrato na kuha na na mag kasama kami ni Ivonne sa fire exit! T-Tulungan mo ako Louie, tulungan mo ako. Hindi ko na alam ang gagawin ko n-ngayon."

"Shit! Shit!" Mura nito sa kabilang linya. "Nakilala mo ba o nalaman kong sino nag padala sayo ng regalo?"

"I don't know.. Ang katulong ko ang nag bigay sa akin ng regalo." Palingon-lingon na din si Mae sa paligid na animo'y may tinataguan. "Hindi ko pa siya natatanong dahil una kitang tinawagan.. Hindi ko alam ang gagawin ko L-Louie.. Oo, napatay ko si Ivonne pero hindi ko naman sinasadya na maitulak siya."

"Isa lang ang sagot dito Mae. Posibleng ang nag padala sa'yo ng bulaklak. Siya din ang naka-kita sainyong dalawa ni Ivonne sa fire exit." Nanghina na napa-sandal ako sa pader sa narinig ko.

No!
It can't be!

"W-What? N-No, that's not happening right? Kapag nalaman ng iba ang totoo pwedeng itakwil ako ni D-Dad, mawawala sa akin ang kompaniya. No! Hindi ko hahayaan na mawala sa akin na ganun-ganun lang ang mga pinag-hirapan ko L-Louie, hinding-hindi."

The Revenge of the Battered Wife [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon