Chapter 37

3.9K 90 4
                                    

Chapter 37

INSOO'S POV

Lumapit si Insoo na makita ang isang babae na naka-upo sa bench. Naka-pikit ang mata nito at dinama ang malamig na simo'y na hangin sa play-ground na madalas nilang puntahan na dalawa.

Mag aalas-singko na nang hapon kaya't hindi na gaanong masakit ang sinag ng araw, dagdagan pa ng sariwang hangin at tunog ng mga sasakyan na dumaraan.

Piniling maupo ni Insoo sa tabi ng babae na hindi pa rin naagaw ang atensyon nito.

Kay tamis ang gumuhit sa kanyang labi na pinapanuod ang maganda nitong mukha.
Ang matamis na ngiti sa labi nito.
Kahit hindi mag salita; masaya na siya na katabi kahit ilang sandali man lang ito.

"Here," inabot ni Insoo ang binili niyang ice-cream na tig-isa pa silang dalawa. Kina-mulat ni Lea na marinig ang boses ni Insoo at tinanggap ang pag-aalok nito.

"Thanks, alam na alam mo talaga ang favorite ko." Binuksan ni Lea ang takip ng ice-cream at kinain iyon. Napa-pikit pa ito ng mata na ninanamnam ang sandaling matikman ang paborito nito.

Ngumisi na lang si Insoo, alam niya talaga na hulihin ang kiliti ni Lea. "Parehong-pareho talaga kayo ni Steven, paborito ang mint chocolate." Binuksan ko na rin ang ice-cream at sinabayan ko na si Lea na kumain at pinapanuod ang ilang mga batang nag lalaro sa play-ground, may mga kalayuan din ang mga ito sa kanila.

"Ewan, comfort zone ko na siguro ito na ice-cream. Kapag kumakain ako nito, kahit problema o anumang bumabagabag sa isipan ko nawawala. Namana din sa akin ng anak ko sa pag ka addict dito. Kaya't salamat sa ice-cream ha?" Ngumiti ito at tinuon na lang ang atensyon sa kinakain.
Mga ilang sandali pa sila ni Lea nanatili sa bench, bigla itong nag seryoso at palabis na rin ang pag bubuntong-hiningga.

"Bakit?"

"Hmm?"

"Kanina ka pa ata bumu-buntong hiningga. May bumabagabag ba sa isipan mo?"

"Wala ah!" Kahit hindi nito aminin, alam naman ni Insoo na may bumabagabag sa isipan nito. Matagal na niyang kasama si Lea, simpleng bagay lamang na ginagawa nito mapapansin mo kaagad din na may iba sa kilos at galaw nito.

"May problema ka? Hulaan ko, si Mark ba?" Tumigil si Lea sa pag subo at sabay sabi ng ganito.

"Ang pangit naman ng trip mo. Seriously? Pag-uusapan pa ba natin iyan sa pag kain ko mismo ng paborito kong ice-cream?" Naka-busangot na ito sa akin, na kina-ngiti ko naman. "Huwag na natin siya pag-usapan, lalo lamang kumu-kulo ang dugo ko sa pinsan mo. Nakaka pang-init talaga ng dugo. ugh!!" Kong nandito lang si Mark, kanina pa nito natiris sa pag gigigil at sama nang loob.
Ganyan si Lea, dinadaan na lang sa inis at pag kwento ang bagay na kina-iinisan nito. "Gusto ko na siyang mawala sa buhay namin ni Steven. Kahit anong tulak ko sa pinsan mo nang paulit-ulit, balik pa din siya ng balik. Nakaka-inis talaga,"

"Kaya nilabas mo ang confidential na project ni Mark sa ibang kompaniya dahil gusto mong lumayo na sila sainyo ng anak mo?" Pahapyaw kong salita na kina-baling naman kaagad nang tingin ni Lea. "This is part of your revenge to him, don't you?"

"Nakaka-walang thrill ka din minsan, ano? Paano mo nalaman iyon?"

Kibit-balikat na lang si Insoo. "Nahulaan ko lang. At tyaka ikaw lang naman ang gagawa no'n kay Mark dahil ikaw lang naman ang may malalim na galit sakanya." Umawang na lang ang ngisi sa labi ni Lea.

Matagal ko nang alam na si Lea ang dahilan na pag kawala ng mga investor at pag atras sakanila ni Mr. Hamington. Marami pang alam si Insoo, sa pinag gagawa ni Lea kay Mark at Mae. Inalam ni Insoo ang bawat detalye, sa kilos at galaw ni Lea at kahit na rin siya nagulat na si Lea ang may kinalaman sa pag bagsak ng negosyo ni Mark at kay Mae. "Alam ko ang bawat maliit na detalye sa ginagawa mong plano ngayon Lea. Huwag kang mag-aalala hindi kita papakialaman na sa pag hihihanti mo, hindi rin ako mag sasabi kay Mark at kay Mae," kumindat pa ako dito at sabay ngisi ng nakaka-loko.

Tinapos na ni Insoo ang kinakain at nag lakad na paalis.

Pamulsa pa siyang nag lalakad at ilang sandali, rinig ko ang matinis na sigaw ni Lea. "Anak nang tokwa! Sandali, Hintayin mo ako!" Dali-daling inubos ni Lea ang laman ng ice-cream bago sinundan si Insoo.

MAE'S POV

Pawisang baling ng baling ang ulo ni Mae at nag kakaroon siya ng masamang panaginip. Namuo ang malamig na pawis sa kanyang leeg at noo.

"N-No, no, hindi ka t-totoo." Mula sa panaginip ni Mae nakita niya si Ivonne at masama ang titig sakanya nito. "Huwag kang lalapit sa akin. Patay kana, patay kana," naging intense ang pag hingga ni Mae at kakaibang unggol sa kanyang bibig.

Lumapit ang nakakatakot na nilalang kay Mae at sinakal siya nito. "Ahhh N-No! No!" Histerical na sigaw ni Mae kasabay ang malakas na sigaw ng gabing iyon.

Sa nakaka-hindik na sigaw ni Mae, nagising si Mark sa. "N-No! No, huwag. Huwag kang lalapit. Ahh."

"Mae, Mae!" Niyugyog ni Mark ang kinakasama at nagising si Mae sa masamang bangungut. May daplis na luha ang pisngi, at sumisinok sa labis na takot.
Ayaw niya na alalahanin ang masamang nilalang na hinabol siya.
Masamang nilalang na paulit-ulit siyang hinahabol.

"M-Mark," nanginginig na sumbong ni Mae. Hindi na din makaya ang takot sa sarili na hinahabol na siya ng konsensiya sa nagawa niya sa kapatid.

"Ayos ka lang ba? What happened?" Nag-aalalang sinapo ni Mark ang buhok ni Mae sa parteng pisngi na nabahiran ng luha. "Bakit ka umiiyak?"

Sa tanong ni Mark, hindi kayang sagutin at ipaliwanag ang dahilan ng kanyang pag iyak at paulit-ulit na binabangut siya.

"M-Mark natatakot ako." Dumaloy ang luha sa mata ni Mae, imbis na sagutin ang katanungan ni Mark niyakap niya lang ito. "Natatakot ako Mark, b-baka balikan niya ako," hinagod ni Mark ang likod ni Mae.

"Huwag kanang umiyak, masamang panaginip lang iyon. Nandito lang ako at hindi kita iiwan," pag papakalma sa akin ni Mark pero hindi pa din maalis ang pangamba at takot sa puso ko na binabalikan niya na ako para maningil, sa aking nagawang pag kakamali.
Kahit balikan mo pa man ako Ivonne,
Hindi malalaman ng lahat ang ginawa ko sa'yo.

The Revenge of the Battered Wife [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon