Chapter 40
Chapter 40
Kagagaling lang ni Mark sa kompaniya at wala pa siyang sapat na tulog. Naisipan niyang daanan sa Hospital ang kanyang anak bago umuwi sa bahay.
Pag pasok ni Mark sa silid naabutan niya si Manang na mag-isang nag babantay ngayon kay Mia sa silid.Kina-tayo naman ni Manang na makita ako at bumati. "Magandang umaga po, Sir."
Dire-diretso lamang ako nag lakad at nilapag ni Mark sa lamesa ang ilang mga pinamili kanina. Luminga-linga rin siya sa paligid para hanapin si Mae, ngunit hindi niya ito nakita.
"Asan si Mae?"
"Hindi ko po alam Sir," anito. "Nag paalam si Mam sa akin kagabi na aalis ngunit hanggang ngayon hindi pa rin siya dumadating." Labis naman pinag tataka ni Mark na hindi madatnan si Mae ngayon na bago ako umalis kahapon; hindi nito maiwan-iwan ang anak.
Hindi na nag isip pa nang kong ano si Mark. Inisip niya na lang na kina-ilangan nito sa kompaniya ngayon lalo't ilang araw na ito hindi pumapasok."Okay, gumising na ba si Mia?"
"Kanina po Sir, pero naka-tulog na naman po siya," kina-tango naman ni Mark ang sinabi nito.
"Sige, maraming salamat Manang. Mag pahingga kana muna, ako na muna ang mag babantay ngayon sa anak ko," isang tango na lang ang sinagot ng katulong at nag paalam na itong umalis sa silid.
Pinili na lang ni Mark na maupo sa bakanteng silya malapit sa kama na kina-hihigaan ni Mia. Hinaplos ni Mark ang pisngi ng anak na ngayon mataas ang lagnat. Kina-mulat naman ng mata ni Mia na mapansin na naroon ang ama at nang-hihina itong ngumiti. "D-Daddy," tawag nito na mahinang tinig.Namumutla ang balat nito at hindi sanay si Mark na makita na ganito ang kagalayan ni Mia. "Are you alright? May masakit ba sa'yo anak?"
"Nilalamig p-po ako at ang sakit po ng tyan ko Daddy," pag susumbong ng bata sakanya na mangiyak-ngiyak na.
"Hush, gagaling kana din,"
Bumukas ang pintuan na maagaw ang atensyon ko. Pumasok ang doktor at kina-tayo ko naman. "Sandali lang anak. kakausapin lang ni Daddy ang doktor. I'll be right back," ngumiti si Mark sa anak at lumapit na sa doktor.
"Magandang araw po sainyo,"
"Magandang araw din," bati nito. "Lumabas na kahapon ang result ng test sa kalagayan ng anak niyo, unfortunately naabutan ko lang dito ang nag babantay sa pasyente."
"Kumusta na dok ang kalagayan ng anak ko?"
Naging seryoso ang mukha nito at nahuhulaan na kaagad ni Mark na hindi lamang simpleng sakit ang kina-kaharap ngayon ng anak niya. "Ayon sa finding ng test, mayron siyang severe dengue at kailangan ng blood transfusion dahil napaka baba ng platelet niya. Mas maganda na maagapan kaagad ito, soon as possible," kina-baling ng tingin ni Mark ang anak at hinarap muli ang doktor.
"Sige po Dok, ako na po mag-sasagawa ng blood transfusions sa anak ko basta gumaling lang siya."
****
Kagagaling lang ni Mae sa kompaniya at dumiretso na siya sa kaagad sa bahay para kumuha ng mga gamit na dadalhin niya sa Hospital.
Kinuha ni Mae ang cellphone sa bulsa at nakita niya kaagad na maraming mga missedcall si Mark sa akin na pinag-tataka niya naman kaagad na hindi karaniwang mag iiwan si Mark ng samo't-saring mga tawag.
Hindi na lang pinansin ni Mae ang tawag ni Mark, kailangan niyang gumawa ng paraan para lamang madispatsa na si Jeric at tuluyan na itong mawala sa landas ko.
Hindi ako magiging masaya at tahimik hangga't nabubuhay pa ang gagong iyon."Hello Louie," tinawagan ni Mae ang mahalagang kaibigan. Si Louie ang nakaka-tulong sa kanya sa mga problema. "Nagawa mo na ba ang pinapagawa ko sa'yo? Papunta na ako ngayon sa Hospital at doon na lang tayo mag kitang dalawa,"
[Nagawa ko na Mae. Are you sure about this?] pag kokompirma ni Louie sakanya. Wala naman akong ibang choice kundi gawin ito para lamang sa kaligtasan ng anak ko at hindi malaman ni Mark ang totoo.
Tumawag na sakanya si Manang at pinag paalam nito na dengue daw ang sakit ng kanyang anak at kailangan ng dugo dahil mababa ang platelet. Alam ni Mae sa sarili na kailangan niya ng maayos ang problemang sakit sa anak bago pa kumilos si Mark.Kapag posibleng nalaman ni Mark at gumawa ito ng hakbang malaki ang tyansa na mabubuking ako.
Malalaman nito ang tinago-tago kong sekreto na ayaw ko namang mangyari.
Kahit kabado man si Mae sa gagawin kailangan niya pa rin kumilos nang maaga. Plinano niya na sa tulong ni Louie na agapan na kaagad ang sakit ni Mia."Papunta na ako sa Hospital. Tatawagan na lang kita" pinatay ko na ang tawag at sinilid ko na sa bulsa ang cellphone. Nilagay ko na rin sa paper bag ang ilang mga kailangan ko at tinahak na palabas nang aming silid.
Mabilis ang mga kilos ko; hahawakan ko na sana ang seradura ngunit kusa ng bumukas ang pintuan at tumambad sa akin ang madilim na mustra ng mukha ni Mark.
"M-Mark," pawisan kong tawag sakanya. Nag patuloy si Mark sa pag lakad papasok ng aming silid at wala itong binanggit na salita. "Hindi ko alam na uuwi ka ata ngayon. Wala ka bang trabaho?" Tangina. Anong ginagawa niya dito? Dapat sa oras na ito nag tra-trabaho siya sa kompaniya pero anong ginagawa niya dito? It doesn't matter basta hindi nito malaman ang totoo.
"Mukhang hindi ka ata masaya na pag-uwi ko ngayon," pabalang na sagot ni Mark. Kinutuban na rin ako kong bakit kay lamig niya ako tinatrato subalit inisip ko na lang pagod siya sa kompaniya.
"Of course I'm happy," pilit na lang akong ngumiti. "I'm so sorry hon. I need to go. Pupuntahan ko si Mia sa hospital." Paalam ko at aalis na sana ako ngunit naging malamig pa sa yelo ako tinitigan.
Napa-singhap na lang ako na marahas na hinawakan ni Mark ang pulsuhan ko. "Nasasaktan na ako Mark," pakiusap ko at inaalis ang kamay nitong naka-hawak sa pulsuhan ko. Mangiyak-ngiyak na si Mae sa sakit na kay gigil nitong hinawakan iyon at walang planong bitawan. Kinabahan na rin siya dahil kay dilim ng mustra ng mukha ni Mark. "Nakikinig ka ba Mark? Sabi na nga na nasasaktan ako eh!" May galit na tinignan ni Mae sa mata si Mark.
"Putangina! Hanggang kaylan mo itatago sa akin, na hindi ko anak si Mia huh? Sagutin mo ako!" Dumaongdong ang malakas na sigaw sa akin ni Mark at kasabay ang pag bagsak ng luha na kanina ko pa pinipigilan.
Paano?
Paano niya nalaman ito?
Anong gagawin ko?
BINABASA MO ANG
The Revenge of the Battered Wife [COMPLETED]
RomanceIto po yong Book 2 ng "The Dare" "Silence is not my Weakness But it is the beginning of my Revenge"- Lea Christine Sandoval Montecillo Book 1: The Dare. Still On-Going