Chapter 39
Kanina pa tulala si Mae na pinag mamasdan anag anak na naka-himlay sa kama at hindi pa rin ito nag kakamalay. Hindi na alintana para sakanya ang pag hahapdi ng mata sa walang humpay na pag-iiyak simula kanina.
"Mia," mapait na bigkas ni Mae at hinawakan ang kamay nang anak. Nag darasal na sana mag kamalay na ito at maging maayos na ang kalagayan nito.
"Mae," humawak si Mark sa balikat ko at naka-tayo ito sa likuran ko. Simula kanina pa sila dito na umaga sa Hospital, nilipat na ng mga doktor si Mia sa private room at hindi pa sila tapos mag sagawa ng test kong ano ba talaga ang tunay na kalagayn ng kanyang anak.. "Mag pahingga kana muna, ako na muna ang mag babantay kay Mia," paanyaya nito.
"N-no, hindi ko ata kayang ipikit ang mga mata ko, na hanggang ngayon wala pa ring malay si Mia," basag na tinig ni Mae at mamasa-masa na naman ang mata niya sa tuwing iniiisip ang anak. Tumitig ako sa mata ni Mark na may lungkot na rin. "Bakit ganun, Hon? Bakit hanggang ngayon wala pa ring sagot ang mga doktor sa tunay na kalagayan ng anak natin? P-Paano kong malubha na pala ang kalagayan niya a-a----"
"Hushh!" pinutol na ni Mark ang anumang sasabihin ko at hinawakan ang kamay ko. "Huwag kang mag isip ng kong ano-ano. Malakas ang anak natin, for sure hindi siya makakaramdam kong ano man ang iniisip mo." pag papakalma nito sa akin.
Kong wala siguro si Mark, hindi ko makakaya na harapin itong mag-isa.Pinunasan ni Mark ang daplis na luha sa aking pisngi at mapait akong ngumiti. "Everything's gonna be alright. Pupunta ako sa ibaba para mag tanong sa nurse at doktor kong meron na silang results." kina-tango ko naman at hinalikan ako ni Mark sa labi.
Sunod ko na lang narinig ang yabag ng paa ni Mark paalis at pag bukas-sara ng pinto.
Nanatili si Mae naka-upo sa upuan ng ilang minuto. Pinag mamasdan niya ang anak na wala pa ring malay at may putla ng mukha nito.
Sunod-sunod na ang problema na kinakaharap ko at hindi ko aakalain na mangyayari rin ito sa anak ko."Mag pagaling ka a-anak. Kahit madalas man kitang mapagalitan. Mahal na mahal kita sweetheart." Hinalikan ni Mae ang likod ng kamay ng anak at tumayo na sa kina-uupuan.
Inayos ni Mae ang sarili at pinunasan na rin ang daplis na luha sa mata bago lumabas sa silid ni Mia.Balak niya sundan si Mark at pinag patuloy niya na ang kanyang pag lalakad. Nakaka-salubong ko ang ilang tao at nurse sa hallway, hindi ko na sila pinapansin at dinadaanan na lamang.
Wala sa sariling nag lalakad pa rin ako at sapo pa rin ang mukha."Mae?" Napa-hinto ako sa pag lalakad ng marinig ang boses. Hinanap ko, kong saan nag mula ang tinig at nanigas ang buong katawan ko na makilala ang babaeng kay tamis na ngiti sa akin.
"M-Melissa?" Hindi makapaniwala kong saad. Pakiramdam ko, binuhusan ng malamig na tubig ang buong pag katao ko na makilala ito.
"Hindi ako mapaniwala na dito tayong dalawa mag-kikitang dalawa Mae." simple lamang ang suot nitong damit at mukhang kulang sa tulog.
"A-Ako rin," pakiramdam ko sobrang awkward ng atmosphere sa pagitan naming dalawa. Panaka-naka na kinakabahan na mag cro-cross ang landas naming dalawa dito.
"Anong ginagawa mo dito?"
"May binisita lang na kaibigan," pag sisinunggaling ko. Hindi sinabi ni Mae, ang totoo nasa Hospital rin ang kanyang anak. "I-Ikaw? Anong ginagawa mo dito? May binisita ka rin ba dito?" Sa tanang buhay ko, ngayon ako pinag pawisan ng malagkit na kausap ito.
"No, hindi," anito. "Dito na admit si Kuya Jeric sa Hospital." nagimbal ang buong pag katao ko na marinig iyon. Ano? Nandito si Jeric? Ang Ama ni Mia? Lalo pa tuloy ako nabahala at natakot sa sinabi nito nandito rin si Jeric sa Hospital. "Nakaka-lungkot lang na hanggang ngayuon, hindi pa nag kakamalay ang kapatid ko. Kinailangan namin siyang ilipat dito sa Hospital," it makes sense now, kong bakit sila narito.
BINABASA MO ANG
The Revenge of the Battered Wife [COMPLETED]
RomanceIto po yong Book 2 ng "The Dare" "Silence is not my Weakness But it is the beginning of my Revenge"- Lea Christine Sandoval Montecillo Book 1: The Dare. Still On-Going