Chapter 28

4.4K 119 2
                                    

Chapter 28

Chapter 28

LEA KRISTINE'S POV

Kanina pa malalim ang iniisip ni Lea sa pag mamaneho. Dapit alas kwatro nang hapon na mapag pasyahan nilang umuwi. Nasa tabi ko lamang si Steven naka-upo, kahit hindi ito mag salita ramdam ko pa din ang pasulyap-sulyap nito na tingin sa akin.

"Mommy?"

"Hmm?"

"Gusto ko po mag ice-cream," pabulong nitong saad.

"Sige sweetheart."

Hininto ko ang sasakyan sa gilid lamang na ice-cream shop na madalas namin puntahan ni Steven. Hindi naman gaanong matao pag punta namin doon kaya mabilis kaming naka-hanap ng pwesto na mauupuan.
Nag order na rin ako ng favorite namin pareho na chocolate mint ice-cream.

"Kumain kana, anak." Nilapag ko sa table ang order at kaharap ko lamang si Steven sa table.
Excited na simulan ni Steven na lantakin na kainin iyon. Mga ilang subo pa lang ang nagawa nito; natigilan muli ang anak ko. Nag tatakang tumitig sa akin.

"Hindi ka po kakain, Mommy?"

Umiling ako. "Hindi anak. Busog pa ako. Sige lang kain ka lang nang marami." Pag papasunod ko pa.

"Bakit sad ka po Mommy? Inaway kana naman po ni Lolo?" Ang tanong nito na mag pahinto sa akin.

"Steven."

"Huwag kana po malungkot Mommy ko." Hinawakan nito ang pisngi ko. "Mag kaayos din po kayo ni Lolo dahil love ka niya po. Gaya ng love niyo po kay Steven." Sumandok si Steven ng ice-cream at inalok na isusubo iyon.

Tinanggap ko na lang ang pag alok ng ice-cream sa akin at may saya sa aking dibdib ang simpleng sinabi at ginawa nito.

"Thank you, sweetheart." Pinang-gigilan ko ang maumbok na pisngi nito.

MARK SAMUEL'S POV

"Ngayon lang ako naging masaya ng ganito Hon," kwento ni Mae sa kanilang pamamasyal ngayon na mag kakasama. "Sobrang overwhelm ako na makita si Dad na proud na proud sa akin sa aking ginagawa sa kompaniya ngayon. Kakatapos lang ang mahalagang projects sa bigating kompaniya. And guess, what? Sa akin pinag katiwala ni Dad ang projects at proud siya sa naging results dahil successful ang deals."

"I'm so proud of you Hon," kina-lawak naman ni Mae ang matamis na ngiti sa labi sa puri ko dito. It's sunday, sinulit nila na tatlo na mag kakasama na pumunta sa magagandang places para ipasyal si Mia. Nag enjoy naman ang bata sa simpleng family day na kahit paminsan hindi nila nagagawa pareho ni Mae dahil pareho sila abala sa trabaho.
Matapos nila mamasyal; dumiretso na kaagad sila sa Mall para mag shopping. "Noon paman may tiwala na ako sa'yo na makakaya mo rin ang pag papatakbo sa kompaniya niyo."

"Mommy," sumulpot si Mia na suot ang violet dress.

"Yes sweetie."

"I want new toys po." Nag puppy eyes pa si Mia sa harapan nilang dalawa. "Sige na po, bilhan niyo na po ako. Pretty please." Pinag dikit pa nito ang palad para pag bigyan sa gusto na bilhan ng panibagong laruan na gusto nito.

"Look Hon, nag pa cute na naman ang anak natin." Sumbong ni Mae, na naka-ngiti
"Sige, mamimili tayo ng mga toys na gusto mo."

"Marami po Mommy na toys po?"

"Lahat ng gusto mo na mga toys, bibilhin natin."

"Yey! Thanks Mommy, thanks Daddy." Humalik pa pareho sakanila si Mia. Mag kabilang kamay nila ni Mae na hawak ang kamay nito papunta sa Store para mamili lamang ng gusto nitong laruan.

The Revenge of the Battered Wife [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon