Special Chapter

753 13 2
                                    

Special Chapter

LEA KRISTINE'S POV

"Lea." Ang boses ng bagong dating sa aking likuran ang mag pangiti sa akin. Sinalubong ko ng halik at biso ang bagong dating na sina Mom and Dad kasama nila si Jamie.

Lahat sila naka porma at sosyal ang mga damit. Alas tres pasado ng hapon na sila naka rating sa bahay namin, saktong-sakto sa oras na mag sisimula ang party.

"Mom, Dad." Nag mano ako sa mga magulang ni Mark.

"Late na ba kami Hija? Ito kasing Mommy mo, ang tagal-tagal mag mag bihis kaya nahuli na kami." Tugon ni Dad at sinisisi ang asawa.

"Oh bakit ako? Kong hindi lang tayo naipit kanina sa traffic at baka kanina pa tayo naka rating dito." Depensa naman ni Mom na hindi mag papatalo. Napapangiti na lang ako sa pag tatalo ng dalawa, na kahit ganun ang sweet tignan.

"Okay lang po iyon. Sakto lang naman ang dating niyo at mag sisimula pa lang naman po ang Party. Naroon na rin ang ibang bisita sa loob," wika ko pa. "Halika po, pasok na tayong lahat sa loob." Paanyaya ko at nauna na akong pumasok at sumunod na lang ang mga magulang ni Mark.

10th birthday party ni Steven at ginanap ang simpleng handaan sa palikuran na espasyo sa likod lamang ng bahay ko. Nag hire ako na mag decorate at organize na rin para sa ganun hindi na ako lalong mapagod pa sa pag aasikaso.

Pag dating namin sa likuran, bubunggad kaagad sayo ang magandang theme ng design na ayon sa gusto ng anak ko at mga table at chairs na naka-upo na ang ibang mga bisita.

Makikita mo rin ang mga batang nag lalaro at nag hahabulan.

Sobrang bonga at pinag handaan ko talaga ang espesyal na araw na ito para sa anak ko. Meron na buffet table para sa foods at grazing table sa isang tabi para sa mga bisita at mga bata.

Sa isang corner naman naka lagay ang iba't-ibang mga claw machines laman ng mga stuffed toys at ibang surprises na mag eenjoy ang mga bata na mag lalaro para sa ganun malibang naman sila . Meron din na mga food cart laman ng mga pagkain gaya ng poporn, desert at iba na patok sa mga bata at ilang bisita.

Maraming nag dalo na mga bisita, iilan na mga tao naroon malalapit na kakilala ko at kakilala rin naman ni Mark. May mga bata rin naman na inimbita na mga kaklase at kaibigan ng anak ko.

"Dito na lang kayo maupo." Dinala ko sila sa magandang area na malapit sa unahan na mayron na 6 seaters naman na upuan.

Umupo na ang mga magulang ni Mark at ganun rin si Jamie. "Hindi ko pa nakikita Hija ang mga magulang mo." Wika ni Dad na hinahanap ito sa mga bisitang naroon.

"Ah, wala pa po sila dito Dad. Tinawagan ko kanina si Mom at parating pa lang po sila dito kasama si Kuya Glenard." Kina tango naman ng mag asawa ang sinabi ko.

"Kaya naman pala. Eh makaka punta ba dito ang Daddy mo?"

"Hindi na siguro Mom, kasi may sakit si Dad. Baka siguro dadalaw na lang kami sakanya ni Steven bukas sa amin."

"Mabuti naman at ganun para naman makapag pahingga naman ang Daddy mo. Asan nga pala si Steven? Para personal namin mabati ang Apo namin." Wika ni Mom na hinahanap ang anak ko.

"Nakikipag laro po Mom sa mga kaibigan at kaklase niya." Tugon ko sabay ngiti at hinahanap ko si Steven sa mga batang nag lalaro medyo may kalayuan lamang sa amin. Nang makita ko kaagad ang anak ko, tinawagan at pinaypayan ko ito para lumapit sa akin. "Steven."

Nang marinig at makita ng anak ko ang pag tawag ko sakanya, nag paalam ito sa mga kalaro saglit at patakbong lumapit sa amin.

"Hi Lolo, Lola." Bati ni Steven at nag mano pa ito sa matanda at yumakap na rin. Lalong gumuwapo ang anak ko sa damit na suot nito, na mag kahawig na nga ang itsura nito sa Ama kong titignan.

The Revenge of the Battered Wife [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon