Chapter 11
MAE'S POV
"Wow asinsado kana talaga Mae, hindi ko alam na nakapag-patayo ka ng sarili mong flower shop. Hula ko regalo ito sa'yo ng mga magulang mo ano? Oh kaya naman ni Mark? Ang sweet naman niya kong nag kataon." Pinapadaanan ng tingin ng kaibigan ang mga bulaklak sa pinatayong flower shop ni Mae.
Nag-kibit balikat na lang siya sa kaibigan at manghang-mangha ang gaga niyang kaibigan. Isang taon na ang flower shop ni Mae at dinudumog pa din ng mga customer dahil sa ganda ng serbisyo at kalidad rin ng mga bulaklak.
"No, hindi nila binigay ito. Sarili kong dugo't pawis ang pinuhunan ko para makapag patayo ng sarili kong business Winnie. Kilala mo naman si Dad, hindi siya mag lalaan ng pera para suportahan lamang ang pangarap ko. Mas susuportahan niya ako kapag nag focus kami sa kompaniya."
Matagal ng retired ang ama ni Mae,mahigit ng dalawang taon na ang nakaka-lipas simula no'ng umalis sa pwesto. Dapat sana ako na ang papalit sa kaniyang posisyon, ngunit umiksena naman ang kapatid niyang si Ivonne, at sinumbong ako kay Dad. Kumalat ang eksina na nanira ako ng ibang pamilya. Galit na galit si Daddy, at binigay nitong kaparusahan sa akin, inalis niya ako sa posisyon at Ivonne na iyon, ang tumatamasang fortune na hindi dapat sakaniya.
Balang araw, babawiin ko ang para dapat sa akin, nag hihintay na lamang ako ng tamang panahon.
Okupado ang atensyon ng kaibigan na pinapanuod ang mga bulaklak at ganun din ang ibang customer. Nahagip ng mata ni Mae ang pamilyar na babae na parating, kaya't siya kinabahan. Bago paman pumasok ang babae at gumawang eskandalo sa Shopo niya, inunahan niya na ito.
"Mam Claudine," pinakita ni Mae ang matais na ngiti, para ipakita na masaya siya sa pag dating nito. Malapad at mataba ang pangangatawan nito at guhit sa lapis ang kilay nito. Para itong sinapak sa kapal ng blush on nito. Balot na balot rin nag kikinang na mga alahas sa katawan, at naka sunod sa Ginang ang naka-suit na mga tauhan nito na balbas-sarado.
"Mam Martinez, hindi ko inaasahan na dadalaw kayo sa shop ko. Bakit kayo, narito?" Tumaas ang guhit na lapis na kilay nito.
"Ako ba'y pinag tataguan mo Mae? Hindi kana ata, nag papakita sa akin. Narito ako para maninggil ng utang mo sa akin," ngumisi ang Ginang.
"Hindi mo naman kailangan na pumunta dito Mr. Martinez, babayaran naman kita. Iniipon ko naman ang pera na pang bayad ko sa'yo. Sa katunayan nga may pera ako dito, bigyan mo ako ng sapat na panahon para maka bayad sa'yo." Pagak na tumawa ang Ginang kaya't mapa-baling ng tingin ang taong dumaraan sa paligid ng shop ko.
"Huh! Nag iipon ka ng pera? Bakabarya-barya pa lang ang hawak mo ngayon Mae. Baka tirik na ang mata ko sa kahihintay, hindi mo pa rin ako mabayaran." napa-lunok si Mae na pomosisyon ang nakaka-takot na lalaki sa likuran ni Mrs. Martinez. "Umayos-ayos ka diyan Mae, baka nakakalimutan mong 20 million ang utang mo sa akin sa pag bibisyo mo sa sugal. Hindi kita mahirap pinautang dahil maayos ka naki-usap sa akin, at sana naman madali ka rin maka bayad!" anito.
"Babarayan naman kita Mrs. Martinez,"
"Mukhang maganda ang flower Shop na ito. MAE'S FLOWER SHOP!" binasa pa nito ang karatulang naka-ukit sa labas ng shop ko. "Kong hindi mo ako mababayaran ng buo sa katapusan, sapat na siguro itong Shop mo na kabayaran sa utang mo sa akin. Babalik ako Mae," hinakbang na ng Ginang ang paa paalis at pinigilan naman ito ni Mae.
"Please Mrs. Martinez, ito lang ang Shop na mayron ako. Please, maawa ka sa akin," tumingin ang Ginang sa kamay ni Mae na naka-hawak sakaniya.
BINABASA MO ANG
The Revenge of the Battered Wife [COMPLETED]
RomanceIto po yong Book 2 ng "The Dare" "Silence is not my Weakness But it is the beginning of my Revenge"- Lea Christine Sandoval Montecillo Book 1: The Dare. Still On-Going