Chapter 75
LEA KRISTINE'S POV
Hininto ko ang sasakyan sa tapat ng bahay at napansin ko kaagad ang isang babaeng naka tayo sa labas ng gate namin,suot ang simpleng kasuotan. Pasilip-silip ito pero hindi ko makilanlan kong sino nga ba talaga ito dahil naka talikod ito sa akin.
Hindi siguro napansin ng babae ang aking pag dating, kaya lumabas ako sasakyan para lapitan at alamin kong ano nga ba talaga ang sadya nito.
"Miss?" Pukaw kong tawag dito at pareho kaming dalawa nagulat nang makilala namin ang isa't-isa.
"Jamie?" Hindi ko alam kong ano ang ginagawa niya sa tapat ng bahay ko na pasilip-silip kanina pa.
"Lea," alangan itong tawag sa aking pangalan na nahihiya pa. "Nandito ka pala. Sinabi kasi sa akin ni Kuya Mark na dito kayo naka tira, kaya pumunta ako dito at nag babakasali na makita ang pamangkin ko.. Huwag kang mag-alala aalis din naman ako at hindi ako makikigul——" tangka itong lilisan na na kaagad naman akong suminggit.
"Jamie,gusto mo bang mag meryenda muna sa loob?" Ang tanong ko ang mag patigil sakanya at emosyonal ang mata na hindi siguro inaasahan na sasabihin ko iyon.
"O-Oo, gusto ko iyon." Pilit itong ngumiti pero makikita mo talaga sa mata nito ang saya sa aking pag alok.
Iniwan ko muna saglit si Jamie sa malawak na sala. Bitbit ko na ang tray lamang tray na ginawa kong meryenda sa aming dalawa at naabutan ko itong patingin-tingin sa paligid na sinusuri nito ang bahay namin.
Ito ang unang pag kakataon na maka pasok siya sa bago naming bahay at naroon ang saya sa kilos nito.
Lumapit na ako sa gawi ni Jamie at nilapag na rin sa table ang juice at cake na kaagad naman akong tinulungan nito para mailagay ko kaagad iyon ng maayos. Mag katabi kaming naupo, sa mahabang couch na dalawa at marami itong gustong sabihin at ikwento ngunit hindi nito alam kong paano sisimulan.
Matapos ang nangyari sa amin ni Mark, pinutol ko lahat ng koneksyon na mag uugnay sa aming dalawa at kasama na doon ang mga magulang nito kahit na din ang kaisa-isa kong kaibigan na si Jamie.
"Kumusta kana?" Ako na ang unang nag tanong sakanya at hawak nito ang basong may laman ng juice.
"Okay naman ako Lea, kayo ni Steven kumusta na kayo?" Matagal na kaming mag kaibigan na dalawa ni Jamie at pakiramdam ko nag simula muli ang pag kakaibigan naming dalawa na nag kita ngayon na may hiyaan at nag aalangan pa sa bawat-isa. Nawala ang saya at sabik na kwentuhan sa tuwing nag kakasama kaming dalawa ngayon.
"Okay naman kaming dalawa ni Steven." Kina tango ko naman ang sinabi nito, at nabalutan na naman muli ng katahimikan sa panig naming dalawa na pinag halong alangan at nahihiya pa na mag kwento.
Tahimik lamang si Jamie sa tabi ko at naka-yuko, hindi ko alam kong ano na nga ba ang lalaro sa isipan nito ngayon.
"Lea?" Tawag nito sa akin makalipas ng dalawang minuto na katahimikan nito sa tabi ko. "Gusto ko sanang huminggi ng tawad sa'yo, sa kasalanan na ginawa ko noon." Mahina ngunit emosyonal na sagot nito at nanatili lamang akong nakinig sa susunod pa nitong sasabihin. "K-Kasalanan ko lahat Lea, kong hindi sana kita dinare ng gabing iyon,hindi ko masisira ang buhay mo.. Hindi ka sana masasaktan ng ganito at higit sa lahat h-hindi ka sana itatakwil ng sarili mong Daddy. Sorry talaga Lea, sana mapatawad mo ako na ako sumira ng buhay at pangarap mo. Hindi ko deserve maging kaibigan mo dahil ako pa mismo ang mag papahamak sa'y——" pumatak na ang luha sa mata nito na kaagad ko naman hinawakan ang kamay nito na may daplis na luha at kirot.
"Wala akong sinisisi kahit na sino Jamie, at hindi mo rin kasalanan ang lahat ng iyon kaya huwag mong sisihin ang sarili mo." Sagot ko pa na lumalandas lamang ang luha sa mata nito.
BINABASA MO ANG
The Revenge of the Battered Wife [COMPLETED]
RomanceIto po yong Book 2 ng "The Dare" "Silence is not my Weakness But it is the beginning of my Revenge"- Lea Christine Sandoval Montecillo Book 1: The Dare. Still On-Going