Chapter 45

907 21 3
                                    

Chapter 45

Kanina pa pinapanuod ni Mark ang mga batang nag sisilabasan sa skwelahan. Aliw na aliw siyang pinapanuod ang mga batang nag hahabulan at ang iba naman sinusundo ng kanilang mga magulang.

Ngumisi na lang si Mark at hinakbang ang paa papasok ng private school.

"Good morning Mr. Montecillo," bati ng guard at tinanguan na lang niya iyon. Kilala na si Mark ng mga guard at ilang din guro sa paaralan at hindi na siya pinag babawalan na pumasok sa nasabing skwelahan kapag ginusto niya.

Luminga-linga si Mark sa paligid at pinapasadahan ng tingin ang mga batang nag silabasan sa kanilang klase. Ilang kwarto ang nag silabasan sa kanilang silid na subalit, hindi niya mahanap ang kanyang anak.
Nag patuloy lamang si Mark sa pag lalakad at una na niyang pinuntahan ang silid ni Steven, subalit wala nang tao na siya'y mabutan doon kaya't pinili niya na lang mag lakad sa labas.
Nadismaya siya na hindi naabutan si Steven; gusto niya sanang ipasyal ang anak subalit mukhang wala na ito doon.

"Huli na naman pala ako nang dating," napa-sapo na lang sa mukha si Mark. Inaasahan niya pa naman sana na makikita o kaya naman makasama ang anak pero mukhang umuwi na nga ito.

Aalis na sana si Mark na mag paagaw ng tingin sakanya na mahagip ang familiar na bulto ng tao sa hindi kalayuan na lugar.
Nakita ni Mark ang dalawang batang lalaki at mukhang binu-bully na naman ang kaklase nila.

"Freak! Freak! Freak!" Patuloy na tukso ng matabang lalaki at tinulak si Steven at bahagya naman napa-atras ito ng paa. Napapalibutan ng dalawang batang lalaki ang umaaway sa batang si Steven. "Sa susunod ng linggo ang family day natin. So pano niyan? Kayo na naman ng Mommy mo ang pupunta dito, gaya last year, kasi wala kang Daddy. Haha!"

Tahimik lamang si Steven at yakap-yakap nito ang bag; hindi magawang lumaban o kaya naman patulan ang batang nang-aaway sakanya. Kahit ganun; makikita mo sa mata ng bata na si Steven na maluha-luha na sa galit na hindi magawang maka-ganti sa nag bubully sakanya,

"Oo nga! Wala siyang Daddy,! Freak ka kasi hahah!" Tukso pa naman ng isang payat na bata na tantya na kasama ng batang mataba.

"H-Hindi totoo iyan, may Daddy ako." Iling na sambit ni Steven na mahina at basag na tinig.

"Ano ngang sinabi mo? Ulitin mo?" Tukso pa ng matabang lalaki; nilapit pa ang sarili kay Steven na tinutukso na hindi narinig ang sinabi nito.

"S-Sinabi ko may Daddy ako." Namula na ang mata ng batang si Steven samantala naman patuloy siyang pinag tutukso ng kaklase niya.

"Haha! Kong may Daddy ka. Asan siya? Bakit di namin siya nakikita? Ang Mommy at Yaya mo lang ang nag hahatid-sundo sa'yo dito dahil wala ka ngang Daddy." Tuwang-tuwa pa ang matabang lalaki na tinutukso si Steven. "Ano? Sumagot ka, diba wala naman?"

"Haha hindi kasi siya love ng Daddy niya kaya't iniwan ka niya siguro dahil freak siya." Bumilat pa ang payat na lalaki kay Steven para inisin pa ulit ito.

"Hindi totoo iyan, l-love ako ng Daddy ko. Hindi totoo ang sinasabi niyo." Anumang oras,tutulo na ang luha sa mata ni Steven.
Hindi naman dapat ang bata maapektuhan sa sinasabi ng mga kaklase niya subalit; bumabalik sa kanyang ala-ala ang pangyayari na iniwan siya ng kaniyang Ama para lamang sa totoo nitong mahal.

"Kong love ka niya, asan siya? Diba wala?
Umiyak kana freak."

"Iiyak na iyan! Iiyak na iyan! Hahaa!" Paulit-ulit na tukso ng bata samantala naman si Steven piniling yumuko na lang.

"What are you two doing?" Ang salita ni Mark ang mag patigil sa dalawang bata na nangungutya sa kanyang anak. Hindi na makapag-salita ang dalawang bata at halatang nagulat din sa pag sulpot ni Mark sa harapan nila.

The Revenge of the Battered Wife [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon