Chapter 51

677 16 2
                                    

Chapter 51

LEA KRISTINE'S POV

"Maraming salamat sa pag tulong mo sa amin. Kong wala kayo, panigurado papatayin niya kami." Emosyanal na saad ni Melissa na kaharap ngayon si Lea.
Pansin ni Lea ang panginginig ng katawan nito sa labis na takot at trauma na naranasan nito sa pangyayari na kamuntik na itong patayin ni Mae.
Mabuti na lang talaga mabilis siyang naka-kilos at nasundan ang sinasakyan nito at kong hindi; malamang natuluyan na itong napatay ng isa sa mga tauhan ni Mae.

"Gusto ko lang maka-tulong." Ngumiti si Lea nang matamis at kinuha sa bulsa ang litrato at pinakita kay Melissa ang kuha sa litrato na kuha na nag usap si Melissa at Mae sa hospital. "May konting tanong lang ako sa'yo. Nakita ko mukhang mag kakilala kayong dalawa ni Mae. Maari mo bang sabihin sa akin kong ano ang koneksyon mo sakanya?"

Alangan na tumitig si Melissa sa litrato sa harapan at maluha-luha ang mata nito. "Kapag sinabi ko ba sa'yo ang nalalaman ko, tutulungan mo ako? Maipapangako mo ba ang kaligtasan namin ng kapatid ko?"

"Oo naman." Pinunanasan ni Melissa ang daplis na luha sa mata bago nag salita. "Ako si Melissa at ang kapatid ko naman si Jeric, ang totoong Ama ni Mia." Ngayon nag karoon na nang kasagutan ang tanong ni Lea ang tunay na ama ni Mia. "Dating mag kasintahan si Mae at ang kapatid ko kaya't kilala ko din si Mae." Panimula nitong saad samantala naman si Lea tahimik lamang naka-upo at pina-pakinggan kong ano man ang sasabihin nito. "Nong naka-raang araw ko lang nalaman ang totoo na anak pala ng kapatid ko si Mia. Kong hindi nag sabi sa akin ang bestfriend ng kapatid ko na may anak sila ng kapatid ko, hindi ko malalaman ang lahat nang ito dahil mismo ang kapatid ko wala masyadong binanggit." Maluha-luha ang mata at pinunasan muli iyon. "Sa una hindi ako naniwala hangga't pinuntahan ko mismo ang silid ni Mia sa hospital at napag alaman din na may sakit ito.. Nong makita ko si Mia, masasabi ko talaga na anak siya ng kapatis ko."

"Kilala mo ba ito?" Nilabas muli ni Lea ang pangalawang litrato at kuha naman iyon na litrato sa isa sa tauhan ni Mae na si Louie. Hangga rin si Lea kong paano nagagawa ni Mae lahat ng mga kasalanan niya na ngayon may tumutulong sakanya.

Tumitig si Meliisa sa litrato at namutla ito na mukhang nakikila din nito si Louie. "O-Oo, kilala ko siya. Siya ang lalaking pumunta sa silid ng kapatid ko at tinangka niyang patayin ang kapatid ko at ako ri—-" sinapo ni Melissa ang mukha at munting hagolhol sa harapan nito.

"Siya lang naman si Louie, isa sa mga tauhan ni Mae." Namutla si Melissa sa narinig.

"Ano? Tauhan siya ni Mae?" Sinang-ayunan niya na lang ito.

"Gusto ko lang malaman kong bakit kayo sinusundan ni Louie? Mukhang napaka-babaw naman na pag tangkaan ni Mae ang buhay niyo mag kapatid kong alam mo ang totoo na anak ni Jeric si Mia. Meron ka pa bang nalalalaman Melissa?" Yumuko si Melissa at matagal itong hindi nag salita. "Pwede mong sabihin sa akin lahat, matutulungan kita. Matutulungan ko kayong mag kapatid." Unti-unting umanggat ang mukha ni Melissa at nag aalalngan pa ito sa una.

"May nalalaman pa ako," pag puputol nito. "Nabanggit sa akin ng bestfriend ng kapatid ko na si Lorraine mag kikita si Kuya Jeric at Mae, bago naaksidente ang kapatid ko. Malakas ang kutob kong pinag tangkaan rin ni Mae ang buhay ng kapatid ko, pero wala lang ako sapat na ebidensiya." Anito. "Tulungan mo ako, tulungan mo kami ng kapatid ko. Babalikan kami ni Mae at wala akong kakayanan na labanan ang isang katulad niya na ma impluwensiya samantala naman kami mahirap lamang." Anito at may kinuha sa bulsa at nanginig ang kamay nito na inabot sa akin ang business card.

"Hindi ko alam kong makaka-tulong ito pero nag babakasali ako na baka matulungan niya tayo." Kinuha ni Lea ang businesscard na inabot nito na nangangalan na Lorraine.

"Maraming salamat," ngumiti na lang ng matamis si Lea.

Matapos na pag uusap nilang dalawa ni Melissa, dinala niya ang kapatid sa isang private resthouse na walang nakaka-alam.
Isa ito sa mga pribadong lupain ni Lea at malayo ito sa syudad, wala rin nakaka-alam sa pamilya at kapatid niya na mayron siyang lupain na ganito.

"Here." Inabot ni Lea ang cellphone kay Melissa.

"Para saan ito?"

"Iyan na muna ang gamitin mo. Gamitin mo iyan na pag contact sa akin kapag kailangan mo ng tulong o may kailangan ka.. Huwag mo na munang bubuksan ang cellphone mo at baka ma-track ka ni Mae at matunton pa niya ang lokasyon niyo." Paalala niya diti.

"Maraming salamat." Anito at binalingan si Jeric na naka-himlay pa rin sa higaan. "Natatakot ako at baka mahuli kami ni Mae at saktan niya kaming mag kapati—-"

"Huwag kayong mag-alala, ligtas kayo dito. At isa pa may mga tauhan naman na mag babantay sainyo para masiguro lamang ang kaligtasan niyong dalawang mag kapatid. Pinunan ko na rin ng stocks na mga pag-kain ang ang ref at pantry para hindi mo na kailangan lumabas.. At may ig hired na rin akong nurse para time to time, may mag check ng kalagayan ng kapatid mo."

"Maraming salamat Lea. Salamat sa pag tulong mo sa amin ng kapatid ko." Naging emosyonal na naman ang mata nito.

"Gusto kong maka-tulong." Ngumiti na lang si Lea bago nag paalam kay Melissa. Lumabas na siya sa private resthouse, bago sumakay sa itim na sasakyan, may ngiti sa kanyang labi.

MAE'S POV

Simula kagabi pa hindi mapakali si Mae lalo't hindi pa rin natutunton ang mag kapatid. Wala siyang sapat na tulog, nag hihintay nang balita mula kay Louie, pero hanggang ngayon hindi pa rin siya nakakatanggap na text o tawag mula dito.

Iniisip rin ni Mae kong sino ang nag takas sa mag kapatid pero wala pa rin siyang katiting na idea na haharang sa kanyang mga plano.

"Sino kaya siya? Sino?" Aligaga na tanong ni Mae na nginangatngat na ang kuko sa takot. Narinig ni Mae ang pag tunog ng kanyang cellphone at dali-dali niya naman na sinagot ang tawag na mapag-alaman na si Louie lamang iyon.

"Hello, Louie. Any update? Nahanap mo na ba ang mag kapatid?" Iyon lang naman ang hinihintay niya na makaka-kuha siya ng magandang balita mula rito.
Hindi ako makakapayag na tuluyan na lang silang dalawa makawala at masira lahat ng aking mga plano.

"Hindi ko alam. Pero alam ko na ang posibleng tumago sakanilang dalawa."

"Sino? Sino ang hayop na kumuha kay Melissa at Jeric? Huh!" Tumaas ang boses niya, hindi na siya makapag-hintay na marinig ang sasabihin nito.

"Mabuti pang, ikaw na mismo ang umalam. May isesend ako sa'yong cctv camera." Sunod ko na lang narinig ang pag patay ng tawag at text notification na natanggap.

Binuksan kaagad ni Mae ang video clip at unang lumabas sa cctv camera na lumabas si Melissa mula sa sasakyan kasama ang lalaking mga naka-suot ng itim na panigurado ang mga lalaking iyon ang nag bugbog kay Louie. Papunta sila sa loob ng isang coffee shop.

Tumagal ang video ng ilang minuto, inaalam niya pa ang susunod na mangyayari.
Ilang minuto lang na pag dating ni Melissa sa Coffee shop, tumigil ang itim na sasakyan hindi niya malaman kong kaninong sasakyan iyon.
Lumabas sa sasakyan ang babae at naka-talikod ito. Nakuha ang ilang sides ng babae sa cctv camera at nangalaiti siya sa galit na makilala ang babae.

"Lea!"

Kitang-kita niya ang pag galaw ni Lea papasok sa coffee shop at hindi niya namalayan ang sarili na uminit ang mata sa galit.

Sinilid ni Mae ang cellphone sa bulsa at hindi na siya maka-pigil pa at tinabig niya ang mga naka-patong sa desk sa labis na galit. "Hayop! Hayop!" Dumaongdong ang malakas at matinis na sigaw ni Mae.
Hindi pa siya nakuntento at pinag babato niya lahat nang gamit niya na maka-gawa iyon na matinis na tunog at pag kabasag sa loob ng kanyang Opisina.

"Ugh!" Sigaw niya at mata ni Mae nakaka-takot na. "Hayop ka talaga, Lea! Hayop!" Naka-kuyom na ang kamao ni Mae sa galit.
Hayop ka!
Hindi ko hahayaan na sirain mo ang plano ko Lea!
Pag babayaran mong binangga mo ako!

The Revenge of the Battered Wife [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon