Chapter 71

571 19 0
                                    

Chapter 71

MAE'S POV

"Lea?" Kahit na rin ako nagulat nang makita ko si Lea sa harapan ko na may ngiti sa labi. Suot ang fiited tube red dress, at sa gilid may slit kaya lumabas ang maganda at maputi nitong legs sa suot. Hinayaan lamang nitong naka lugay mahabang buhok at sa laylayan bahagyang kinulot.

"Hi, Mae." Tinaas ang kaliwang kamay para lamang batiin ako. Hindi ko nagustuhan ang pag bati nito maski na rin ang presinsiya nito na naroon sa birthday party ni Dad. Imbes na sumagot, lumapit ako sakanya sabay hablot nang braso nito na galit na paraan para paalisin.

"What are you doing here? Umalis kana, kong sisirain mo lang ang magandang gabi na ito sa Daddy ko." Humigpit ang pag kakahawak ko sa braso nito at nanlaban din si Lea sa pag hila ko sakanya.

Hindi ko hahayaan na ang isang kagaya niya, sisirain lamang ang magandang araw na ito sa Dad ko.

"Oh my god Mae, seriously? Ganiyan kana ba ngayon mag isip?" Makatwang tumatawa itong hindi makapaniwala. "Paano mo naman nasabing sisirain ko ang gabi na ito sa Daddy mo?"

"Bakit hindi nga ba? Sa likod ng magandang mong mukha, may tinatago ka din na baho at plano. Kilala kita Lea, at hindi magandang narito ka dahil sinisira mo lang naman ang lahat kagaya ng pag sira mo sa amin ni Mark. Umalis kana, alis sabi e—-" naputol kong ano paman ang sasabihin ko nang suminggit sa mainit na tensyon sa panig naming dalawa ni Lea.

"Mae, stop it!" Ang nakakatakot na boses at ang pag dating ng bagong parating pa lang ang mag pahinto sa akin. Dumating si Mom at Dad at sa likuran nila ang tatlong matatanggkad na lalaki na hindi lamang nag kakalayo ang edad nila sa mga magulang ko. Suot ang marangya at mamahalin na kasuotan na hula ko lamang, iyon na ang mga nirerespitado na mga bisita ni Dad na mga gabi na iyon.

"Tama na nga iyan Mae,inimbitahan ko mismo si Lea mismo sa birthday party ko at huwag mo siyang bastusin." Mahina ngunit may laman na pag sasalita ni Dad na mag pahinto sa akin. Hindi ko pinakita sakanila na sa likod ng maganda kong mukha, nag kukubli ang iritasyon at galit ko kay Lea sabay kina-baling ko naman ng tingin dito na na abot taenga na ang ngiti na para bang naka hanap kaagad ito ng kakampi ng dumating pa lang si Dad.

"See, I told you," ngumiti si Lea sabay tabig na paalis ng braso kong naka hawak sakanya at wala na akong nagawa kundi maging mabait na anak sa harapan nila lalo kasama din ni Dad ang mga bisita nito.

"Sobrang saya ko at pinaulanlakan mo Lea ang imbitasyon ko na pumunta ka dito sa birthday party ko." Tugon ni Dad at ngumiti lamang ng matamis sakanya si Lea.

"Syempre naman po, hindi ko papalampasin ang gabing ito para sa mahalaga at nirerespitu na tao kagaya mo." Puri nito kay Dad na kina-laki naman ng taenga sa sinabi sakanya ni Lea. "Siya nga pala, happy birthday po, and here's my birthday gift for you sana po magustuhan mo." Lumapit si Lea kay Dad para abutin ang simple at sakto lamang na laki na regalo.

"Maraming salamat dito, Lea." Sagot naman ni Dad. Naka tayo lamang ako sa tabi ni Lea, nakikinig at nanunuod sa susunod pang mga pangyayari. Sa isang parte naman ng sarili ko, hindi ko nagustuhan ang pag imbita ni Dad sakanya at pakiramdam ko nawala kaagad ang saya sa pag dating pa lang nito.

Nahuhuli ko si Mom na tumitig sa akin, ngunit wala naman na salita na lumalabas sa bibig nito, napapansin siguro nito ang palihim na sulyap ko kay Lea na galit na paraan.

"Everyone, I would like you too meet Lea kristine Sandoval," pakilala nito sa mga kakilala ni Dad na tatlong lalaki na ngayon ko pa lang nakita. "Lea, this is Mr Gregorio Tan, Samuel Jones, at si Michael Collins." Isa-isa nitong pinakilala si Lea sa mga lalaki at kong ano ang kompaniya at negosyo na kanilang pina patakbo at lumapit naman siya dito para batiin at makipag-kamay sa mga ito.

The Revenge of the Battered Wife [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon