Chapter 73
LEA KRISTINE'S POV
"Iyong hini-hinggi ko sa'yong mga files, kailangan ko na iyon mamayang hapon." Nasa Opisina ako at kasama ang secretary, binibilin ang dapat gawin.
"Yes Mam."
"Basta maipasa mo na sa akin ang mga reports at huwag mong kakalimuta—-" hindi ko na natapos ang sasabihin at napahinto ako sa pag lalakad ng mag paagaw ang atensyon sa akin na makita ang familiar na bulto na naka tayo at bagong dating lamang.
Napa-lunok na lamang ako ng laway na makilalanlan kong sino ito.
Insoo?
Mag kaharap kaming naupo ni Insoo sa upuan sa cafeteria sa loob ng kompaniya. Bandang alas dos na nang hapon kaya wala na masyadong mga taong kumakain at bilang mo na din talaga ang naiwan doon ang ilan umiinom o kaya naman tumatambaly saglit.
Pinag lalaruan ko na lang ang kamay ko, at pinakiramdaman si Insoo na tahimik lamang naka upo sa harapan ko. Kanina pa ito tahimik simula no'ng dumating kami dito, nag hihintay siguro ng tyempo kong paano sisimulan ang pag-uusap naming dalawa.
Mahigit limang araw hindi kami nag kausap at tiba ba iniiwasan niya ako.
Ang limang araw na pag deadma at hindi pag pakita sa akin, aamin sa sarili kong nalungkot at natakot na baka hindi na kami mag kaayos pa.
Na mawala na sa akin ng tuluyan ang isang matalik at kaisa-isa kong kaibigan."Gusto ko lang sabihin sa'yo Lea na hangga ako sa ginawa mo kay Mae. Sobrang bigat na ng kaso na naka sampa sakanya at pati rin ang kanyang mga magulang, tinakwil at hindi na rin siya tinulungan." Anito. Ilang araw ng kalat na kalat sa social media at balita ang tungkol kay Mae at sa ginawa nitong krimen.
Imposible na itong maka laya at ilang taon na rin ang pinatong sa kanyang ulo na pag kakakulong ng mga pulis.
Sa aking ginawang plano, lahat sila nag kagulo.Hindi lamang sa birthday party ng kanyang Ama kundi nawindang rin ang mga naka saksi ng mga kaganapan. At ngayon, binabato na ng samo't-saring salita at problema ang kompaniya ni Mae.
Hindi na sila maka bangon na kinasasangkutan na kriminal ang taga pag mana ng kompaniya.
"Pasensiya na kong pumunta ako dito na biglaan. Tumawag sa akin ang detective kanina at ipaalam sa akin na nahuli na ng mga pulis si Louie. Siya ang tao sa likod sa pag tulong kay Mae at ilan pang mga mabigat na kaso ang sinampa rin sakanya.
"Ganun ba? Mabuti na rin iyon para panagutan nila ang ginawa nilang kasalanan." Sagot ko pa at tumitig kay Insoo. "Insoo, tungkol doon sa nangyari. Gusto ko sanang huminggi ng tawa—"
"Hindi mo kailangan na huminggi ng tawad sa akin Lea," Pag tatapos nito mg aking sasabihin. Iba rin ang paraan ng mukha nito kong paano niya ako titigan, ibang-iba na rin simula no'ng huli kami mag kausap. Puno ng aliwalas at gaan lamang ang atmosphere sa pagitan naming dalawa ngayon at wala na akong nakikitang pait at sakit. "Okay na ako Lea at huwag mo na ring isipin na galit ako sa'yo o kaya naman may hinanakit." Anito at sinandal nito ang likod sa upuan na hindi inaalis ang titig sakanya. "Pasensiya na kong iniwasan kita ng mga ilang araw at alam kong nag aalala ka. Gusto ko lang makapag isip-isip at mapag-isa kaya pinili kong hindi muna mag paramdam sa'yo.. Pinag isipan ko ang sinabi ko at hinanap ko talaga kong saan ba dapat ako lulugar sa buhay mo at ngayon alam ko na Lea." Pag bibitin nito at nahihiwagaan akong tumitig sakanya.
Bumaling ng tingin sa akin si Insoo, may bahid ng saya kong paano niya ako titigan, malayong-malayo sa emosyon na pinapakita niya sa akin noon ng mag tapat siya sa akin na tunay na nararamdaman. "Gusto kong ganito na lang tayo hanggang sa dulo na maging mag kaibigan, at sa paraan na iyon hindi ako mawawala sa tabi niyo parati ni Steven kapag kailangan niyo ako."
BINABASA MO ANG
The Revenge of the Battered Wife [COMPLETED]
RomanceIto po yong Book 2 ng "The Dare" "Silence is not my Weakness But it is the beginning of my Revenge"- Lea Christine Sandoval Montecillo Book 1: The Dare. Still On-Going