Chapter 10

5.4K 143 9
                                    

Chapter 10

MAE'S POV

Ilang beses na tinatawagan ni Mae ang numero ni Mark, ngunit hindi pa rin ito sumasagot. Pabalik-balik na si Mae sa malawak na sala, hinintay na sagutin ni Mark ang tawag.

"Pick up the phone Mark, pick up the phone." Taimtim na dasal ni Mae ngunit wala pa din. Lalo lamang siyang naiinis nag ri-ring ito sa kabilang linya ngunit hindi nito magawang sagutin ang tawag. Simula kaninang umaga huling naka-usap ni Mae si Mark at hanggang ngayon palubog na lamang ang araw, wala pa din siyang natatanggap na text at tawag nito–na hindi naman ugali ni Mark na i-ignore ang mensahe ko.
Dati-rati naman kahit abala si Mark sa ginagawa pero nagagawa pa naman ako nitong sagutin ang tawag ko kahit late na rin sa katambak na trabaho. Nitong mag daang mga araw at linggo napapansin ni Mae ang pagiging madalang ni Mark na mag message sa akin—hindi ko na lang pinapansin dahil iniintindi niya na abala lang ito sa ginagawa, pero hindi eh. Mas lalong hinahayaan kong masanay na hindi maka-tanggap ng text at tawag mula rito, doon naman lumalamig sa akin si Mark.

Napapansin ko kasi na nawawalan na nang oras sa akin si Mark.
I know para sa iba, sobrang oa ko lamang, pero hindi eh.

Ramdam kong umiiwas siya sa akin. Everytime na tumatawag at text ako wala siyang time—na dati-rati naman meron siyang oras na laanan ako ng time kahit sandali lamang.

Hindi lamang sa nagiging paranoid siya, pero iyon ang nadarama ko.

Ayaw mag isip-isip si Mae, na kong ano-ano pero malakas talaga ang kutob ko na may nangyayari.

Lalo't ngayon malayo sakaniya si Mark, na hindi niya na ito nababantayan.

"Pick up the phone Mark, pick up the phone."wala pa ding epekto. "Shit!" Napa-mura na lamang siya sa inis dahil wala na. Tuluyan ng naputol ang tawag.

"Mommy, are you okay po?" Mag mumura pa sana si Mae, bigla naman hindi natuloy nang marinig ang munting anghel na boses na anak sa likuran.

"Yes, I'm okay darling. Bakit mo naman iyon natanong?" Kinubli ni Mae ang cellphone sa bulsa at nilapitan ang anak suot ang baby blue dress na suot nito. Nag mukha pa itong maynika sa suot at kulot-kulot na buhok.

"Napansin ko kasi, parang may kaaway po kayo sa phone." Inosente nitong saad. "Naka-usap mo na po Mommy sa phone si Daddy? I miss him so much po."

"Sinusubukan ko ngang tawagan ang Daddy mo, mukhang busy siya ngayon sa work. Hayaan mo, at tatawag siya sa atin mamaya."

"Miss na miss ko na siya Mommy, kaylan po siya uuwi?"

"I dont know darling pero malapit na." Umalis si Mark sa mahalagang trabaho at kahit na rin si Mae, hindi alam ang exact date ng uwi nito. "Alam kong miss mo na rin si Daddy at ganun din ako darling.. Bakit ka malungkot? Kumusta ang pamamasyal mo kanina, kasama si Yaya Puring sa Mall?"

"Ang totoo po niyan Mommy." May pag-aalilangan sa mata nito. "Hindi naman po kami tumuloy sa Mall. Dumiretso po kami sa bahay ni Lolo at Lola and seems they don't like me po. Bakit ganun Mommy?" Nahinto si Mae sa sinabi ng anak. Tinutukoy nito ang mga magulang ni Mark.
Imbes na magalit sa trato ng mga magulang ni Mark sa aking anak–hindi na lang ako kumibo.
"I'm so sorry mommy, kong hindi ko sinabi sa'yo na pumunta doon. Huwag mo rin pagalitan at paalisin si Yaya Puring, ako po pumilit sakaniya na pumunta doon p-po." Mangiyak-ngiyak na paliwanag nito.

Sinamaan na lang ni Mae ang katulong na hindi ako magawang titigan sa mata. Alam na siguro nito ang pag-kakamali na ginawa na sundin ang anak ko.

The Revenge of the Battered Wife [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon