CHAPTER 20
LEA KRISTINE'S
Tapos na ang isang buwan na pamamalagi nila sa Cebu at heto't bumalik na ako sa Maynila. Dumaan muna ako sa kompaniya para i submit ang kailangan na reports na ginawa ko.
"Hi, Kuya." Sinalubong ko nang matamis na ngiti sa labi ang kapatid ko. Hawak ni Kuya Reynard sa kabilang kamay ang documento, at mukhang hindi na naman maganda ang mode nito.
"Asan ang tarantadong Mark na iyon? Mapapatay ko talaga siya kapag nalaman ko na lumapit ang hayop na iyon sa'yo!" Kahit mahina, ramdam ko ang tensyon na galit nito sa asawa ko.
"Relax Kuya, ang init-init naman ng butse mo. Business ang inatupag ko doon sa Cebu, hindi ayusin ang relasyon namin dalawa." Umismid lamang ito sa sinabi ko.
"Baka ibang business ang inaatupag mo." Kina-tigil ko naman sa pag lakad. "Kilala kita Kristine, at kilala ko rin ang kayang gawin sa'yo ng tarantado mong asawa.. Matagal na kitang binabalaan na lumayo sa lalaking iyon at ayaw kong malaman na may ugnayan pa kayong dalawa." Oh my god! Araw-araw niya sa akin pinapaalala ang bagay na iyon. Ay mali, hindi pala araw-araw! Kundi kapag nag kikita kaming dalawa, parati nitong sinasabi na iwasan ko na si Mark at kong ano pa man na pag babanta nito kapag nababanggit nito ang pangalan ng dati kong asawa.
Ano ako tanga, para bumalik sa hayop na iyon?
Sinusumpa ko siya!"Wala na nga kaming communication no'n, Kuya at wala na rin akong balak makipag-ayos sakaniya. Natuto na ako sa mga pag kakamali ko noon at hindi na ako mag papaka-tanga pa.." Wala na akong narinig na salita pa dito.
"Kapag may oras ka, dumaan ka sa bahay. Mag family dinner ulit tayo, isama mo na din si Steven." Tugon naman nito.
"Talaga, family dinner? Kasama ba si Kuya Glenard niyan?"
Tumigil si Kuya sa pag lalakad kaya't ganun din ako. Masama ang timpla ng mukha at galit na galit. "Isa pa ang hayop na iyon, hindi pa nag papakita sa akin! Konsintidor!" Himutok nito at bago paman ako makapag-salita iniwan na ako at nauna nang umalis.
Sandali.
What just happened?Hindi na lang ako kumibo at hinayaan ko na lang ang kapatid ko. Baka ako pa ang mapag-buntungan pa nito ng galit kapag nag tanong pa ako tungkol kay Kuya Glenard, na kahit ako walang alam kong saang lupalop na iyon ng bansa pumunta.
Nang matapos na ako sa kompaniya, dumiretso muna ako sa restaurant para bumili ng pag kain at pasalubong na rin kay Steven at pag katapos dumiretso na kaagad ako sa amin. Saktong alas singko pa lang nang hapon, hininto ko na ang sasakyan sa tapat ng bahay at lumabas na ako bitbit ang mga pinamili ko.
"Good afternoon ho, Mam Lea." Salubong ni Yaya Percy.
"Paki-dala na ito sa kitchen." Inabot ko dito ang mga pinamili ko at iba na rin na kailangan.
"Sige ho."
"Siya nga pala, asan Si Steven?"
"Naroon po siya Mam, sa likod po. Kasama niya doon si Sir Insoo po."
"Sige maraming salamat Manang." Iniwan ko na ito para pumunta sa palikuran para puntahan ang anak ko. Hindi paman ako nakaka-rating, rinig ko na ang masayang tawanan at kulitan nang dalawa mula sa likuran.
Naka-upo si Insoo sa upuan at may ginuguhit ito kong ano doon, samantala naman si Steven naka-tayo sa harapan nito at mukhang nag kakasaya nga ang dalawa dahil hindi nito napansin ang aking parating.
Sinandal ko ang sarili sa pader at may ngiti sa aking labi na pinapanuod lamang ang dalawa. Komportable at makikita mo talaga na aliw na aliw si Steven sa tuwing kasama nito si Insoo. Mapag-kakamalan mo nga talaga ang dalawa na mag-ama sa sobrang closeness nilang dalawa kapag mag kasama.
BINABASA MO ANG
The Revenge of the Battered Wife [COMPLETED]
RomanceIto po yong Book 2 ng "The Dare" "Silence is not my Weakness But it is the beginning of my Revenge"- Lea Christine Sandoval Montecillo Book 1: The Dare. Still On-Going