#4

153 10 2
                                    

WREN'S

Quarterly exams na at hindi ako masyadong nakapag-aral sa mga subjects. Nakakatamad.

Ugh, ano ba naman 'to. Si Jean-Victor ba yung gustong maging sundalo o siya yung namatay?

"Ten minutes left."

"Fuck it." Nagsulat-sulat na lang ako ng kung anu-anong sagot.


"Parang nawalan ako ng energy, ah." Ani Tristan habang kumakain.

"Grabe naman yung Filipino exams. May ibang topics na hindi naitalakay." Clyde.

"Oo nga eh, puro hula lang yung sinagot ko dun. Bahala na." Inubos ko yung juice ko.

"Hay, I feel like I'm brain dead!" Sumigaw si Cielo sa hallways.

"Brain dead? Ano ka, nagkacoma?" Humalakhak si Audrey habang kumakain ng fries.

Tumawa si Clyde habang nakatingin kay Cielo. "Cielo, nice joke!"

"Tss." Umirap siya sa kanya.

"Ohhh, badtrip." Tinawanan ko siya.

"Mga bro, alis muna ako ah." Pagpapaalam ni Tristan samin.

"Saan na naman yun papunta?" Tanong ko.

"Cutting siguro. Alam mo na, hindi iyon nawawalan ng babae."

Tsk, Tristan talaga. Exams period at gumaganyan. Makakahintay rin naman yung mga babae niya, 'di ba? Hmm, unless kung makati na talaga.


llang oras ang nakalipas at tapos na rin ang test namin.

"Yes!" Uwian na at tumakbo ako palabas ng classroom namin at nag-antay kay Tristan at Clyde.

Naghum lang ako ng isang kanta nang may dumaan na mga sophomore.

"Miss!" Pagtawag ko sa kanya. "Anong ginagawa niyo dito? Hindi pwede ang mga hindi seniors dito na floor." Pagsabi ko sa kanila.

Nagtinginan silang dalawa sa isa't isa at tumakbo yung isa.

"Alexandra!" Tinawag ng isa yung tumakbo.

"Hayaan mo na iyon. Ano bang pakay mo dito?" Tinanong ko siya pero naghesitate siyang sumagot.

"Sophomore baba na, hindi ka pwede dito." Sabi ng class president naming si Andy.

Ngumiti lang yung babae at tumakbo.

Tiningnan ako ni Andy.

"Ano?"

"Pumapatol ka sa isang second year student?" Lumaki ang mga mata ko.

"Hindi ah. Nakita ko lang siya tapos tinanong ko kung anong pakay niya dito."

"Phew!" Tumawa siya. "Tingnan mo si Audrey oh." Nginusuan niya yung direksyon kung saan kasalukuyang tumatayo si Audrey. "Galit 'ata sa 'yo." Bulong niya sa 'kin.

Nagtama ang mga mata namin ni Audrey at kay Cielo naman. Inirapan niya ako. Pumunta na lang ako kila Clyde.

Ugh, hindi ko siya matiis.

"Audrey." Napahinto siya sa pagwawalis.

" 'Wag kang mag-alala, wala lang 'yon."

"Ano bang pinagsasabi mo?"

"That girl's nothing to me."


AUDREY'S

"Woah." React ni Cielo sa pag-irap ko sa kanya. "At ngayon may pake ka na sa kanya?" Nairita ako. "May crush ka na kay Wren ano?"

"Wala kaya."

Chasing HerTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon