#50

45 1 2
                                        

AUDREY'S

Padabog kong sinara ang aklat na binabasa ko. Pinasadahan ko ng tingin ang gabundok na mga libro sa harapan ko at napahilamos na lang ako. "Audrey, focus!" I reminded myself for the nth time. Been in the library since 6AM and exams na naming sa subject na 'to this 9AM and it's already 8AM. I can't fail the pre-finals! Ulit kong binuklat ang aklat ko at nagbasa ulit. You can do this, Audrey. Kaya mo 'to, kaya. "Ugh!" Sinara ko na ulit ito. Napasabunot ako at sinubsob ang mukha ko sa aklat. Scan the information, Audrey. Sipsipin mo iyan. I can't help but sigh. I need to pass this subject. 3.0 na midterm grade ko and if I fail this exam, malaki yung possibility na hindi ako makapasok sa dean's list. Okay na talaga grades ko sa ibang subjects, ito lang talaga. Nasaan na ba sila Emma para turuan ako nito? I can't study alone. Weakness ko 'to.

"Can I sit with you?" My face turned red when I heard it. I got up and scanned the library and then looked at her.

"Sit somewhere else, Alex." Sabi ko habang umuupo ulit. Bwiset. Ang aga-aga nang-iistorbo. Can't she find someone else to bother? I avoided her eyes pero klarong-klaro sa peripheral vision ko na nakangiti lang ito sa 'kin, obviously unbothered. Can she get any faker?

"Maybe it's nice to sit and talk with you with a bit since we're friends." Friends? Friends niya mukha niya. Akmang uupo siya sa tabi ko nang tinapon ko ang bag ko sa seat na uupuan niya sana, telling her not to sit beside me. She obviously noticed the gesture doon na lang umupo sa tapat ko.

"Ba't ka ba kasi nakikipagsiksikan sa 'kin? Iyan tuloy, ang liit lang ng space mo."

She was smiling so weirdly habang inaayos ang studying materials niya. Agad napataas ang kilay ko doon. Tss. Acting innocent. Nagpapatay-malisya. Acting as if hindi niya naiintindihan yung mga sinasabi ko. "Wren has told me a lot about you." Napalunok ako nang narinig ko ang pangalan ni Wren. Hindi ako sumagot. I let her continue blabbering. "Actually, I don't even find you suplada for one bit. Ang bait mo kaya! Medyo moody nga lang." I played with my pen acting like I was studying. Go on, Alex. Let's see kung matitiis mo pang makipagplastikan sa 'kin. "You know what? I really wanted to befriend you noon pa. I was actually happy when I found out that you're Wren's girlfriend pala... wait, ex-girlfriend.-"

"Tapos ka na?" She stopped rummaging. "Ako naman." Humalukipkip ako at tinaasan siya ng kilay. "O, ba't ka nanginginig d'yan? Wait, nakalimutan kong hindi ka pala masyadong nagtatagalog. What are you so nervous about, Alex? Make kalma your shoulders naman. It's so obvious na kinakabahan ka. Gumana ba conyo ko? Did I perfectly do it? Whatcha say?" Hindi siya makatingin nang diretso sa 'kin ngayon. I smirked at the sight. "Akala mo siguro madadala mo ako ngayon sa bait-baitan mo, ano? Tss. Magworkshop ka muna, ang panget ng acting mo." Umiiwas pa rin ito ng tingin sa 'kin at walang planong tumingin ito sa 'kin any minute now. "Saang banda ba ng pagiging couple namin ni Wren ang hindi mo maintindihan? At nakipagsiksikan ka pa talaga? Kapal rin talaga ng mukha mo, ano"

"But you're now over-"

"Nang dahil naman sa 'yo. Magtatagalog na ako para dumugo iyang ilong mo at mas pumangit ang mukha mong nakabusangot kasi hindi mo ako maiintindihan ngayon. Makinig ka nang mabuti, Alex. Kung mahal mo nga si Wren, paghirapan mo siya. 'Wag yung nang-aakit at naninira ka. Bukod-tangi siya. Hindi mo siya basta-bastang makukuha gamit ang katawan mo. Pagmamahal ang kailangan niya, hindi landi. Alam kong ikaw yung laging nagpapadala ng mga letters kay Wren-"

"Wait, how did you?" I have never wanted to smash someone's eyeglasses until now!

"Ako muna sabi." Napasinghap ako at umirap. "Kahit anong padala mo sa kanya, hindi niya iyon papansinin kasi ako ang mahal niya. Kahit wala na kami, ako pa rin ang mahal noon. Kaya kung maari lang, kung ayaw mong masaktan, lumayo ka na sa kanya. Anong silbi pa ng paglandi mo? Hindi mo rin naman siya makukuha dahil doon."

Chasing HerTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon