WREN'S
Nagkatitigan kaming dalawa. Okay, why is she here? Bakit pa siya dinala ng dalawang unggoy dito. Kainis. Hindi pa ako makaget-over sa nangyari kanina sa practice room at ngayon nakikita ko na naman ang mukha niya. Naloko na.
"Tigil na nga iyan! Magsimula na tayo!"
Bwisit.
"One, two, three!"
AUDREY'S
"Woah!" Pumalakpak si Cielo. "Si Clyde ang vocalist niyo?"
"Back-up lang ako! In case masisira boses niya on the day."
Pinagmasdan ko lang si Cielo na lapad ang mga ngiti habang tinatanong ang banda nila Wren tungkol kay Clyde. Ngumingiti lang siya nang ganyan kapag may napupusuan. Could it be... Clyde?
"Hindi ba sumasakit ang panga mo sa kakangiti? Grabe kanina pa 'yan."
"Huh?" Napansin niya akong nagsalita. Sobrang pula ng mga pisngi niya kaya umiwas lang siya ng tingin at mahinang tumawa. "Masaya lang ako, ano ka ba?"
As if I would buy that.
"Eh ikaw Wren?"
Nagulat siya at biglang nagkasalubong ang mga mata namin.
"Lead guitar lang. Ayokong kumanta." Tumahimik siya ulit.
Dahan-dahang tumabi si Clyde sa kanya at inakbayan siya na ikinagulat na naman niya. Ang cute niya pag nagulat. Biglang lumalaki yung mata tapos nagwewave yung buhok niya. Pero may close friends bang ganyan? Jan wasn't like that to me before.
"Medyo hindi po pleasant ang boses niya pag kumanta so Audrey," Tiningnan ako ni Clyde sabay sabi, " 'wag kang madisappoint. I know you girls like a guy who sings good." Tiningnan niya naman si Cielo at kinindatan siya. "Right?"
Inirapan ko na lang sila. Ewan ko sa kanilang dalawa. Grabe ang harutan.
"Practice na tayo ulit! Tapos na break!" Pumalakpak si Tristan at kinuha ang mic.
"So siya pala ang vocalist." Sabi ko sa sarili ko.
I'm an angel with a shotgun, shotgun, shotgun,
An angel with a shotgun, shotgun, shotgun
Tiningnan ko si Cielo nang si Clyde ang unang kumanta. Sinundot ko siya sabay sabi, "Hinay-hinay lang d'yan."
"Ano bang pinagsasabi mo? Ang weird mo ngayon ah." Inirapan niya ako.
Napatawa na lang ako sa inaakto niya. Bisto ka na Cielo. You like Clyde.
Get out your guns, battles begun,
Are you a saint, or a sinner?
If loves a fight, than I shall die,
With my heart on a trigger.
Maganda naman pala boses ni Tristan. Medyo high-pitched pero manly pa rin naman pakinggan.
They say before you start a war,
You better know what you're fighting for.
Well baby, you are all that I adore,
If love is what you need, a soldier I will be.
Wow, ang ganda ng kanta. Sino kaya ang kumanta nito?
I'm an angel with a shotgun,
Fighting til' the wars won,
I don't care if heaven won't take me back.

BINABASA MO ANG
Chasing Her
Teen Fiction[HER SERIES: WREN] Wren has been in love with the same girl for three years and has been pursuing her since they were in the first year of high school. Ever since he decided to chase Audrey, he never gives up despite getting rejected thousands of ti...