AUDREY'S
Lumipas ang isang linggo mula noong nagtapat ako kay Wren. Ewan ko kung ano ang nangyari. Lumalayo siya sa 'kin. Iniiwasan niya ako. I thought what I did was right. Was I really that late?
"Gatchalian."
Ugh! Araw-araw ko na lang tinatanong ang sarili ko tungkol sa kanya. Ano ba Audrey! Klarong-klaro naman iniiwasan ka ni Wren 'di ba? He's trying to move on. Ayaw na niya sa 'yo. Maghahanap na siya ng iba.
"Audrey."
Ano bang gagawin ko? Naguguluhan na ako. Parang gusto ko na ring kalimutan ang nararamdaman ko na hindi. Ang labo. Sobrang malabo. Pero kung aatras ako mas masasaktan lang ako, 'di ba? Pero kung susugod ulit ako hindi ba sasaktan at sasaktan ko lang ang sarili ko dahil lumalayo siya sa 'kin?
"Audrey Gatchalian!"
"Sir!"
"I called you a lot of times. Better focus. I'll only discuss this topic once and give you a test after. 'Wag mong inganga iyang bibig mo." Eh?
"Okay."
Lecheng Keith. Sobrang panira sa moment ko. Grr! Isa pa ito eh! Araw-araw na lang pumepeste sa 'kin. Sa nakalipas na linggo lumalapit ulit siya sa 'kin. Dumidiskarte. Binibigyan ako ng kung anu-ano. Pagkain sa tuwing magrereklamo akong gutom ako. Tinuturuan ako ng math kahit hindi ko naman tinatanong. Palagi siyang andun sa 'kin kapag nahihirapan ako.
Parang si Wren.
"Hoy! Anong nangyari sa 'yo Napahiya ka tuloy sa harapan ng love mo." Inirapan ko na lang si Cielo na pumuputak na naman. "Alam mo ba kanina?"
Tiningnan ko siya. "Hindi." Hindi ba obvious na hindi ako interesado sa mga sinasabi niya?
"Noong pinahiya ka ni Keith, nagsmirk si Wren."
"Oh tapos?" Psh.
"Iyon lang."
"Nakakainis. Nabadtrip ako sa ginawa niya. Pinahiya ba naman ako." Pagdadabog ko sa upuan ko.
"Audrey!"
"Oh ayan na naman savior mo."
"Savior na nagpahiya sa 'kin." Inirapan ko na lang siya nang naramdaman ko ang presensya ni Keith. "Oh ano na naman ang pakay mo?"
"Snacks." Nilapag niya ang burger at iced tea sa desk ko at tuluyang umalis. "Cielo, sa 'yo iyan, kainin mo."
Tiningnan naming dalawa ni Cielo ang pagkain at tumingin ulit sa likuran ni Keith na naglalakad palayo sa aming dalawa.
WREN'S
Tinitigan ko siya hanggang sa nakalabas siya sa classroom namin. Psh. Alam ba niyang bawal ang pagpapapansin sa mga estudyante dito?
"Oh, Wren!" Lumapit siya sa 'kin.
"Ano?"
Halata bang pinakikisamahan ko lang itong si Keith?
"Can you give me a list of the students in your classroom tapos yung pictures nila?"
"Kailan ang deadline?"
"Bukas." Tinanguan ko lang siya. Bigla siyang bumulong sa 'kin at nagsabi, "Next time, talk to me formally. I'm older than you."
Kainis. Hinead to toe ko siya habang naglalakad siya palayo sa 'kin. What a teacher. Psh. Pumasok na ako sa classroom at iniwan sina Tris at Clyde at nagtulug-tulugan. Nakakainit sa ulo si Keith Ocampo. So what kung mas matanda siya sa 'kin?
BINABASA MO ANG
Chasing Her
Teen Fiction[HER SERIES: WREN] Wren has been in love with the same girl for three years and has been pursuing her since they were in the first year of high school. Ever since he decided to chase Audrey, he never gives up despite getting rejected thousands of ti...