#11

112 5 10
                                    

AUDREY'S

Ilang linggo ang nagdaan magbuhat noong nagkasagutan kami ni Wren at nasabi niyang susuko na siya, noong nalaman ko na mahal ko na pala siya. Ngayon, halos hindi na niya ako pansinin. Wala na talaga. He gave up on me.

Ang ginaw. Hindi masyadong mainit ngayon kaya relax lang ako sa paglalakad. Naging mabilis ang recovery ko kaya nakakalakad na ako nang maayos ngayon. Maaga pa naman kaya hindi ako dapat magmadali. Habang naglalakad, may nakita akong anino ng ibang tao sa likod ko. Nilingon ko ito at—

"AHHH!"

"AHHHHHH!"

Iminulat ko ang mga mata ko at nakitang si Clyde lang pala iyon.

"Tss." Nagtuloy ako sa paglalakad.

"Nagulat ako nun ah."

"So?"

"Wala lang. Nagulat ka rin." Hindi ko siya pinansin. Walang katuturan naman ang pinagsasabi nito eh. "It's unusual."

"Unusual?" Nilingon ko siya. "Tao rin ako ano. I too can feel something."

"Nahiya naman ako sa you can feel something mo." Nagsmirk siya na ikinairita ko.

"Ano?!"

"Sabi ko, nahiya ako sa kagandahan mo."

Ugh! Wala siyang kwentang kausap. Grr. Lumingon ako ulit sa harap at naglakad palayo sa kanya. Nagmamadali na ako. Ayoko nang maglakad patungong eskwelahan kung makakasama ko lang itong pilosopong ito. Nakakasira ng mood.


"Good morning, Mr. Ocampo!" Nakita ko yung adviser namin na kasama..... siya?

Keith? Keith Ocampo?

Dahan-dahan akong naglakad at tiningnan kung si Keith ba talaga iyon. I kept calm while doing it kahit kinakabahan na talaga ako. Bigla siyang lumingon sa likod na ikinagulat ko.

It's really him.

Pero, 'di ba dapat third year pa lang siya sa college ngayon?

"Audrey!" Nagulat ako ng sinigaw ni Cielo ang pangalan ko.

"Ano ba?!" Isa rin 'to. Nakakairita.

"Keith's here."

Nagsimula na akong maglakad. "I know. So?"

"What are you gonna do?"

Huminto ako at tiningnan siya bago naglakad ulit. "Wala."

"Tss, hindi mo naiintindihan." Kinaladkad niya ako sa pinakamalapit na bench malapit sa gates. "Now that Keith's here, and you're in love with— oops, speak of the devil."

Agad lumipat ang tingin ko kay Wren na nilagpasan lang ako.

"So yeah, he's here and you're in love with Wren, anong gagawin mo?"

Tinaasan ko siya ng kilay at umirap. "Wala nga akong gagawin."

Hinarap niya ako. "Chase Wren." Napatayo ako sa sinabi niya. "Chase him before it's too late."

"Are you crazy? Me? Chasing Wren?" Umiling-iling ako. "That's out of this world. Hindi ko iyan magagawa. Ano ako, desperada?"

"Aba at nagrereklamo ka when in fact, you've been desperate for Keith two years ago. Hindi mo ba natatandaan?"

Tiningnan ko siya. "Natatandaan ko pero bakit ko naman hahabulin si Wren? It's not like Keith's here for me. He's here to work, Cielo. 'Wag mo ngang bigyan ng malisya?"

Narinig kong nagbell at tumayo na siya. "Pag-isipan mo muna Audrey." Naiwan akong nakatayo doon.

Should I really.... chase Wren?

Chasing HerTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon