#44

24 1 0
                                    

TRISTAN'S

At andito na naman ako sa building nila Audrey, nagtatanga-tangahan. Nagdadala ng bulaklak na ibibigay ko kay Grace mamaya. Masaya din naman palang isang babae lang yung aatupagin mo. Ngayon ko lang narealize. Mas hassle pala pag marami kang babae. Ewan ko ba kung bakit ko ginagawa 'to. Naeenjoy naman ako, naninibago nga lang.

But one thing's for sure, hindi ko siya gusto.

"Para kay Grace na naman ba iyan?" Nagulat ako sa biglang pagsulpot ni Audrey sa harapan ko.

"Hindi, para sa 'yo." Abot ko sa kanya na binalik naman sa 'kin.

"Hindi pa patay si Grace, Tristan. Excited ka eh."

"Ang sama mo talagang magsalita." Sinundan ko lang siya na naglalakad patungo sa usual spot nilang tatlo. "Nasaan ba siya?"

Hindi na niya ako sinagot at nagpatuloy sa paglalakad. Ang suplada pa rin nito. Hinayaan ko na lang siya na mag-aral habang hinihintay pa rin si Grace. Pinagmasdan ko siya. Hindi ko 'to nakikitang nag-aaral noong high school eh. Iba ka rin Wren.

Speaking of him, nasaan na ba iyon? Hindi ko na siya halos nakikita na kasama si Audrey. Ang weird lang. Lagi iyong nakadikit sa kanya matapos nilang mag-away. Tapos ngayon MIA na.

"Ba't lagi ka na lang mag-isa? Nasaan ba si Wren?" Huminto siya sa pagbabasa at tiningnan ako nang masama. Naiinis kasi iniistorbo ko.

"Ewan ko doon. Laging nagreresearch sa lib."

"Ba't di ka niya kasama?"

"Tumahimik ka na nga lang." Inirapan ako nito at nagbasa ulit.

Inis na inis siya kay Wren. Halata naman. Ang mapride talaga ng babaeng 'to. Kung gusto niyang makasama si Wren, sabihin niya sana. Hindi yung nagpapamiss siya. Ito rin namang si Wren, medyo nakalimutan na may girlfriend siya. Sobrang abala sa pag-aaral. Bisitahin niya sana, may Adrian nang umaaligid eh. Baka matangay pa 'to sa kanya. Sigurado din naman akong hindi iyon magpapadala doon sa babaneg nagkakandarapa sa kanya. Ilang babae na ang nagkagusto sa kanya sa Saint Bernard's pero ni isa, hindi niya ini-entertain. Nakapriority na sa kanya si Audrey eh.

And here goes the beautiful girl. Inabot ko agad-agad sa kanya ang mga bulaklak. Nagulat siya pero tinanggap niya rin naman. Cute niya talaga.


WREN'S

Humikab ako nang matapos ko ang pagrereview. Pinapagod ko na lang sarili ko dito sa university para pag-uwi ko, matutulog na agad ako. Nahihirapan pa rin akong mag-adjust sa college life. Sobrang iba sa nakasanayan ko noong high school eh. Shet, 6PM na pala. 30 minutes na lang at matatapos na yung klase ni Audrey.

Naglakad-lakad ako sa malapit sa stadium. Katabi rin naman nito yung building nila Audrey so madali ko lang siyang makita. Ang bagal naman talagang tumakbo ng oras kapag may hinihintay ka. Sakto na muna 'tong tubig sa gutom ko ngayon. Magdidinner na lang kami ni Audrey mamaya.

"Wren!" Hinanap ko yung tumawag. Sigurado akong hindi iyon si Audrey. Hindi niya kaboses. "Wren." Nagulantang ako nang nakita ko si Alex paglingon ko.

"Ikaw pala." Tawa-tawa ko. "Gabi na ah, may klase ka pa?"

"Didn't I tell you na nasa volleyball varsity ako? May training kami today." Inunat niya yung mga braso niya at nakangiti sa 'kin.

"May trainings pala kayo, ba't andito ka sa labas?" Ilang beses na kaming nagkausap ni Alex pero naiilang pa rin ako sa kanya.

"Naaawkward ka yata, sorry. Ang boring ko kasing kausap." Nginitian ko na lang siya.

"Alex, hinahanap ka na ni coach!— Oh." Nagulat yung lumabas niyang teammate niyang nakita niya ako. "Balik na lang pala ako."

Hinigit niya yung braso ng kaibigan niya at inilapit sa 'kin. "Daisy, si Wren. Close friend ko." Kakaway sana ako nang dumikit si Alex sa 'kin.

Patay 6:35 na. Kailangan ko nang makaalis dito. "Ah sige Alex, I need to go."

Kumunot ang noo niya at nagpout. "Really? Okay, take care!"

Kinawayan ko na lang siya habang tumatakbo papunta sa building ni Audrey. Tsk. Madalas na lang nga kaming nagkakasama, late pa ako. Baka magalit na naman iyon. Ayokong mag-away kami ulit.

Huminto ako sa pagtakbo nang nakita ko si Audrey na tahimik na nakaupo sa hagdan at parang malapit nang makatulog sa pagod. Tinabihan ko siya at tinitigan siya nang ilang minuto. Ang ganda-ganda niya. Ang ganda niya kahit mataray siya. Ang ganda niya kahit ang KJ niya. Ang ganda niya kahit masama niyang magsalita minsan. Iilan lang talaga ang makakita ng kabutihan sa mga ganitong babae eh. Masaya ako na isa ako sa mga nakakakita noon kay Audrey.

"Tunaw na ako, ano na ang gagawin mo ngayon?" Natauhan agad ako at umiwas ng tingin sa kanya. Nakakahiya. "Tara na. Gutom na ako."

Ayun, iniwan na naman ako buti na lang nahabol ko. Gutom na siguro 'to. Wala sa mood eh.


"Nakauwi ka na pala." Nagulat ako nang biglang nagpakita si ate Chris habang sinasarado ko yung pinto.

Tinanguan ko na lang siya at umakyat na sa taas. Pagod ako at naguguluhan. Muntikan na naman kaming mag-away ni Audrey kanina. Akala ko gutom lang iyon pero talagang wala siya sa mood. May problema ba siyang hindi sinasabi sa 'kin?

"Hindi ka man lang ba kakain?"

"Tapos na." Bumuntong-hininga ako at pumunta sa kwarto ni mama.

Nadatnan ko si mama na nagbabasa lang ng aklat habang nakahiga. Wala pa si ate Ianne. Isang buwan na ang lumipas noong nalaman namin na may sakit si mama. Leukemia. Simula noong nadiagnose siya, sa kwarto niya na natutulog si ate. Matigas ang ulo ni mama eh. Ayaw pa magpaospital. Pero nag-uundergo na siya ng chemotheraphy. I hope everything goes well. Hindi ko alam kung kakayanin ko bang makabangon ulit kapag nawala si mama.

"Kumusta ka ma?" Tinabihan ko siya matapos akong magmano. Tahimik niya lang akong tinitigan at nginitian. Inayos niya ang buhok kong magulo dahil sa traffic. Ewan ko. Parang naiiyak ako. "Ma, wala namang ganyanan."

"Inaalagaan lang kita. Hindi ka na kasi nakakatulog. Tingnan mo iyang eyebags mo. Wala iyan noong nasa highschool ka pa. Magpahinga ka na." Tumulo na tuloy luha ko. Ayokong umiyak nang nakikita ni mama lalo na ngayon na sa amin siya humuhugot ng lakas. "Tahan na. Hindi naman ako mawawala. May malaking chance pa naman." Niyakap niya lang ako habang patuloy ako sa pag-iiyak.

Naramdaman ko na rin na sumali sa yakapan si ate Chris. Takot lang talaga ako. Hindi pa pwedeng mawala si mama eh. Dapat andoon siya sa kasal naming tatlo, sa graduation namin ni ate Chris. Dapat andoon siya kapag manganganak ni si ate Ianne dahil walang gagabay sa kanya bilang ina. Dapat andoon siya sa kasal namin ni Audrey. Hindi pwedeng wala siya sa mga espesyal na mga araw ng buhay namin.


"Ang bilis mong lumaki, muntikan ko nang makalimutan na bunso ka namin." Inabot ni ate sa 'kin ang basong gatas ang laman.

Gatas na naman. "Hindi na ako bata para maggatas."

"Wala namang age limit iyan eh. Ang OA mo lang kasi. Hindi rin kita paiinumin ng kape. Narinig mo naman si mama kanina, 'di ba? Dapat kang matulog. Abalang-abala ka sa pag-aaral eh. Ibalance mo naman paminsan-minsan." Umiling na lang ako at tumingala sa langit. Bumuntong-hininga ako. "Spill."

"Ha?"

"May problema ka eh, halata d'yan sa mukha mo oh. Spill nga."

"Bumuntong-hininga lang ako may problema na agad?"

"Ako pa talaga yung niloloko mo?"

Huling beses na andito ako sa balcony ay si ate Ianne siguro yung kasama ko? Ewan. Basta tanda ko pinag-uusapan din namin si Audrey noon.

Hay, ang kulit niya talaga. "Si Audrey kasi biglang nanlalamig eh hindi ko naman alam kung anong ginawa ko."

Humalakhak lang siya at inubos muna ang tsaa niya bago ako sinagot. "Kayo talagang mga lalaki, ano? Ang slow niyo rin."

"Ano?" Kaya ayokong makipag-usap sa kanya eh. Ang labo.

"May kasalanan ka doon. Pag-isipan mong mabuti kung anong pinaggagawa mo sa SYU. I'm sure isa doon ang dahilan kung bakit iyan nanlalamig sa 'yo."

Kumunot ang noo ko at sinamaan siya ng tingin. Ewan ko sa kanya. Mas nainis tuloy ako.

Chasing HerTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon