#30

62 3 3
                                    

CIELO'S

"Cielo?" Nagulat ako nang may tumawag mula sa likuran ko kaya nilingon ko ito.

Bwisit. Sana di na lang ako lumingon.

"Clyde?"

Nagtitigan kami nang ilang minuto bago siya lumapit sa 'kin at hinatak ako palabas ng mall.

"T-Teka, uuwi na ako!" Nagpumiglas ako sa kanya.

Ano ba 'tong nangyayari? Sinusundan niya ba ako? Ba't ba ako natunton nito? Saan niya ako dadalhin? Naguguluhan ako.

"Clyde! Saan mo ba ako dadalhin?" Pilit ko pa ring kumawala sa pagkakahawak niya ngunit 'di ko magawa. Bakit ang lakas nito?

"Tumahimik ka na nga lang!" Tumaas ang boses niya habang lumilingon sa 'kin.

Nanlaki ang mga mata ko sa inasta niya. "At anong karapatan mong pagtaasan ako ng boses? Ikaw na nga 'tong may atraso sa 'kin, ikaw pa may ganang magalit! Bitiw nga!" Hinampas ko siya ng mga pinamili ko at dali-daling lumayo sa kanya nang nakabitiw ako sa pagkakahawak niya.

Bumuntong hininga siya at ginulo ang buhok niya. "Please, Cielo. Sumunod ka na lang." Naglakad na siya uli.

Tiningnan ko ang likod niya at napasimangot. Kung hindi niya talaga ako dadalhin sa isang restaurant, baka mapatay ko siya. Gutom na gutom na talaga ako.

"Hindi dapat inaaway ang babaeng gutom!" Umirap ako at padabog sa sinundan siya.


Mabuti na lang at hindi niya kinalimutan ang masasaya naming mga araw. Nahalata niya sigurong gutom na gutom na ako kaya dinala niya ako...... sa isang sosyal na restaurant.

"Thank you ah." Kain lang ako nang kain habang siya naman... pakape-kape lang. Alas dos na kasi. Late brunch na 'to. Susulitin ko na. Sino ba namang aayaw kapag ikaw na yung nilibrehan, 'di ba?

Ilang minuto ring tahimik ang table namin. Walang imikan. Ewan ko sa kanya. Ang pagkain lang talaga ang pinagtutuunan ko ng atensyon sa ngayon. Ayaw ko pa rin siyang makausap nang masinsinan. Mas mabuti nang ganito. Ayoko rin namang malaman ang totoo eh.

Kung gusto niya ba ako..... o hindi.

"Uy." Ayun, umimik na.

"Uy ka rin." Tinapos ko ang pagkain at pinagdiskitahan ang blueberry cheesecake na kaseserve lang.

"May sasabihin ako sa 'yo."

Napatingin ako sa kanya habang pasubo ng cake. "Patapusin mo muna ako nito ah. Pause."

Bumalik ako sa pagkain ng cake. Napansin kong ilang beses na siyang bumuntong hininga at parang hindi siya mapakali.

Sasabihin na niya sigurong hanggang friends lang kami. Okay lang naman eh. Okay lang naman talaga. Kayang-kaya kong magpanggap na parang walang nangyari. Para iyon lang? Tss, chicken!

"Tapos ka na, Cielo?" Nabilaukan ako nang bigla siyang nagsalita.

Dali-dali kong ininom ang juice at nagbigay ng go signal sa kanya na magpatuloy.

"Nakakainis ka eh!" Tinaasan ko siya ng kilay habang patuloy pa rin na iniinom ang juice. "Gusto kita."

Nasamid ako. Umubo ako nang umubo. Ano ba 'tong pinagsasabi niya?

"Sinungaling." Tinitigan ko siya sa mga mata.

Dahan-dahang siyang sumimangot habang tinitingnan ako. "Oo, palabiro ako. Lahat na lumalabas sa bibig ko ay puro biro. Lahat joke. Pero yung sinabi ko kanina, hindi... hindi...ugh!" Napakamot siya sa ulo niya. "Ang hirap naman nito!" Humigop muna siya sa kape niya bago magpatuloy. "Basta yung sinabi ko kanina, hindi biro iyon! Hindi birong gusto kita!" Napatayo siya matapos isigaw sa buong restaurant ang sinabi niya.

Chasing HerTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon