#53

35 1 1
                                    

WREN'S

Tumahan na si Audrey sa pag-iyak at ngayo'y yakap-yakap ko na. Nakahiga lang kaming dalawa sa kama ko habang hinihimas ko ang ulo niya, pinapakalma siya. Nagpanic attack na naman siya. Lagi siyang naooverwhelm sa feelings niya at minsan nahihirapan na siyang magcontrol. Hay.

Medyo madilim ang kwarto ko at ang lamp lang sa gilid ang tanging ilaw namin ngayon. Alas otso na pala. Nakapikit siya ngayon at sumasandal sa braso ko.

"Tulog ka ba?"

Naramdaman ko siyang umiling.

"Okay ka na?"

Tumango lang siya.

Mabuti naman. Inayos ko ang buhok niya at hinalikan ang noo nito. Nakita kong kumurba ang mga labi niya bago umupo. Kay ganda naman.

Sumandal kaming dalawa sa headboard at sabay na tiningnan ang litrato naming dalawa noong high school. Nagkatinginan kami at agad tumawa.

"Ang panget mo." Aniya.

"Mas panget ka."

"Ang gulo kaya ng buhok mo d'yan. Halatang hinabol mo talaga ako para magpapicture."

"Buhok mo oh parang witch!"

"Sama mo!" Nanghahampas na naman.

Agad ko siyang niyakap para matigil siya paghahampas sa 'kin. Akala niya siguro maiisahan niya ako. Nagpumiglas pa siya pero mas hinigpitan ko ang yakap ko kaya ayun, sumuko at tumigil na lang. Ang cute niya talaga. Pinasandal ko lang siya sa balikat ko habang nakatitig pa rin kami sa litrato sa table ko.

Paano niya ba napapagaan ang puso ko sa isang ngiti lang? Paano niya ako napapakalma sa tuwing umiinit ang ulo ko o sa panahong malungkot ako? Sa tingin ko parang magic yung ginagawa niya eh. Walang mintis at laging umeepekto.

Tiningnan ko siya. "Seven years from now, ano kayang mangyayari sa ating dalawa?" Napansin kong kumunot ang noo niya at nag-isip-isip. "Tayo pa rin sana."

Napangiti naman siya sa sinabi ko. "Magbabakasyon tayo tapos isusurprise kita. Simple lang pero memorable. Yung tipong tumatatak—"

"Let's not talk about the future, Wren." Nagulat ako.

Biglang nag-iba yung atmosphere sa kwarto. Kinakabahan tuloy ako. Para kasing may pinapahiwatig siya?

"Natatakot kasi ako na baka hindi magkatotoo lahat, baka ma-jinx."

Napatango na lang ako. Tama rin naman siya. Natakot rin tuloy ako. Baka ma-jinx nga.

"Cheer up, ano ba! Hindi ako nananakot." Inayos niya ang buhok ko habang ang isang kamay niya'y nakahawak sa mukha ko. "I love you, Wren. Hinding-hindi na ako mang-iiwan. I promise you."

"Promise?"

"Promise nga."

Sobrang lapit na ng mukha namin ngayon. Teka, hindi ako mapakali. Yung puso ko hindi mapakali! Ano bang nangyayari? Ilang beses na naming ginawa 'to, ilang beses na kaming nagkiss pero bakit kinakabahan pa rin ako? Bakit parang first kiss pa rin yung feeling ko?

Takte, hindi pa rin ako nasasanay. Lumipat ang tingin ko sa mga labi niya. Medyo nawawala na yung lipstick sa lips niya. Lumilitaw tuloy yung natural pink lips niya. Wait, ang hirap pigilan 'to!

Wren, kalma. Ilang beses na kayong nagkiss ba't nagfifeeling virgin ka? Ang pabebe? Hindi ka naman babae.

"Kanina ka pa ah." Natauhan ako nang humalakhak siya. "What's bothering you?"

"I wanna kiss you." Wait. Hala.

Napanganga si Audrey sa sinabi ko. Nakakahiya.

"What's stopping you?"

Napapikit na lang ako sa hiya. Ako yung dapat nag-iinitiate ng kiss eh. Ako yung dapat gumagawa ng moment. Pati ba naman kiss kahit kami na eh natotorpe pa rin ako?

Hindi ko na talaga alam— alam.... Ano nga iyon? Napakagat ako sa labi ko. Hinalikan niya. Teka, nagblack-out ako bigla.

"Nakakasira kasi sa mood pag lagi kang nagtatanong. If you wanna kiss me, then do it. Nararamdaman mo naman siguro yung tension, hindi ba?"

Hindi na ako nakapagpigil pa. Hinalikan ko na rin siya. It didn't take long for her to respond. Her lips were soft. Very soft. Damn. All I can think of is kissing her all night. Normal ba 'to?

Lord, magkakasala na ba ako?

Mas naglapit pa ang katawan naming dalawa. She rested her arms on my shoulder and started touching my hair. Mas lumalim pa yung paghalik niya sa 'kin. Pumaibabaw siya at mas dumiin pa sa 'kin. It didn't take too long for me to realize what I was doing. Naestatwa tuloy ako. Tiningnan ko siyang naguguluhan. Shit, what did I just do?

Napahilamos ako at kumaripas patungong bathroom. Nilock ko ito para hindi na siya makapasok. Hindi ko mapigilan ang pagkabog ng dibdib ko. Hindi ko iyon dapat ginawa. Foul iyon eh. Foul, Wren!


"Pare, ba't mo hininto? Iyon na iyon eh!" Sigaw ni Tristan sa kabilang linya.

4 AM na at hindi pa rin ako makatulog dahil sa nangyari kanina. Hinatid na lang ni ate Ianne si si Audrey. Hindi na talaga ako lumabas ng bathroom dahil sa hiya. Sigurado akong nagtatampo iyon sa 'kin. Hindi kasi nagtext o nagchat. Ano na lang ang ihaharap ko sa kanya sa monthsary namin?

"Mali kasi! 'Wag mo nga akong itulad sa 'yo."

"Wren, the fact na hindi siya nagreact sa ginawa mo means ginusto niya rin iyon."

"Still, hindi pwede iyon."

"Consent niya yung kalaban mo, 'di ba? Balik nga tayo sa sinabi ko kanina—"

"Oh, ano naman doon?"

"Patapusin mo nga muna ako, bwiset." Umiinit na naman ulo nito.

"Pre, yung usok galing sa ilong mo umabot na dito."

"Sige magjoke ka pa. Tsk, kainis."

Tumawa ako. Kalalaking tao, ang pikon talaga. Ano bang maeexpect ko kay Tristan? Given na na palaging mainit yung ulo nito.

"Going back, 'di ba hindi siya nagreact sa ginawa mo? Iyon yung consent na hinahanap mo, gentleman! OA mo, para kang babae. Pinapatuloy ka na eh, edi nagustuhan niya yung ginawa mo. Gets?"

"Huh?"

"Bobo ka rin pala. New discovery. Teka, ano pa ba? Bakla ka na ba? Ba't big deal ba sa 'yo na nahawakan mo yung boobs niya? Hindi mo ba iyon nagustuhan?"

"Tristan!"

"Natutulog yung tao, Wren! Magpatulog ka naman!" Narinig ko si ate Chris sa kabilang kwarto.

"Salamat ah, hindi ka nakatulong." Binaba ko na.

Kainis! Nagpagulong-gulong ako sa kama ko. Ba't ko ba kasi nagawa iyon?

Chasing HerTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon