#56

39 1 0
                                    

Hindi ko talaga siya matiis. Ilang araw pa lang kaming hindi nag-uusap pakiramdam ko ilang linggo na. Paano mo ba naman matitiis ang taong mahal mo, 'di ba? Kailangan ko talagang ibaba ang pride ko. Lagi ko na lang siyang nasasaktan kapag pinapairal ko iyon eh. Sobrang foul yung ginawa ko eh. Nag-assume agad ako.

Huminga ako nang malalim bago pinindot ang doorbell nila Audrey. Kinakabahan ako. Miss na miss ko na siya pero what if ayaw niya akong patawarin? What if galit pa rin siya sa 'kin? Ugh. Positive ka dapat, Wren. Kaya mo 'to.

"Pancit? Talaga?"

Muntik ko nang nabitawan ang dala kong pagkain nang narinig ko siya. Tiningnan ko agad siya sa mga mata. Namamaga na naman.

"I'm sorry."


Mabuti na lang talaga at pinapasok niya ako. Akala ko hindi niya na ako mapapatawad. Nasa sala kami ngayon, nasa tapat siya habang kinakain ang pancit na dinala ko. Hindi ko na talaga alam kung anong ibibigay ko. Kung bulaklak, baka hampasin lang ako kaya naisipan ko na lang na magluto ng pancit. First time kong magluto para sa isang babae maliban sa pamilya ko kaya hindi ko alam kung magugustuhan niya. Pinagpapawisan na nga ako dito. Kanina pa talaga siya hindi kumikibo.

"Happy monthsary, Audrey." Nabilaukan siya kaya dali-dali akong kumuha ng tubig.

Nakalimutan niya pala. Haha.

"I'm sorry." Dali-dali siyang tumakbo para yakapin ako.

Talo ulit ako. Niyakap ko siya pabalik hudyat na pinapatawad ko na siya. Ayoko na ring mag-away kami. Gusto kong magwork 'to. Gusto kong magtagal kami at kung parati ko na lang paiiralin ang pride ko, wala ring mangyayari. Bakit ba naman kasi ma-pride? Ang hirap kaya makipagtalo sa ayaw magpatalo.

"Uy, bati na sila!" Agad akong kumalas sa yakap nang narinig ko si Ace.

Nakakahiya kayang maging sweet sa harap ng kuya niya. Jologs nga minsan pero hindi naman maiaalis kay Ace ang protective instinct niya sa mga kapatid niya. Lalo na kapag may lalaking kasama.

Muntik na kaming magkiss ni Audrey nang hinatak kami ni Ace palapit sa isa't isa sabay sabi, "Hug kayo ulit! O, ba't kayo namumula d'yan? PBB teens?"

Sabay kaming tumawa ni Audrey nang napansin naming namumulak kami na parang kamatis ngayon.

"Kuya naman eh!"

Mabilis na tumakbo ang oras. Malapit nang lumubog ang araw at nasa ikatlong movie na kami. Of course malayo kaming dalawa sa isa't isa kasi nasa gitna namin si Ace. Ayaw niya raw munang makakita ng "ka-sweet-an" kasi kakabreak lang nila ng girlfriend niya. Hindi naman siya heartbroken tingnan. Ang sigla-sigla nga niya eh. Ilang bowl ng popcorn na rin ang naubos niya.

"Akala ko na talaga hindi magkakatuluyan si Rosie at Alex. May himala pa pala!"

Tinawanan ko siya habang inuubos ang juice ko. Si Ace lang ata ang kilala kong mahilig sa chick flicks. Muntikan na nga siyang umiyak kanina pero pinigilan niya raw kasi baka pati sipon sumabay na rin.

"Kuya, kung ikaw si Alex.... Si Rosie naman ay si Ate Tricia?— Aray!" Ayan, nabato ng unan.

"Simula ngayon, wala nang babanggit ng pangalan niya. Puro sakit lang dala niya sa 'kin noon."

Biglang sumeryoso ang mukha niya. Sa pagkakatanda ko, Ivy ang pangalan ng ex niya? Sino si Tricia? Sinubukan kong tanungin siya pero ayaw niya talagang magkwento. Okay.

Umupo siya sa tapat naming dalawa at humalukipkip habang pinapasadahan kami ng tingin. Ngayon ko lang siya nakitang ganito kaseryoso.

"Stay loyal. Be faithful.—"

Chasing HerTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon