#21

75 2 11
                                    

TRISTAN'S

Naglakad ako papuntang garden nang nakita ko si Wren na pinapahiran ang kanyang luha.

"Putang inang pag-ibig." Sabi pa niya at agad na pumasok sa backstage.

Ano na naman kaya ang nangyari sa dalawang iyon?

Hindi ko na lamang siya pinansin at nagpatuloy sa paglalakad nang nabangga ko si Audrey na umiiyak.

"Oh, anong nangyari?" Tanong ko sa kanya. "Audrey."

Akmang ngingiti siya ngunit hindi niya kaya kaya'y humagulgol na siya. Napabuntong-hininga ako. Kahit anong tigas ng puso ng babaeng ito ay bibigay rin pala pag tinamaan ng pag-ibig.

Inalalayan ko siya at dinala siya sa backstage. "Malalampasan mo rin iyang problema mo. Pumasok ka na. Sasayaw ka pa, 'di ba?"

Hindi na siya nagsalita pa at nagmadali nang pumasok sa backstage.

Ano na naman kaya ang nangyari sa dalawang iyon?

Napatawa ako sa naisip ko. Pag-ibig nga talaga. Bibilug-bilugin ka lang at iiwan kang sawi sa huli.

CLYDE'S

Nainip ako sa kakapanood ng mga performances kaya naisipan kong hanapin si Cielo. Hmm, saan kaya nagpunta ang babaeng iyon? Tumakbo ako kung saan-saan hanggang sa dinala ako ng mga paa ko sa garden.

Napangiti ako agad sa nakita ko. "Found you." Dahan-dahan akong naglakad para hindi niya ako mapansin. Nang nasa likuran niya na ako ay ginulat ko siya.

"Ay anak ng tokwa!" Agad niya akong nilingon at sinapak.

"A-Aray, ano ba!" Umilag ako sa mga sapak niya habang tumatawa. Napahinto siya sa pananapak at binatukan ako. "Para saan naman iyon?" Tiningnan ko siya.

Ngumiti siya habang nakatingala sa langit. "Thank you."

Narinig kong nagsimula na ulit ang mga performances ngunit hindi koi to pinansin. "Para saan?"

Inabot niya ang isang packet ng Kitkat. "Dahil dito." Nginitian niya lang ako at agad na tumingala sa langit.

Kinuha ko ito at binuksan agad. Sobrang saya ko! Binigyan niya ako ng pagkain!

"Clyde, ang ganda!" Napatingala na rin ako sa langit.

Nakita ko ang mga fireworks na kinukulayan ang madilim na kalangitan galing sa malapit na mall. Hindi ko ito pinansin kasi naman, hindi ako nagagandahan doon. Mas pinili ko na lang tingnan si Cielo.

"Ikaw ang maganda." Tinitigan ko siya.

"Sabi ko sa 'yo eh." Manghang-mangha niyang tinitigan ang mga ito.

Agad akong natauhan sa sinabi ko. Napatakip ako sa bunganga ko. Shit, mabuti na lang at hindi niya narinig.

Nagulat ako nang bigla siyang tumingin sa 'kin kaya umiwas ako nang tingin. What the hell! Parang lalabas na ang puso ko mula sa katawan ko! Kinalma ko ang sarili ko ngunit nagulat na naman ako nang biglang dumampi ang mga labi niya sa kanang pisngi ko. Napaawa ang bibig ko sa ginawa niya at nilingon siya.

"Para saan ba iyon?" Tinaasan ko siya ng kilay.

Tumayo na siya sabay kibit balikat at tumakbo pabalik sa stage.

WREN'S

"Thank you guys!" Nginitian ko silang lahat pagkatapos naming mag-ayos para umuwi na. "Maligayang pasko sa inyo!"

"Advance merry christmas rin Kuya Wren!"

Tumalikod na ako at aalis na sana nang may natapakan akong panyo. Pinulot koi to at tiningnan nang mabuti.

"Uy, sino raw ang nakakita ng panyo ni Ate Audrey! Pakisauli na lang raw sa kanya!" Narinig ko iyon.

Napabuntong-hininga ako. Kailangan kong isauli 'to kahit na sobrang nasaktan ako dahil sa kanya. Nilapitan ko agad siya at tinapik. Nang lumingon siya ay iniwas ko agad ang tingin ko.

"Sa 'yo siguro 'to." Naramdaman kong kinuha niya na ang panyo kaya tuluyan na akong umalis papuntang bahay.

Hindi na ako nakasali sa picture-taking at hindi na rin ako nakapagpaalam kay Tristan at Clyde dahil sa nararamdaman ko.

Tahimik lang akong naglakad pauwi. Laging bumabalik sa isipan ko ang eksenang nakita ko kanina. Ang paghalik ni Keith kay Audrey. Iyon ba ang dahilan kung bakit niya ako pinapunta doon? Ang tingnan silang naghahalikan? Putang ina naman oh. Sumikip ang puso ko sa lahat ng mga saloobin na pumapasok sa isip ko ngayon. Masama na 'to para sa 'kin. Dali-dali kong binuksan ang gate para makapasok ako. Nang naisara ko na ay nagmadali na akong pumasok at umakyat.

"Bunso, kain ka na!" Narinig kong sambit ni ate Ianne ngunit hindi ko na lamang ito pinansin at nilock ang kwarto pagpasok ko.

Binitawan ko ang bag ko at sumandal sa pader. Sumisikip ang puso ko. Nasasaktan ako nang husto. Humagulgol na ako habang sinusuntok-suntok ang sahig. Ilang minuto akong nanatili sa posisyong iyon habang umiiyak. Narinig kong bumukas ang pinto at nakita ko si Ate Ianne na tinititigan ako.

"Bunso?" Sumimangot siya habang inuunat ang mga braso sa harapan ko. Tumulo na naman ang mga luha ko nang niyakap niya ako. "Tahan ka na. Ano ba ang nangyari?"

"Kapag nagmahal ka, kailangan ba talagang masaktan?"

"Hindi mo malalaman ang kahalagahan ng pagmamahal kung hindi ka masasaktan." Kumalas si ate sa pagyakap at pinahiran ang mga luha ko. "Tahan na, ayokong makita kang nagkakaganito, Wren."

Sumimangot na lang ako at yumuko.

"Sino bang nagpaiyak sa masayahing Wren namin?" Napatingin ako kay ate. 

Chasing HerTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon