WREN'S
Ang aga-aga pa pero ang sobrang init na. Pinapagpawisan na tuloy ako. Inagahan naming tatlo ang pagpunta sa SYU sa first day. Tahimik kong tinanaw ang buong campus. Ang sobrang laki nito kaysa doon sa Saint Bernard's. Tiyak na maliligaw ako sa mga unang linggo ko dito.
"Alright, pasukin na natin 'to!" Sigaw ni Tristan matapos naming mahanap ang building namin. Pinagtitinginan na kami ng mga tao kaya medyo lumayo na lang ako sa kanya. First day na first day pinapahiya na niya sarili niya.
"Malaya ka na, pare. Congrats."
Same college lang kami ni Tristan. Accountancy yung kinuha ko at Marketing yung sa kanya. Sa math lang naman talaga ako magaling so itutuloy ko na 'to. Balak rin ni Tristan na palaguin yung nasimulang negosyo ng mama niya. Si Audrey naman ay nagtake up ng Education. Sa una, hindi ko nga pinaniwalaan pero gusto niya raw magturo ng mga bata. Kung gaano siya kataray sa ibang kaedad namin, ganoon naman siya kabait sa mga bata.
"Nasaan na ba yung room ko? Bakit ba naman ang laki-laki ng building natin? At wala pa talagang elevator?" Panay ang pagrereklamo niya habang hinahanap ang room niya. "Oh, Wren, umuna ka na."
"Himala at napansin mo pa ako dito. Kanina ka pa nagpapalakas sa mga babae dito na magiging kaklase mo rin naman sa apat na taon." Huminto siya sa paglalakad at sumandal sa ledge. Habang inaayos niya ang buhok niya ay napansin kong pinagtitinginan siya ng mga babae. "Akala ko ba ayaw mo ng mga department mo?"
"I changed my mind. Baka mas interesting if we have something in common." Kindat niya sa 'kin na ikinatawa ko. Loko talaga 'to.
"Kumusta na kaya sila Clyde, ano?"
CIELO'S
Ayoko dito! Hmph. Andun na si Clyde sa building nila kaya mag-isa na lang ako ngayon. 10 AM pa pasok ko pero inagahan ko na lang kasi ayokong pumasok ng university na mag-isa! Sana nagsit-in na lang ako kina Clyde. Bumuntong-hininga ako.
"Isa ka pa!" Hindi sumasagot si Clyde. Damn. Hindi pa naman nagsisimula ang legit classes ah, saan ba 'to nagsuot at hindi sumasagot sa mga text at tawag ko? Okay, si Audrey na lang tatawagan ko.
"Ri, sumagot ka please." Kanina ko pa 'to tinatawagan pero hindi sumasa— "Ri!"
"How's SCU?"
"Ayoko dito! Ako lang mag-isa! Miss na miss ko na kayo." Reklamo ko sa kanya. "Hmph. Alam kong nagtataray ka na naman d'yan."
"Makakaadjust ka rin! It's just the first day."
Bumuntong-hininga na naman ako. "But—"
"Cie, gotta go. Andito na prof namin."
Okay, binabaan niya ako. Whatever. Ugh! Okay, Cielo. Woman up. Magtatransfer ka rin naman next semester so kayanin mo 'to.
AUDREY'S
Maingay ang cafeteria habang kumakain kaming tatlo. I'm not used to not bringing homemade food. Sabi ni kuya na 'wag raw ako magdala ng lunch sa college. Ang OA pero I took his advice. Pinasadahan ko ng tingin lahat ng mga kumakain ngayon sa cafeteria. No one seems to be bringing their own lunch. Hmm.
"Kumusta ka?" I was back to Earth.
"I made friends." Sagot ko sa kanya habang tinitingnan siyang binubuksan ang coke niya.
"Improving ka ah." Ani Tristan na sinamaan ko ng tingin. "The last three years, si Cielo lang talaga kinakausap mo until dumating kami. Improving ang friendship making skills mo."
Napasinghap ako. "Friendship making skills." Umirap na lang ako at nagpatuloy sa pagkain.
"Hi Audrey!" Lumingon ako sa mga bumati sa 'kin.
"Oh, hi!" Kumaway ako habang palapit sila. "Kumain na kayo?" At hindi nila ako sinagot. The two were staring at Tristan. Gosh. "Nga pala. Boys, si Emma at Grace. Kaklase ko sa majors namin." Nginitian lang sila ni Wren at Tristan. "Si Wren pala, boyfriend ko at si—"
"Tristan." Inabot niya ang kamay niya sa kanilang dalawa na tinabing ko.
Medyo nailang si Grace sa ginawa ni Tris kaya umiwas na lang siya ng tingin.
"Kakain pa kami, Audrey. See you later?" Sabi ni Emma at umalis na silang dalawa.
Sinamaan ko na naman ng tingin si Tristan. "What was that?"
"What? Nagpapakilala lang ako." Nagpapatay-malisya niyang sagot.
Tumawa si Wren matapos niyang ubusin ang pagkain niya. "Type niya yung Grace."
"Hoy!" Sapak niya kay Wren.
"Ayan oh. Lumalandi na naman."
He's seriously winking on every girl na tumititig sa kanya. My gosh. Napailing na lang ako. Ewan ko sa lalaking 'to. Gwapo sana, hindi naman matino.
"By the way, narinig kong may freshmen welcome party raw this Friday. Punta tayo." Ngiti-ngiti ni Tristan sa'min.
"Nope." Sabay kaming umiling ni Wren sa kanya.
I knew we were a boring a couple pero I didn't expect na we were this boring? To the point na hindi kami sumasali sa mga social gatherings.
"Ang KJ! Ayaw niyo bang magsign-up sa dance club? I heard magpeperform sila doon."
Napailing ulit si Wren. "Wait, saan mo ba nakuha ang mga 'to? And on the first day?" Sinamaan niya ng tingin si Tristan.
Umilaw agad yung imaginary light bulb sa utak ko. "Don't tell me may babae ka na ulit?" Tumawa siya at uminom ng iced tea. "Tristan, calm your sperms down! First day pa lang!"
"I'm calm! Basta, pupunta tayong tatlo. No excuses, no exceptions."
WREN'S
At pupunta kami ni Audrey sa welcome party. Wala rin naman kaming choice since nagcampus tour kami kahapon hanggang kaninang tanghali. Palubog na ang araw habang kumakain kami ng dinner.
"Nasaan ba si Tristan?"
Kibit-balikat ko siyang sinagot habang nginunguya ang kinakain ko. Bahala na iyon. Dating gawi pa rin yung inaatupag niya.
"Why don't we spend this night na tayo lang dalawa? You know, date." Natawa siya sa sinabi ko. "Anong nakakatawa doon?"
"Given naman siguro na kapag tayo lang dalawa magkasama, date na iyon 'di ba." Tinaasan niya ako ng kilay.
"Okay okay, 'wag ka namang magtaray. No one's fighting you."
"Hoy, hindi kaya kita inaaway!" Hinayaan ko na lang siya at walang sabing sinubuan siya ng fries. "Wren!"
Tinaasan ko rin siya ng kilay. Ang sarap niya talagang asarin. I know she hates it kapag naghahalo yung kinakain niya.
Magkaakbay lang kaming dalawa habang pinapanood yung performances. Maganda yung view sa harap pero nasisikipan na siya kaya lumipat na rin kami sa likuran. Nagpeperform ngayon ang SYU dance club. Hmm.
"Should we join?" Tumingala siya sa 'kin habang ngumunguso sa nagpeperform.
"Should we?" Alinlangan kong sagot. "Magiging busy na tayo sa college. Baka maapektuhan grades natin."
She nods in approval. "Tama ka rin naman." Bigla niya akong niyakap kaya niyakap ko rin ito pabalik. "You know, I used to think na mas logical thinker ako kaysa sa 'yo but looking at it now, you're the one who's like that." Mas napahigpit ang yakap niya sa 'kin. "Mahal kita."
Abot tainga ang mga ngiti ko nang narinig ko iyon. She rarely says that to me and that's what makes the magic word even more precious. "I love you too." Nagulat ako nang biglang umilaw at mas umingay yung music. "Rave tayo?"
Umiling-iling siya. "I don't know how."
"Ha?" Hindi ko na siya halos marinig. Ang ingay na at nagtatakbuhan na ang mga tao papunta sa harapan.
"I said I don't know how!"
"Hindi ko rin naman alam kung paano! Bahala na!" Hinawakan ko ang kamay niya at hinatak siya papunta sa crowd.
![](https://img.wattpad.com/cover/15594127-288-k409858.jpg)
BINABASA MO ANG
Chasing Her
Teen Fiction[HER SERIES: WREN] Wren has been in love with the same girl for three years and has been pursuing her since they were in the first year of high school. Ever since he decided to chase Audrey, he never gives up despite getting rejected thousands of ti...