WREN'S
Kababalik pa namin galing sa sembreak, puspos na si Audrey sa pag-aaral. Adjustment period pa naman, ano bang pinag-aalala nito? Hinayaan ko na lang siya. Matutulog na lang muna ako. Napagod ako sa pagpapa-expand ng isang minor class. Paano ba naman, late na ako nakapag-enroll. Bahala na basta nauna namin si mama.
"Uwi na tayo?"
"What I am telling you, before you begin my story, is this -- two things: I crave truth. And I lie." Sabi niya.
Tiningnan ko lang siya. Ano ba 'tong pinagbabasa niya? Wala naman sigurong ganyan sa textbook.
"Hindi ko kasi gets."
"Teka nga, nag-aaral ka ba?"
"Nag-aaral ng bagong novel." Proud niyang pinakita sa 'kin ang bago niyang bili na novel. Into the Woods by Tana French. Mystery na naman 'to. "So what do you understand by the quote?" Kinuha ko sa kanya ang libro at binasa ito. "I mean, how can you want the truth and lie at the same time? Ang gulo?"
"Katulad mo."
"Ano?"
"Sabi ko magbasa ka. Baka sa susunod na chapter ay maintindihan mo na."
I bit my lip. Muntikan na iyon ah. Nagpanggap na lang ako na wala akong sinabi at tinitigan ang quote na iyon. Craving the truth and lying at the same time. So Audrey. Gusto niya na alam niya ang lahat. Hinahanap kung ano ang totoo pero hindi naman nagpapakatotoo sa sarili niya. Hay.
"Parang ikaw iyan, eh." Hindi ko na napigilan ang sarili ko. Somebody's gonna say it.
"Excuse me?"
"Tinanong mo ako kung ano ang naiintindihan ko sa quote, hindi ba? Ayan, parang ikaw."
"That's not the answer to my question."
"Not the answer you wanted to hear."
"Galit ka ba sa 'kin?" Napasama ako sa kanya ng tingin. Saan na naman 'to nanggagaling? "Kanina pa kita napapansin na ang init ng ulo mo. Don't tell me you still haven't got over what happened? Sinabi ko naman sa 'yo na okay lang iyon sa 'kin—"
"Ba't ang hilig mong mag-over-analyze sa mga kilos ko? Nakakasakal."
"So mag-aaway-bati uli tayo? Iyan yung nakakasakal."
"Bakit? Sino ba ang palaging dahilan ng pag-aaway natin? Hindi ba't ikaw?"
Napanganga lang siya sa sinabi ko. Tsk. Ano bang nangyayari sa 'kin? Too late na para mag-apologize kasi nasabi ko na. Hindi ko rin madedeny ang sinabi ko kasi totoo naman lahat iyon. She can't deny facts.
"Bawiin mo ang sinabi mo."
Hindi ako makapaniwala sa naririnig ko ngayon. "No. Totoo naman iyon, Audrey. Pati ba naman ako? Owe up to your faults." Agad akong tumalikod nang nakita ko siyang naluluha. Ayan na naman yung mga mata niya.
Damn it. I pulled her in to a hug. I couldn't say sorry. Naguguluhan na ako sa sarili ko. Posible ba talaga na magigising ka na lang isang araw na iba na ang nararamdaman mo sa kanya? Natatakot tuloy ako. Kung totoo nga iyon, ito yung nangyayari sa 'kin ngayon. Ang lamig ko na. Nababalot na ako ng takot. Mahal ko si Audrey at natatakot ako na sa bawat paglipas ng araw ay mas lalamig pa ako sa kanya.
AUDREY'S
Hindi ko siya maintindihan. He's cold. I sighed. Baka may problema na naman sila sa bahay. I hope okay lang si tita. Umuna na si Wren at nagpaiwan na lang muna ako dito sa university. Naglakad-lakad ako sa mga hallways ng bagong tayo na art building. Ang puti. Soon I'm sure mapupuno na 'to ng mga murals at graffiti. Can't wait to witness that soon. I walked further when I noticed an open door. Weird. Lahat ng rooms sarado pa eh. Tahimik kong nilapitan ang pintuan. Something's telling me to go inside. Papasok pa lang ako ay nakita ko na si Grace at Tristan. I would be lying if I said that I'm not shaking right now. They're..... making out.

BINABASA MO ANG
Chasing Her
Подростковая литература[HER SERIES: WREN] Wren has been in love with the same girl for three years and has been pursuing her since they were in the first year of high school. Ever since he decided to chase Audrey, he never gives up despite getting rejected thousands of ti...