#17

94 3 8
                                    

WREN'S

Lumipas ang ilang buwan at medyo nagkakamabutihan na ulit kami ni Audrey. Madalas kaming nagtetext at nag-uusap sa personal. I know she likes me and she's driving me crazy but I don't want her to act like this. Ayaw ko siyang mag-effort na habulin ako. Truth is i'm happy finding out that she likes me but I simply don't want her actions to be misinterpreted by other people. I know she's doing this kasi alam niyang sinukuan ko na siya pero kailangan niyang malaman na gustong-gusto ko pa rin siya. But now isn't just the right time to let her know. This time, I won't let anyone hurt her. I won't let her go. I'll protect her, kahit si Keith pa ang makabangga ko.


"Ten minute break!" Sigaw ko sa lahat na hindi maipinta ang mga mukha dahil sa pagod mula sa pagsasayaw.

"Hay salamat!"

"Thanks, kuya!"

"Wren."

It was Audrey handing out a bottle of water to me.

Nginitian ko lang siya at kinuha ito. Dali-dali akong tumalikod at ngumiti ulit nang pasikreto. I can't control. Sobrang lumalapad ang ngiti ko. Kinikilig ba ako? Ewan.

Malapit na mag-disyembre at palapit na rin ang year-end celebration ng school. Nagiging busy na naman ako. Pinagsabay ko ang pag-aaral, pagsasayaw, at pagbabanda. Kaya ko 'to.

Tinawag na ni Audrey lahat ng members at nag-anunsyo. "We're performing thrice sa year-end celebration. Lahat tayo sasayaw sa closing ngunit sa dalawang mauunang performances ay nakapagdesisyon kami ni Wren na bigyan kayo ng spotlight. So, ihahati natin ang dance troupe sa dalawang grupo. Game?"

"Sige!"

Ang ibang officers na ang pinahandle ko ng paghahati kasi busy ako sa pag-iisip ng mga kantang maaari naming sayawin.

"Wren, handa na." Ani ng secretary namin.

So far so good. Ang ganda ng pagkakahati. Hindi kami magkakagulo sa practices. Mabuti naman at napag-isipan nilang ipares si— Audrey at ako?!

Agad ko silang tiningnan at maloko silang ngumisi sa 'kin. Hay, sila talaga. Bahala na nga.


Ang napunta sa opening dance ay ang grupo ko. May couple dance kaming dalawa ni Audrey bago kami sasayaw lahat. Mahihirapan ako dito, sobra. Hindi ako sanay sumayaw na may kapartner.

"Ano kaya yung sasayawin nila kuya Wren?"

"Yung Love Me Like You Do!"

"Seryoso ka, Ysa? Sobrang sexy kaya nun."

"Wala na akong maisip. Kaya rin naman siguro nilang dalawa iyan."

"Wren, anong sasayawin natin?" Tinabihan ako ni Audrey sa pag-upo na ikinagulat ko. Shit. Here goes my heart beating so fast again.

"Naghahanap pa ako." Sagot ko habang nagsusearch sa Youtube.

"Oh o— may tumatawag sa 'yo." Narinig kong tumunog ang boyfriend ni Justin Bieber na ringtone ko kapag may tumatawag.

"Huh?" Binigay niya kaagad sa akin ang phone ko.

Andy?

"Yo."

"6 PM, band practice."

"Okay." Binaba ko na at nagpatuloy sa pagsearch.

"Wren."

"Ano?"

"Yung call ringtone mo."

"What?"

"Iyan na lang yung sayawin natin." Tiningnan ko siya.

Chasing HerTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon