#20

90 3 9
                                    

TRISTAN'S

Today's the year-end celebration. Ngayon na rin ang huling araw ng pasukan namin sa December.

"As expected from Wren, ang hot sumayaw!" Hiyaw nang hiyaw si Cielo.

"Audrey looks sexy." I muttered.

Nagulat na lang ako nang tinitigan na ako nang masama nilang dalawa.

"Kay Wren iyan." Clyde.

"Humanap ka nga ng iba."

I smirked. "I'm just saying the truth. Is there something wrong with it?"

"I'm eyeing you Tristan." Pananakot ni Clyde habang pinapanood ang sayaw.

Napahalakhak ako. "Hindi ko siya type, kalma ka lang."

Nagulat ako nang mas lumakas ang hiyawan ng mga tao. So what if Wren's on top of her? Sayaw lang naman iyan.

"Audrey never told me about that!"

"Wala ngang sinabi si Wren sa amin eh!"

Napakaingay naman dito. Makaalis nga.


AUDREY'S

Nakaupo lang ako sa bench habang tinitingnan si Wren na bumibili sa vending machine. His body is well proportioned. He's tall. He's handsome. He's good. He's everything i'm finding for a man. Kung magiging kami man, magugustuhan siya nila mama.

"Here." Natauhan ako nang naramdaman ko ang lamig galing sa can ng soda.

"Thanks." Kinuha ko ito at ininom.

"Audrey, you did well kanina."

Tinitigan ko siya. Unti-unting pumako ang mga mata ko sa kanya. Hindi ko na narinig pa kung ano ang mga sinasabi niya. Patuloy ko lang siyang tinunaw sa mga mata ko.

If I listened to Cielo's words a long time ago then all of this wouldn't have happened. Hindi niya sana ako sinukuan. Hindi ko sana siya nasaktan. Kami na sana ngayon.

"Nakikinig ka ba?" Natauhan ako.

"H-Ha?"

"Hindi nga. Tayo na nga." Tumayo na siya at nag-unang maglakad. Lumingon siya sa 'kin na nakaupo pa rin. "Ano pa bang hinihintay mo? Milagro? Late na tayo sa christmas party!"

Napangiti ako at sinundan siya.


Natapos na ang aming christmas party at agad na rin kaming bumalik sa practice room para ayusan ang mga susunod na sasayaw. Nang natapos na namin ay hinanap ko si Wren. Nakita ko siyang palabas na sa backstage kaya sinundan ko.

"Wren!" Hindi pa siya nakakalayo kaya tinawag ko na.

Lumingon siya. "Yes?"

"Kita tayo mamaya."

Nagtaas siya ng kilay. "Para saan?"

"May kailangan akong sabihin sa 'yo."

Kumunot ang noo ko. "Ngayon mo na sabihin. Magiging busy tayo mamayang hapon."

Napakamot ako sa ulo ko. "E-Eh hindi kasi pwede. Pagkatapos na lang ng band performance niyo."

"May closing stage pa tayo pagkatapos niyan."

Sinamaan ko siya ng tingin at umirap. "Ewan ko sa 'yo! Basta mamaya sa harap ng practice room!" Nainis na ako kaya tumakbo na ako palayo sa kanya at hinanap si Cielo.


TRISTAN'S

Naging bored ako sa christmas party kaya naghanap ako ng babae sa lower years. Huminto ako sa paghalik sa kanya at umalis.

Chasing HerTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon