WREN'S
"Audrey, buksan mo 'to! Ayusin natin 'to, please. Ayusin natin 'to..."
Napasigaw na ako habang hinahampas ang gate nila. Wala na akong pake kung mabulabog ko ang mga kapitbahay nila o kahit sino dito sa subdivision. Kailangan ko siyang makausaup. Dapat maayos 'to, hindi yung aalis na naman siya bigla nang hindi nagpapaliwanag. Nararamdaman ko na hindi pa rin nakakagalaw si Audrey sa kinatatayuan niya sa kabilang banda ng gate nila. Napagod na rin ako kakahampas at nakita kong wala na ang anino niya hudyat na pumasok na siya sa loob. Napasandal na lang ako sa gate nila at patuloy na umiyak.
"Ba't ka ganun, Audrey? Ba't andali lang sa 'yo na iwan ako?" Ang sikip-sikip na ng puso ko ngayon. Hinding-hindi mo talaga malalaman kung kailan magbabago ang nararamdaman ng isang tao para sa 'yo. Nung isang araw lang, ang in love niya sa 'kin at ang sobrang sweet niya pero ngayon hindi ko na makita iyon sa mga mata niya. Wala nang kislap. At ang masaklap, hindi mo rin mapapansin kung kailan mangyayari 'to. Gigising ka na lang isang araw, hindi ka na pala niya mahal. Kusa ka lang iniwan. Masakit maiwan nang walang paliwanag. Masakit maiwan nang hindi mo man lang alam kung bakit kayo humantong sa ganun.
Masakit maiwan sa ere.
TRISTAN'S
Tahimik lang akong naglakad patungo sa COE building. Ang lalim na ng inisip ko sa isang problemang hindi naman ako sangkot. Ilang araw na ang lumipas noong nalaman namin nila Cielo na hiwalay na pala si Audrey at Wren. Magkasama kaming tatlo noong araw na iyon, pinaplanong tulungan silang dalawa ngunit biglang tumawag si Audrey na umiiyak at hindi na halos makapagsalita kay Cielo. Doon ko napagtanto na wala na sila dahil sa kanya. Ayokong makialam pero kasalanan ko bang lagi kong nakikita silang dalawa na may kasamang ibang tao? Si Wren laging nilalapitan ni Alex. Si Audrey naman kusang lumalapit at sumasama kay Adrian. Ayokong nakikialam ng buhay ng ibang tao pero kaibigan ko silang dalawa at ayoko silang makitang nasasaktan. Di bale ng ako ang masaktan basta 'wag lang sila. Pero ba't biglang nag-iba ang ihip ng hangin? Kamakailan lang ay ang sweet pa nila. Ngayon, wala na.
"Grace!" Tinakbo ko na ang pagitan naming dalawa. At least, may distraction ako sa problema ng mga kaibigan ko ngayon. At siya iyon.
Nilingon niya ako at pasimpleng nginitian tapos binalikan ang inaatupag niyang handouts. Pumuwesto ako sa likuran niya at sinandal ang ulo ko sa kanang balikat niya. "Anong ginagawa mo?" Napansin ko siyang unti-unting namumula sa biglaang pagbulong ko sa tainga niya. Umiwas na lang siya ng tingin at inalis ang ulo kong nakasandal sa balikat niya. Kinikilig ba 'to? Tss, 'wag siyang weak. Siya rin lang ang masasaktan sa huli.
Si Grace ay yung tipo ng babae na tipid lang magsalita. Yung tipong dapat ang tama lang ang dapat lalabas sa mga labi niya. Isang tanong, isang sagot. Walang paligoy-ligoy sa pagsagot. Maingat siya at klarong-klaro na ayaw niyang magkamali sa mga sasabihin niya. May tinatago ba siya? Isa ba 'tong spy o serial killer? We will never know.
Napansin kong huminto siya sa pagbabasa at hinarap akong nakaupo na ngayon sa tabi niya. Tinitigan niya ako sa mga mata. Damn. Ayokong tinititigan ako sa mga mata. Nanghihina ako eh. "Are you asking me on a date again?"
Napangiti ako sa tanong niya. Ilang beses lang naman kaming nagkasama nito and I must admit na ang gaan niyang kasama. "We're not dating, Grace." Ngiti-ngiti ko habang umiiling. Napatikhim siya at nag-iwas ng tingin. Alam niya naman kung anong status naming dalawa. Not friends nor lovers. Hindi rin something in between kasi wala kaming nararamdaman sa isa't isa at hindi kami dapat makaramdam nang ganoon. Let's just say na magkakilala kami and we benefit something from each other. That. "Anyway, nakita mo ba si Audrey?"
Nawala ang ngiti sa mga mata niya nang iniba ko ang usapan. "Kasama si Adrian, na naman." Batid kong alam na rin niya kung anong pinapahiwatig ko at maging siya ay hindi masaya nito. Ginulo niya ang buhok niya at sumandal sa 'kin. "She's cheating and she's unaware of what she's doing."
BINABASA MO ANG
Chasing Her
Teen Fiction[HER SERIES: WREN] Wren has been in love with the same girl for three years and has been pursuing her since they were in the first year of high school. Ever since he decided to chase Audrey, he never gives up despite getting rejected thousands of ti...