WREN'S
"Wren, anong oras na? Next year ka pa ba maliligo? Palubog na ang araw hoy!" Putak ni ate Chris sa labas.
"Alas sais pa lang ate, parang awa!" Tinakpan ko ang mga tainga ko. Grabe ang aga-aga pa.
"Labas na!"
Napakamot na lang ako sa ulo ko at dali-daling kinuha ang tuwalya ko at lumabas.
"Christina!"
"Ano? Kanina ka pa putak nang putak!" Tumakbo si ate Chris sa kusina.
"Kanina pa kaya kita tinatawag! Nasaan na yung asin dito?"
"Ito oh, bulag! Kapatid ba talaga kita? Hindi Christina ang pangalan ko, Christine. Christine!"
Napairap na lang ako sa kanila at dali-daling umakyat sa taas. Umagang-umaga nagbabangayan na naman.
Nang nakaakyat na ako ay napagpasiyahan kong manatili muna sa sala dito taas. Habang nakaupo ako ay tinitigan ko ang larawang nakasabit sa pader. Elementary pa ko dito. Ito yung kahuli-hulihang litrato namin na kompleto kami. Napatitig naman ako sa pintuan ng kwarto ni mama. Bakit kaya hindi naghanap si mama ng iba kahit pwede naman? Tanggap rin namin nina ate kung bubuksan ni mama ulit ang puso niya. I guess, she really loved papa.
Natauhan na lang ako nang nagvibrate ang phone ko. Binuksan ko ito at nakita ang text ni Audrey.
Hi?
Agad ko siyang tinawagan at agad rin niyang sinagot ito.
"Hello?"
"Good morning. Ang sigla mong pakinggan ngayon ah." Napangiti ako.
"Ang aga mo namang nagising." Narinig ko ang ingay mula sa kabilang linya. "Tumahimik ka nga kuya!"
Tumawa ako sa narinig ko. Si Ace nga talaga. Ang hilig mang-asar.
"Ang busy niyo siguro d'yan. Nakakaabala ba ako?"
"No!" Sumigaw siya na ikinagulat ko. "I mean, no." Bumalik ulit ang normal na tono ng boses niya. Ba't ang cute nitong babaeng 'to? "Binabantayan ko lang si Alison. Namalengke— "Hi Kuya Wren! Si kuya Wren ba iyan?"
Mas lumapad ang ngiti ko sa narinig ko. "Hi Alison!"
"Wren, puputulin ko na 'to ah. Nakakainis. Mamaya na lang?"
"Sure, sure. Goodbye."
Napailing ako habang nakangiti. Things really have changed. A year ago, halos wala akong connection kay Audrey. Hindi ko siya makausap kahit sa chat. Even sa personal, nakakausap ko lang iyon kapag may binibigay ako. A lot can really happen in a year.
"Baliw ka na siguro?"
Nagulat ako nang nakita ko si ate Chris na nakasandal sa railings. Tinaasan ko lang siya ng kilay.
"Anong nginingiti-ngiti mo d'yan? Si Audrey ba?" Humiga siya sa sofa at ipinatong ang mga binti niya sa mga paa ko.
"Wala ka na doon." Ang bigat naman nitong mga paa niya. Babae ba 'to?
"Porket close kayo ni Ianne, babalewalain mo na ako." Sumimangot siya at inirapan ako.
Tinawanan ko siya at hinampas ng unan. Matampuhin talaga 'tong babaeng ito.
"Nagdadrama ka na naman. Close naman tayong tatlo. Mas close ka nga lang.... sa boyfriend mo." Dali-dali akong tumakbo pababa para umilag sa mga itatapon niyang gamit sa 'kin.
"Hayop ka talaga!"
"Joke nga lang iyon! Aray!" Natumba ako pagkatapos niya akong batuhin ng unan.
Siya naman ang tumawa sa 'kin. "Ang OA mo! Unan lang iyan! Weak!"
"Tumahimik nga kayong dalawa! Shh!"
"Ate ang sarap ng mga niluto mo!" Kumuha pa ako ng isang crab.
"Pasado ka na ate, pwede ka nang magkaboyfriend." Tumawa nang malakas si ate Chris na sinabayan naman ni mama.
"Kayo talaga! Family muna ang priority ko ngayon. May dadating rin." Masiglang ngumiti si ate bago uminom ng juice.
"Ah ma, pupunta nga pala ako sa bahay ni Audrey mamaya." Agad silang napalingon sa 'kin. "Ah eh.." Napakamot ako ng ulo. "Birthday niya kasi bukas. Iaabot ko lang yung regalo ko sa kanya."
"Nasa kabilang village lang naman, hindi ba? 'Wag kang magtagal doon."
Ngumiti ako at agad na niyakap si mama. "Thank you ma!"
"Happy new year!" Nasa labas kami ngayon at naglalaro ng mga sparklers. "Ngayon lang ulit ako nakapaglaro nito."
"Eh kasi ang kj mo, feeling adult." Nanginginis na naman si ate Chris kay ate Ianne. Bahala na nga sila dito.
"Aalis na ako ah! Babalik rin ako kaagad!"
AUDREY'S
"Happy birthday, Audrey!" Nagwish ako bago hinipan ang mga kandila.
"Thank you!" Niyakap ko silang lahat.
"Ate, may tumatawag sa cellphone mo!" Ani Alison habang tinitingnan ang phone ko. "Wren yung nakasulat!"
"Ayeee! Ikaw Ri ah!" Nanunukso na naman itong mokong na 'to.
"Manahimik ka nga!" Agad akong lumabas at tumungo sa garden. "Hello?"
"Happy new year." Napangiti ako nang narinig ko ang boses niya.
"Happy new year, Wren." Tumalikod ako nang nakita ko si kuya na tinititigan ako habang nakangisi. Bwisit talaga 'to. "Teka."
Dali-dali kong binuksan ang gate para lumabas nang bumungad sa 'kin ang nakangiting mukha ni Wren.
"Happy birthday, Audrey." Sabi niya sa 'kin habang nakadikit pa rin sa mga tainga namin ang mga phone naming dalawa.
Binaba ko na ang tawag at nilapitan siya. "Thank you. Bakit ka napapun—"Nagulat ako nang naglabas siya ng isang box sa harapan ko. "Wait.."
"Para sa 'yo iyan." Kinuha ko ang box mula sa kanya at tinitigan siyang mabuti. Niyakap ko siya nang mahigpit na mahigpit. "Thank you Wren. Thank you so much."
Kumalas siya mula sa pagkakayakap ko at tiningnan ako sa mga mata. Dahan-dahan niyang inilapit ang mukha niya sa 'kin. Nginitian niya ako at hinalikan sa noo.
"I love you, Audrey." Sabi niya habang yakap-yakap pa rin ako. "Mahal na mahal kita."
"S-Sure ka ba?" Nauutal kong sabi habang tinitingnan siya. "I-I mean..."
"If I say I love you, I really do."
"Ri! Pumasok ka na! Natatagalan ka na d'yan!" Narinig kong tumunog yung kaya agad akong kumalas sa pagyakap kay Wren. "Oh, Wren! Anong ginagawa mo dito?"
Nagkatinginan kaming dalawa ni Wren at agad ring nag-iwas ng tingin. "Ah, eh, kuya, eh kasi—"
"Pwede bang umakyat nang ligaw sa kapatid mo, Ace?"
![](https://img.wattpad.com/cover/15594127-288-k409858.jpg)
BINABASA MO ANG
Chasing Her
Novela Juvenil[HER SERIES: WREN] Wren has been in love with the same girl for three years and has been pursuing her since they were in the first year of high school. Ever since he decided to chase Audrey, he never gives up despite getting rejected thousands of ti...