WREN'S
"Castro! Nasaan na yung tubig?!" Sigaw nang sigaw si Audrey habang nag-eexperiment kaming dalawa.
"Ito na!" Dali-dali akong nag-igib ng tubig at inilapag ang beaker sa harapan niya.
Ilang linggo na ang nagdaan magbuhat noong hinarana ko siya. Naging busy na agad ang araw naming dalawa kasi graduating na kami kaya hindi ko siya nakakausap. Ang daming nangyari sa mga linggong iyon. Una, kasama ko siya sa dance troupe at siya yung vice president habang ako ang president ng club. Pangalawa, naging lab partner ko siya dahil pareho kami ng class number sa klase.
Pinagmasdan ko lang siya habang nag-eexperiment. Ang ganda niya talaga, masungit nga lang at hindi pa rin nadadala sa mga ginagawa ko para sa kanya. Ang tagal na rin pala. Three years.
"Wren!" Natauhan ako. "Hindi ka nakikinig, ano ba!"
"E, sorry." Napatawa ako. "Ako na lang d'yan sa experiment, sagutan mo na lang yung mga guide questions." Napatingin siya sakin at binalik ulit ang atensyon sa experiment.
"Matalino ka naman, 'di ba? Edi ikaw sumagot niyan lahat."
"Baka maano ka d'yan."
"Kaya ko nga eh." Inirapan niya ako.
"Sorry na nga." Hinarap ko na lang ang papel na puno ng mga tanong at sinagutan ito.
"Hindi sa lahat ng oras ay ako ang aatupagin mo, Wren."
Napahinto ako at tiningnan siya.
"Ako na." Kinuha ko lahat ng gamit niya. Lunch time na kasi.
"Akin na nga iyan!" Inagaw niya ito mula sa 'kin.
Tiningnan ko siya.
"Hindi kita kailangan. Kaya kong dalhin ang mga gamit ko mag-isa. May mga kamay ako." Inirapan niya ako at tumakbo patungong classroom.
Tsk. Palpak.
"Pahingi naman ng porkchop mo!" Sigaw ni Clyde kay Tristan habang dahan-dahan nang kinukuha ang porkchop galing sa lunchbox nito.
"Hoy, ano bang ginagawa mo?!" Napansin agad ito ni Tristan kaya inilayo na niya ang lunchbox niya mula sa kanya.
"Damot mo naman." Aniya habang nginunguya-nguya yung nakuha niyang porkchop.
"Patay-gutom kasi." Sabi ko sa kanya at kinuha yung natirang porkchop ni Tristan.
"Uy Tristan bakit hinayaan mo lang siyang kunin yung natitira? Unfair mo!"
"Magiging madamot lang ako sa pagkain kapag ikaw na yung nanghihingi." Nagtawanan na kaming dalawa ni Tristan nang mabilaukan si Clyde.
"Tubig ko, tubig!" Hinanap niya yugn water jog niya ngunit wala ito. "Guys, pahingi naman."
"Ubos na!" Nagtawanan ulit kami.
"Ewan ko sa inyo!" Tumayo na siya at tumakbo patungong canteen.
Nabunggo niya pa si Cielo at natumba siya. Grabe.
"Tumingin ka naman sa dinadaanan mo, Clyde!"
"Sorry!"
Napahinto ako sa pagtawa nang nakita ko na kasama pala ni Cielo si Audrey. Dali-dali kong tinapos ang lunch ko at uminom ng tubig.
"Hi, Wren!"
Tinaasan ko siya ng kilay.
Agad niyang itinulak si Audrey palapit sa amin.
BINABASA MO ANG
Chasing Her
Teen Fiction[HER SERIES: WREN] Wren has been in love with the same girl for three years and has been pursuing her since they were in the first year of high school. Ever since he decided to chase Audrey, he never gives up despite getting rejected thousands of ti...